CHAPTER 6

1 0 0
                                    

Na tigil ako sa pag iisip ng narinig kong nag sisigawan si mama at ate sa baba, bumaba agad ako at tinignan kung ano ang nangyayari

"ba't mo pinagpatong-patong ang mga plato?! Jusko! " narinig kong sinabi ni Nanay

"Mama naman eh ang hirap kaya mag pagbalik-balik para kunin isa-isa ang mga plato!" Sabi ni ate  habang nakatayo sa gilid ang aming bunso

"Ano nanam po ba ang pinag aawayan nyo?" Sabi ko habang nag madaling bumaba sa hagdan

"Eto kasing ate mo, pinag patong patong nya daw yung plato kanina" sabi ni nanay habang nilagay nya ang kanyang kamay sa lamesa para oang supporta

Biglang may tumawag kay mama At ito naman ang anak ni Aling Kila sinagot naman ito ni nanay

"Oh bakit Zack?" Wika ni mama sa telepono hindi namin marinig ang ponag uusapan nila pero alam namin na hindi ito maganda kasi nag iba ang reaksiyon ni Nanay

"O sige sige pupunta nako dyan, mag Ingat ka" sabi ni nanay habang kinuwa nya ang wallet nya at susi

"Mama san kapo pupunta?" Sani ni Lila

"Pupunta muna ko kila Mareng Kila, Maria bantayan mo muna mga kapatid mo." Sabi ni nanay bago sya umalis, na rinig ko ang pag bukas ng sasakyan namin  at ang pag andar neto.

•Merian POV•

Nag madali akong pumunta sa bahay ni Mareng Kila natakot ako sa nangyari sakanya nakakaawa din ang kanyang anak sana ok lang sya.

Nang dumating ako sa bahay ni Mareng Kilay hinarangan ako ng mga pulis, andaming pulis at may ambulansya sa harapan ng bahay nila

Earlier that day
•Aling Kila POV•

'Pagkatapos namin kumain sa bahay nila Merian umalis na ako pagkain lang naman habol ko doon wala naman ako pake kung namatayan man sila, nakapag pabaon pako ng pagkain'

Natawa ako sa aking sarili habang bumaba ako sa jeep sa harapan ng bahay ko, nasakamay ko ang binaon ko'ng ulam galing sa patay, sabi nila bawal daw ang mag dala ng pagkain na galing sa patay baka daw sundan ng spiritu, sino tinatakot nila? Pamahiin lang naman yon

Binuksan ko ang pintuan ng aking bahay gamit ang susi ko pumasok ako dito at sinarado ko ang pintuan

Mag isa lang ako sa bahay dahil nag aaral pa ang anak ko na college maya maya pa ang dating nya

Nilagay ko yung pagkain sa lamesa at pumunta ako sa aking kwarto at nag palit ng damit 

Bumalik nako sa kusina napansin ko na nag ina ng pwesto ang aking upuan baka na usad ko lang to...

Kumuwa ako ng plato sa kusina at sinalin ko dito ang binaon kong pagkain hindi alam ni Merian na nag baon ako ng pagkain pero nakita ito ng panganay nya pero nanahimik nalang sya

"Impernes ang sarap ng luto nya ah, hindi talaga nag mana si  Merian sa nanay nya, matabang mag luto si Aling Dela Cruz"

napatawa nalang ako ngunit nabulabog ang aking pag tawa ng narinig ko ang boses ng aking anak sa aming Silong (Basement)

"Nay! Nay!" Pasigaw nasabi ng boses ng anak ko sa aming Silong

"Nakauwi napala sya, sabi nya ayaw nya pumunta sa aming ibaba?" Sabi ko sa sarili ko ng patanong

Binaba ko ang kinakain ko at bumaba ng hagdan patungo sa aming Basement

Laking gulat ko na wala namang tao dito narinig ko ulit ang aking anak na himihingi ng tulong sa gilid kaya pinuntahan ko Ito laking gulat ko na walang tao dito

Narinig ko din na nag sarado ang pintuan ng Basement namin

"Anak nasan ka? " patanong kong sinabi maya maya lang ay nag bukas sindi ang ilaw namin pero hindi ako natakot dahil alam kong matagal ko ng hindi na papalitan ang ilaw dito

"Nay nandito ako!" Paulit ulit nyang sinabi sa kabilang gilid ng aming Basement

Kaya pinuntahan ko ito, pero wala paring tao dito nakatingin lang ako sa gilid na narig ko ang boses nya, tumaas ang aking mga balahibo at bumigat ang aking pakiramdam nang may naramdaman akong nakatayo sa aking likod, ayoko tumingin sa aking likoran pero may tumawag sakin

"Inay... Andito ako tulungan nyo po ako... " sabi ng anak ko kaya nagdalawang isip akong tumingin ako sa likoran ko

Ngunit imbis ang anak ko ang dumungaw sakin isang babaeng puno ng saksak at duguan ang damit ang nakita ko naka ngiti sya ang ngiti nya ay umabot hanggang tenga nya... Pagsinabi kong hanggang tenga... Hanggang tenga talaga ang mata din nya ay sobrang laki kahit  puti lang ito, lagas lagas din ang buhok nya at kulang kulang din ang daliri nya

"A-Aling Dela Cruz I-Ikaw bay-" na putol ang aking salita dahil sa sarili kong malakas na sigaw umiyak ako ng malakas ngunit nagdilim na ang aking paningin at bumagsak ang katawan ko sa malamig na sahig ng aming Basement...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 23 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PAMAHIINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon