Messenger
Jade Ashley
7:02 A.M
Seleira
jade
i miss chaos
ewan ko, almost two years nang walang kami pero i'm still into him
i miss him gagi
omg naiiyak ako, i miss chaos so much :((
Jade
Ano pa ba ang bago, Seleira? Wala naman, eh.
Pero sige. Hahayaan kita, nagmahal ka lang naman.
Seleira
i kept on re-reading our conversation last night
what went wrong?
all good naman eh
muntik na nga kaming mag monthsary pero bakit ganoon ang epekto niya sa akin?
bakit hanggang ngayon stucked pa rin ako sa past namin?
Jade
Kasi kinukulong mo ang sarili mo sa kaniya, Seleira.
Hindi mo hinahayaang maging malaya ang sarili mo.
Hindi mo siya inaalis sa utak mo dahil hindi mo siya gustong kalimutan, gusto mo nariyan lang siya lagi sayo kahit na may mahal na siyang iba.
In short, you can't set him free.
I'm sorry for my words, ha?
Pero umabot na kasi sa puntong I had to say those words para lang gumising ka sa reyalidad na wala na kayo ni Chaos, almost two years na.
Ayaw kong lagi kang nagkakaganyan.
Ayaw kong matuloy ka sa phase kung saan hindi mo na kilala iyang sarili mo dahil masyado ka nang nagmahal.
Seleira
:(
Jade
Kung para sayo talaga si Chaos, magiging iyo siya.
Kung kayo talaga ang para sa isa't isa, hindi kayo masasaktan ng gan'yan, Seleira.
Love is kind.
Love never hurts.