Chap 1: Three Prince

1.1K 61 56
                                    

Once upon a time, there was a very beautiful Princess who lives in a castle and she was surrounded by three charming Prince.

Kyiih! Nakakaloka! Kinikilig nanaman ako ng bonga-bonga tuwing naiisip ko 'yung panaginip ko kagabi! Kyaah! Biruin niyo Prinsesa daw ako at may nakapalibot daw sa 'king tatlong gwapong Prinsipe. Kaloka! At kilalang-kilala ko in-person ang tatlong Prinsipe na 'yon!

Gusto niyo din ba silang makilala? Sila ang super duper sikat na boys sa campus namin. Kese nemen eng ge-gwepe nele.. Neheheye teley ekeng meg-kwente, beke esepen nye assuming eke.

Aizan Perez. Cute siya lalo pag-ngumingiti, ngiti palang niya maka-laglag panty na anebeyen! Ngiti palang niya parang sinasapian na ni Marta ang mga girls. Sino si Marta? Ang totoo niyan hindi ko din kilala eh, hayaan mo na. Anyway back to Aizan. Ayun nga, sa tatlong bibe siya ang pinaka play boy, womanizer, girl friend ng bayan. Kaya hindi siya ang bet ko. But still I like him because he's part of tatlong bibe.

Yong Mujahil. Syempre gwapo, anong aasahan mo sa isang campus crush aber? Ang usap-usapan siya daw ang pinaka makulit sa kanilang tatlo, hihi. Pero gaya kay Aizan hindi din si Yong ang bet ko, kaya sorry Yong. Di bale gwapo ka pa rin sa paningin ko.

Marco Gallo. Oo na nga! Siya ang crush ko sa mundong ibabaw! Ang kulit kasi eh dami pang pakeme nitong writer kuno na 'to! Hihihi. MYLOVES! My loves ko na siya simula pa nung mga bata kami! Huhu, Simula nung iligtas niya ko mula sa asong humahabol sa 'kin. Napagkamalan yata akong tumatakbong buto nung aso kaya hinabol ako, at ayun niligtas ako ni Marco my knight in shimmering armor! Sweet niya 'no?

"Maymay? Anong ginagawa mo dito?"

Agad akong napalingon sa babaeng nagsalita. They're not one but two. "Hey! Pretty girls! San ang punta niyo?" Galak kong tanong sakanila. Sila nga pala ang mga matatalik kong kaibigan na si Fenech at Kristine. Gaya ko pretty din sila!

Kinunutan nila ako ng noo.

"Dinaanan ka namin sa bahay nyo eh, at ang sabi ni Tita nauna ka na daw. Ang aga mo naman yatang pumasok?" Tanong ni Fenech.

"Oo nga, pero mukhang hindi ka pa yata nakakarating sa room. Dala mo pa 'yang bag mo eh," tinuro ni Kristine 'yung bag ko.

"Ang uusisa naman this girl. Kalma lang kayo. Eh kasi kagabi may napanaginipan ako, kyaaah!" Ayan at kinikilig nanaman ako! Kaenes kase eh.

"At anong kinalaman non sa pagpasok mo ng maaga?" Tanong ni Kristine.

"Aneh beh. Napanaginipan ko na ngayong araw daw mapapalapit ako sa tatlong Prinsipe, Hihihi! Kaya maaga akong pumasok para abangan sila dito sa gate,"

"Napanaginipan? Tatlong Prinsipe?" Sabay pa nilang tanong.

"Slow lang? Sino pa ba? Edi sila Marco, Yong at Aizan! Oh 'di ba! Hahaha! Malakas ang pakiramdam kong matutupad ang panaginip ko!"

Napa-ikot nang mata si Kristine at napakamot naman sa noo niya si Fenech. Ang supportive friends nila 'no?

"Nag-almusal ka ba?" Bored na tanong ni Kristine.

"Oo naman. Bacon pa nga, hot dog at milk," sagot ko.

"Hay nako Maymay. Tama na ngang pagpapantasya mo sa tatlong lalaking 'yon. Wala ka namang mapapala sakanila eh," wika ni Fenech.

"Mabuti pa samahan mo nalang kaming magpa-xerox. Inuutusan kami ni Ma'am Esnaola," aya ni Kristine at hinila na niyang braso ko.

"Teka lang sandali! Baka bigla silang dumating eh!" Patuloy pa rin si Kristine sa paghila sa 'kin.

"Omg! Marco, Yong and Aizan is here!"

Agad nanlaki ang tenga ko sa tili ng fan girl. Ako pa ba?! Pangalan 'yon ng tatlong bibe ko eh!

Napalingon ako sa entrance ng gate, pero pisti! Nalingat lang ako sandali napuno na ng mga kubuteng fan girls ang gate!

BUANG BA SILA?!! Kanina pa 'ko nandito tapos uunahan nila ko sa myloves ko?! NO WAY! OUT OF MY WAY!

Hindi ko alam kung pano ako nakawala sa pagkakahawak ni Kristine. Basta ang alam ko lang binabalya ko na 'yung mga kabuteng fan girls para makadaan ako. Nadidinig ko pang nagreklamo sila, but I don't mind! Padaanin nila ako!

Pero pagkarating ko sa gitna hindi ko na sila kinayang balyahin! Huhu, ang sexy kasi ng mga braso ko eh.

OMG! Hanggang sa maipit na 'ko sa mga nagdagsaang fan girls. KAHIT MAKITA KO LANG SI MY LOVES!

Pero sa kasamaang palad taluktok lang ng buhok nya ang nasilayan ko at tuluyan na 'kong natumba sa dagat-dagatang fan girls.

Hanggang sa mag-alisan na ang mga kabuteng fan girls at naiwan akong nakasalampak sa may lupa. Wala na din ang tatlong bibe ko, kahit likod nila hindi ko man lang nasilayan. Huhu, useless ang pagpasok ko ng maaga.

"Maymay!" Dali-dali akong nilapitan nila Kristine,

"Ayos ka lang? Hindi ka ba nabalian ng buto? Gusto mo dalhin ka namin sa clinic?" alalang tanong ni Fenech.

"Ayos lang ako mga friends," lantang gulay kong sagot. Ramdam ko ding sabog-sabog na ang buhok ko. "Humanda sa 'kin ang mga kabote na 'yan. May araw din sila sa 'kin,"

"Itigil mo na nga Mary Dale 'yang kalokohan mo. Naghahanap ka talaga ng sakit ng katawan mo eh 'no?" Wika ni Kristine.

Ako si Mary Dale Entrata, na mas famous sa pangalang Maymay. Maymay ang tawag sa 'kin ng lahat maging ng mga kaguruan. Senior highschool sa prestihiyosong school ng Zealous West Academy. Aaminin kong medyo Rich kid ako hehe, kaya ako nakakapag-aral sa pang mayamang school. Business man ang Papa ko, at ano pa ba? And I am proud to be me, that's all thank you!

MayCoWard Love Story #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon