SA ILALIM NG ISANG PAYONG

12 1 0
                                    

Sa ilalim ng isang Payong
Isinulat ni: mrlloyd18

Malakas ang kulog at kidlat. May isang pamilya na nakatira sa ilalim ng tulay. Dala-dala ng panganay na anak ang payong  na ginagawang silungan nang kanilang pamilya. Hindi siya malaki, katamtaman lamang ang laki pero nagagamit nila ito sa tuwing umuulan at sila ay naiinitan. Biglang lumakas ang buhos ng ulan at nababasa na sila. Nababasa sila dahil sa talisik ng ulan, para hindi sila mabasa ay binuksan ang payong. Pero bakit mas lumakas pa ang ulan at hangin na parang papalirin nito ang payong na pang protekta sa kanila. Hindi nila inakala ang sumunod na nangyari biglang rumagasa ang tubig patungo sa kanila kaya dali-dali silang pumunta sa taas ng tulay.
“Nay, Tay, ayos lang po kayo?” tanong ni Ernesto sa kaniyang ama’t ina.

“Oo, anak, ayos lang kami,” sagot ng kaniyang magulang.

Sinunod naman niyang tinanong ang kaniyang mga kapatid at ganoon din ang naging sagot nito. Pinalapit ni Ernesto ang kaniyang ina at mga kapatid sa payong na kaniyang hinahawakan. Nagsiksikan silang magpamilya sa iisang payong dahil wala na silang masilungan pa. Sa bawat pagbuhos ng ulan ay ganoon din kabilis ang pag-agos ng kaniyang mga luha sa kaniyang mga mata. Hindi ganito ang buhay na nais niyang iparamdam sa kaniyang pamilya.

Umiiyak ang nanay, ngunit hindi niya ito ipinapakita upang iparamdam sa kaniyang mga anak na magiging maayos ang lahat. Gayundin ang ama nito, nais nang humagolgol ng ama ngunit hindi niya magawa dahil siya ang haligi ng tahanan dapat siya ang isa sa pinakamalakas sa pamilya upang mabigyan ng lakas at pag-asa ang kaniyang mga anak. Hanggang sa natapos ang bagyo ay nanatili lamang silang magpamilya na sumilong sa iisang payong.
Biglang bumalik sa mga ala-ala ni Ernesto ang kanilang naranasan sa pamilya Fuego, nais lang naman nila ng matiwasay na buhay habang nagtatrabaho sa kanila, nais lang naman nila na makapagtapos sila ng pag-aaral at nais lang naman nila na sa pagdating ng araw ay hindi na sila maging katulong. May maliit silang bahay sa sakahan at kahit maliit ito masaya silang nagsalo-salo sa hapagkainan.

Si Ernesto at ang kaniyang pamilya ay matagal nang nagtatrabaho sa pamilya Fuego. Ang kaniyang ina ay katulong, ang kaniyang ama at siya ay isang trabahador sa sakahan. Habang ang kaniyang tatlong kapatid ay nag-aaral. Ayaw niyang matulad sa kaniya na walang pinag-aralan. Pinagbutihan ni Ernesto ang kaniyang pagtatrabho dahil nais niya ring makapag-aral dahil tanging nasa ika-apat na taon sa elementarya si Ernesto at tumigil din ito. Gusto niyang bumalik sa pag-aaral dahil may mga pangarap pa siya na kailangang tuparin. Pangarap sa kaniyang pamilya at pangarap sa kaniyang kapatid.

“Kuya,” tawag ng kanilang bunsong kapatid,
“Ano, naman iyan bunso?” tanong ni Ernesto
“Kuya, mataas po ang grades ko sa Math,” sabi ng isa niyang kapatid

“Patingin nga,” at ang taas nga ng mga marka ng kaniyang kapatid.

“Nasaan si nanay at tatay kuya?” tanong ng kaniyng kapatid na si Ernie.

“Nasa bahay ng mga fuego,” sagot ni Ernesto

“Eh, si tatay asan naman kuya?” tanong ni elissa

“Andoon sa sakahan nagtatrabaho,” sagot ni Ernesto, “Marami pa kasing dapat esaka baka mamayang gabi pa kami umuwi ni tatay,” dagdag niya pa.

Biglang kinabahan si Ernesto sa mga tingin ng kaniyang kapatid na si Ernie sa kaniya. Iniisip ni Ernesto bakit parang may tinatago si Ernie sa kaniya. Pero hindi na pinansin ni Ernesto iyon at pumunta na sa sakahan upang tulungan ang kaniyang tatay. Sa paglalakad ni Ernesto ay may bigla siyang nakitang papel sa daan. Binasa niya ito at nagulat siya sa laman nito. Tinago niya ang sulat sa kaniyang bulsa. Pagkalipas ng ilang oras ay tapos na silang magsaka ng kaniyang ama. Pumunta na sila sa kanilang bahay-kubo. Pagbungad ni Ernesto sa pintuan ay nakita niyang maraming perang hinahawakan ang kaniyang kapatid.

Sa ilalim ng isang Payong (Maikling Kuwento)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon