"Knock! Knock!"
Napapikit ako at tinakpan and tenga ko. Ang tunog na nagmumula sa bintana ng kwarto ko.
Kinakalampag. Napakalakas na kalampag. Napahikbi ako ng ginapang ng takot ang sistema ko.
Andito na naman siya. Gabi-gabi niya akong binubulabog. Hindi ko maisip kung bakit nangyayare saakin to pero lagi kung naiisip na baka multo yung nasa bintana.
Pero hindi. Alam kong hindi dahil nararamdaman kong tao siya. Ramdam na ramdam ko.
"P-please! Tigilan mo na ako!" Paki-usap ko at pinigilan ang humikbi. Pilit kong pinapatatag ang sarili ko dahil walang ibang makakatulong saakin sa panahon na ito ngayon, kung hindi ang sarili ko rin.
Humina ang kalampag at ramdam ko ang mga yabag nito papaalis sa kwarto ko. Napahagulgol ako at tinakpan ang mukha ko.
Walang ibang tutulong saakin kung sakaling atakihin ako ng taong 'yon. Wala akong tatay na sasagip saakin. Wala din akong nanay na magpapatahan saakin. Tanging ako lang.
Ilang buwan akong binubulabog ng taong iyon. Hindi ko alam pero nag-simula iyon ng umuwi akong gabi na. Pakiramdam ko parati ay may makamasid saakin.
Napapraning ako lagi. Lahat ng tao ay sinusupetsahan ko na sila yong pumupunta sa bahay ko. Call me crazy but I'm really scared. Takot na takot ako dahil mag-isa ako.
Napatili ako ng mabasag ang bintana ng kwarto ko. Naka-siksik ako sa isang sulok ng kwarto ko at idiniin ang pagkakapikit ng mga mata ko dahil sa mga bubog na tumatalsik.
Rinig ko ang yabag. Papalapit ng papalapit hanggang sa ramdam kong nasa harapan ko na siya. Ngayon ko lang siya naramdaman ng ganito kalapit.
Unti-unti kong kinuha ang kamay ko na nakatakip sa mukha ko.
Isang itim na sapatos!
Napalunok ako at unti-unting tinaas ang paningin ko. May munting liwanag akong nakikita dahil sa wasak na bintana at hinahanging kurtina.
Nanginig ang buong katawan ko at lumabo ang paningin ko ng makita ang napaka-tangkad na tao sa harapan ko. Naka bali ang leeg nito at pinagmamasdan ako.
Hindi ko makita ang mukha dahil may maskara itong suot. Nakatabon sa buong mukha nito.
Sinalubong ko ang malamig. Napakalamig ngunit umaapoy na mga mata.
"W-who are you?" Kahit nanginginig ay naitanong ko pa 'yon.
Ramdam kong ngumise siya kahit hindi ko nakikita.
"Are you scared, my little bear?" His voice brings shiver to my spine. Napakalamig, nakakatakot, at hindi ko maipaliwanag kung bakit ko nararamdaman iyon.
Lumuhod ito sa harapan ko at hinawakan ang mukha ko. His touch is soft like a feather. Napaka-init ng kaniyang kamay.
"All I want is you... Isn't it hard?" Tanong nito at hinimas ang pisnge ko. Napalunok ako at nag-umpisa na namang manubig ang mga mata ko.
"All I want is you to obey me, listen to me, don't touch any men... Isn't it hard to do, Ellery?" Tanong pa nito at pinunasan ang luha na kumawala sa mga mata ko.
"P-please, layuan mo na ako. Hindi k-kita kilala." Nanginginig na ani ko sa kaniya.
Binalot ako ng takot ng tumayo ito at tumawa. Napakalamig munit napaka makapangyarihang tawa.
"Damn this!" Singhal niya at natawa na naman. Para siyang baliw na tumatawa ngayon sa harapan ko.
Psychopath
Mas lalo akong napasiksik sa gilid ng kwarto ko ng sipain niya ang mesa na malapit sa kaniya. Napaingay ng tunog ng mga nabasag na bagay.
"What do you want me to do, Ellery?!" Galit na sigaw nito na parang baliw. Sinuntok nito ang pader kaya impit akong tumili.
God, please save me.
Ramdam ko ang hapdi na nagmumula sa paa ko dahil sa mga nagkalat na bubog.
Ramdam ko ang lapot ng dugo kong umaagos dahil sa mga naka-baon na bubog.
Napatigil ito sa pagwawala ng marinig ang iyak ko. He walks towards me and hold my face lightly.
"D-did I scare you? I-I'm sorry, I'm sorry." Paumanhin nito at binuhat ako.
Hindi ko magawang nakapagsalita ng ilagay nito ako sa kama. He turned on the lights and I saw how well-built he is.
Napakatangkad niyang talaga.
Naghalungkat siya ng kung ano sa drawing ko and I realized that it was a first aid kit.
Napatingin ako sa paa kong nagdurugo.
"I'm sorry" pag-uulit pa nito habang nililinis ang sugat ko sa paa. Pinipilit kong hindi umimik at tiisin ang hapdi dahil baka kapag gumawa ako ng ingay ay baka saksakin niya ako ng gunting na nasa gilid niya na nahulog kanina.
Napililan ako at natulala sa lalaking nasa harapan ko. All I can say is I'm in danger.
Hindi ko siy kilala at lalong wala akong tiwala sa kaniya. He can easily kill me, right here, right now.
"I'm sorry if I did scare you." Malumanay ang boses nito pero napaka lamig. "I don't have any intention to hurt you... I'm just j-jealous." He added.
Nanlamig ako sa kina-uupuan ko at binalot muli ng kaba ang sistema ko.
Anong koneksyon ko sa kaniya?
"I'm sorry. Please don't make me gone mad again." Tumayo ito kaya napaatras ako. Hinawakan nito ang mukha ko at hinalikan ako sa noo bago tuluyang umalis. Dumaan siya sa bintana.
Nanginginig akong naghilamos ng mukha. Natatakot ako.
Ano bang nagawa ko at ganun ang ginawa niya?.
Tumunog ang cellphone ko na siyang ikina-gulat ko. Nakita kong si Gaia ang caller kaya kaagad ko itong sinagot.
"H-hey" My voice broke as I greeted her.
"May nangyare ba? Binangungot ka ulit?" Nag-aalala niyang tanong. Sinasabi kong binangungot ako para hindi sila nag-aalala.
"Hindi. Bakit ka napatawag?" Tanong ko.
Bumuntong hininga siya kaya bigla akong kinabahan. Hindi ko alam pero ang lakas ng tibok ng puso ko.
"Alam mo naba?" Tanong nito at ramdam kong nanginginig din ang boses nito.
"A-ang ano?" Kinakabahang tanong ko sa kaniya.
"S-si Lance!" Nanginginig na ani nito saakin.
"A-anong nangyare sa kaniya, Gaia? Sagutin mo'ko!" Naiiyak na sigaw ko.
"He's dying!" She cried.
Nabitawan ko ang cellphone ko at tumulo ang ilang butil ng luha ko.
"H-hindi..." Naiiling na sabi ko.
Pinigilan ko ang humikbi at kinagat ang nanginginig kong labi.
What did you do to him?