Chapter 1

0 0 0
                                    

Naka upo ako habang tumitingin sa mga kaklase kong nag lalaro ng uno. Wala na naman kasi ang teachers namin kasi nay emergency meeting daw.

Pano bayan edi wala na akong malalearn dito. Char.

Kidding aside busy rin mga barkada ko sa pag tulog. Pag may free time kasi, it's either tulog sila or mag chichika sa kanilang mga failed situationships.

Napag desisyonan kong tumayo muna para bumaba at pumunta sa canteen para bumili ng tissue. Ngayon ko pa talaga nakalimutan ang panyo ko na sinisipon ako. Nag lakad lakad lang ako ng dahan dahan kasi medyo masakit parin ang mga legs ko sa intense training namin for the whole 2 months.

Nasa canteen na ako nang may nabunggo ako bigla. Malapad na likod agad ang nakita ko at brown hair. Nag ka tinginan kaming dalawa at agad naman akong nag salita.

"Hala I'm sorry, diko nakita sorry." Saad ko.

Tumawa siya at tumango.

"Okay lang, anong sayo?" Tanong niya.

"Lilibrehan moko?" Ako.

"I won't ask you if I won't, you know?" Taray talaga.

Ayun ang ending siya bumili ng tissue at lollipop ko. Pwede narin yun para diko magastos ang aking pera. Nag plano pa naman kami na sa friday kakain kaming mag babarkada sa labas.

Every friday kasi barkadas gala talaga yan pero lunch lang kasi hindi kami sure baka may training kami at tsaka late nag papauwi school namin. Bawal din naman silang magabihan kasi malalayo ang bahay ng impakta.

Maganda naman ang school namin. Hindi rin masyadong crowded pero yun nga sabi nila nakaka miss minsan ang highschool dito kasi iisang section lang kada grade.

Siguro nga makikilala mo na sino ang nga students dito kasi maliit lang siya eh. Walang magarang gym para sa basketball at volleyball. In short para lang siyang compound. 

Naka balik na ako sa room at ang mga kaibigan ko ay tulog parin. Hanggang lunch na siguro to. Kung nag tatanong kayo bakit tulog at walang nag phophone. Dahil cinoconffiscate ang mga phones namin.

From grades 4 to senior high, kinukuha talaga phones namin para di raw kami na distract at para malayo sa mga issues ang school. May mga consequences  pag nilabag namin ang rule na di mag bibigay ng phone. Nakakatakot nga if detention or suspension na ang ibibigay sa amin eh.

Our school is best known for intelligent students.  Mga may kaya usually ang nag aaral dito. Mga high end kumabaga. First class. May mga anak ng doctor, ng seaman, engineers, at ceo.

Dito rin nag aaral ang isa sa mga anak ng board of justice ng school at hindi na yun basta basta. Malayo rin ang school namin sa city proper kaya pag may nakikita silang uniform ng school namin na parang sailor moon napapa lingon agad sila. They named us the head turners.

Aaminin ko, classy at elegant din kasi ang mga student dito sa school. Mga make up na di nahuhulas. Mga malilinis na lalaki. Mababango. Ah basta standard kumbaga kaya siguro takot na baka madumihan ang pangalan ng school namin.

"Huy gumising na kayo, lunch na." Ani ko sa kanila.

"Pwede ba ibalik ang vacation." Saad naman ni Gelian na halatang bagong gising.

"Students tayo, bawal reklamo or else wala tayong maasawa na pogi kasi tamad tayo."  Pananakot ko naman sa kanya.

Kami kasi ayaw namin mag settle sa attitude lang. Namimili kasi mga barkada ko sa looks at kung mga matatalino ba. Can't blame them naman kasi magaganda at matatalino rin naman sila kaya ganyan mga gusto nilang mahanap pero still may red flag dins sila.

Diko naman sila tinotolerate sa mga attitudes nila minsan kasi ayaw ko makipag plastican sa kanila. As much as possible I also want them to grow. Kesa sa puro tolerate ng mga wrong doings ng friends ko edi damay name ng group of friends namin kung ganon.

Nag lalakad na kami palabas para mag hanap ng makakainan ng bigla naming naka salubong si Pat.

"Uy part, may training later?" Tanong niya.

"Sino kausap mo? Ako or si Gellie?" Tanong ko naman pabalik.

Tumingin siya sa likod at katabi ko at napagtanto ko na ako lang pala mag isa kasi na sa loob pa ang tatlong impakta. Tumawa na lang ako at sinagot siya.

"Hindi ko alam, ikaw? Baka alam mo, palagi naman kayong mag kausap ni kuya." Sagot ko.

Mag sasalita pa sana siya ng bigla kaming tinawag ng mga kaibigan namin kaya nag pa alam na lang kami sa isat isa.

Nag lalakad na kami papalabas ng school ng may nakitang taho ang si Gelian, apaka takaw talaga. Tinanong niya pa ako kung gusto ko raw eh ang init kaya sabi ko bilisan niya. Sabi niya pa paligoy ligoy lang ako at ang ending ni libre niya na lang ako.

Hahanap kami ng mauulam sa kalapit na karenderya. Meron naman sa canteen pero masyadong masungit ang mga tindera doon, parang kalaban niya ata lahat ng tao sa mundo. Naka bili na kaming dalawa ng chicken at bumili na lang ng iced choco sa ella mango para naman mahimasmasan mainit na ulo namin dahil sa tinding init.

Yung dalawang barkada namin andoon sa mga jowa nila, usually kasi kami na lang ni Gelian naiiwan pag nga gantong oras or like pag may mga event kasi silang lahat may mga kalandian or mga jowa. Di naman bago sa amin yun kasi ako kakagaling ko lang sa heartbreak while siya naman ewan ko, love life niya.

Hapon na naman at nag sipasukan na ang mga teachers. Ganon naman palagi may surprise quizzes tapos discussions. Masaya naman mag turo ang mga teachers dito sadyang na sa sayo na yan if close minded ka kasi they usually base it to the bible pero di naman sa lahat ng pagkakataon.

After ng last period namin agad agad naman kaming nag bihis mga volleyball players sa room para maaga kami makapag start sa training namin. Ganon na routine namin araw araw. Nakakapagod man pero worth it in the end. Lahat kami nag tipon tipon na sa baba para mag lagay ng net at iprepare ang lahat ng bagay. Nag start na kami kaagad.

Usually dati umaabot kami ng alas 8 pero ngayon nilimit na kami ng school na hanggang 7 na lang. Bitin man pero kailangan sundin kasi di naman kami may hawak sa rules eh. Puno ng katuwaan at saya ang aming training. Makikita mo talaga na purisegido ang mga taong sumali dito

Pagkauwi ko kaagad naman akong nag mano kila mama at papa. Di ko na hinintay na umuwi si kuya kasi for sure mag kakasama na naman sila ng mga boys para mag 7/11. Nag tanong ako kung anong ulam para mauna na ako makakain kasi pagod ako galing school.

Habang kumakain ako may nag notif bigla na chat galing sa ig. Nag reply sa notes ko na "boring".

spongbob_pat:
Kaya nga. Where u?

constantly.urs:
pwet ng mama mo.

spongbob_pat:
Nag tatanong ng maayos yung tao.
Kuya mo kasi di pa nakakauwi diba? Sabi niya lalabas daw kayo eh.

constantly.urs:
updated kana naman sa buhay ko.
CHISMOSO HAHAHAHHAHA

spongbob_pat:
Papasama lang sa 7/11 eh

constantly.urs:
katamad pat bahala k jan. bye..

Great Walk with U (Set series #1)Where stories live. Discover now