Dear Moshi,
Gusto ko bumalik yung di ka na muna kakausapin pero magsusulat ako ng mga bagay na gusto kong malaman mo. Andito na pala ako sa boot medyo late na naman yung pagbangon ko kanina kasi tinatamad ako. Pero na kaya naman on time. Actually, mas gusto ko pa yung ganito kasi kahit papaano nagagawa akong sumaya na like feeling ko kinakausap na rin kita. Alam mo ba naiinis pa rin ako kapag nakikita ko na nagsisin ka sa gc tapos di ka nagcha-chat sa akin?! Although, alam ko naman na hindi mo talaga gawain ang pagcha-chat kapag 'di ako makipag-chat sayo. Alam ko naman iyon, pero some part of myself na nag-a-assume na mag-chat ka. And that usually hurts me. Pero sa ngayon unti-unti ko ng tinatanggap ang pagkatao mo. Hindi ko lang din alam kung ba't ayos lang sa akin yung kahit na wala akong halaga sayo. Nasasabi ko iyan dahil yan ang pinapadama mo. Hindi ako galit sinasabi ko lang yan kasi yan ang totoo. Oh well, mamaya na lang ulit magbi-breakfast na muna ako.
Hello po ulit! Hihihi! Ala lang gusto na kita ulit kausapin kaya nagsulat na naman ako hehe. Bahala ka total di ko lang naman nasasabi yung mga gusto kong sabihin sayo haha! Dito kasi wala ka ng magagawa at di mo ako pwedeng sumbatan dahil wala kang boses dito. Hahaha! Kung nakakausap lang sana kita tulad nito in person edi sana hindi na ako magsusulat pa. Kaso wala na rin akong magawa kasi nga hindi ka ganun. Payday pala ngayon hindi pa dumaan ang rider dito. Nanonood ako ng anime movie yung kukushi goto english subtitle. Hays, nakakapagod magbasa kaya hinayaan ko na lang mag-play habang nagsusulat ako dito. Mamayang break time didiretso na ako sa LTO sana hindi maraming tao at sana makuha ko agad.
Bakit kaya gloomy na naman yung feeling ko? Sunny day naman ngayon. Hindi ko na pinanood yung anime liniko yung playlist na dinownload ko rin sa bilibili.
Moshi every time na nakikita ko yung dp mo sa fb nasasaktan ako. Kasi naaalala ko nung una kitang makilala ganyan din yung dp mo tapos feeling ko may inaatupag kang iba. Sana guni-guni ko lang ito. Alam ko naman na siguro mag-a-attempt ka pero alam ko hindi mo ipursue. Pero kung nagkamali ako at ginawa mo i hope na sabihin mo sa akin. But from now on di na ako maghinala pa.
Andito na yung sahod ko bale hintayin ko na lang yung result ng 10:30 a.m. draw tapos mag-cash in na muna ako para mabayaran ko si Gemma. Siguro bukas ko nalang kunin yung labada ko sa laundry kasi hindi ko na siguro maabutan mamaya. Sige na po mamaya na lang ulit ayusin ko na muna yung tirong ko love you.
Hala gg! Akala ko talaga 10:50 na which is nagtaka ako ba't walang nagse-send ng ss ng draw today hahaha! Ta's inayos ko na lahat pati yung bag ko tapos magme-medias na sana ako kaso nung chineck ko ulit yung oras 950 pa pala hahaha buang jud.
YOU ARE READING
Letters To Moshi
RandomPersonal letters ko ito para sa kanya, pero hindi ko to binigay kase feeling ko wala naman to halaga.