PART 18

301 4 0
                                    


Leslie's POV

Naghahanda na kami para sa gaganapin na gender reveal ng kambal. Hindi ko alam kung massurprise ba sila o ano eh. Pinalagay kasi namin sa loob ng cake ay rainbow para maconfuse sila hahahahaha.

Nagdecide kami ni Bada na dito nalang sa unit icelebrate yung gender reveal dahil kami-kami lang naman ang nandito.

"Babe, papunta na raw sila" kasalukuyan na inaayos ni Bada ang decoration. Nagtulong kami ni nanay marie dito sa kusina. Iba't-ibang putahe ang niluto namin. Spaghetti, pancit, Caldereta at marami pang iba.

Lumapit sa akin si Bada, pinulupot niya ang kamay niya sa bewang ko at hinalikan ako sa pisngi.
"kami na rito, babe. maupo ka nalang muna ulit don"
"kaya ko naman, bada"
"hmm? halika nga" umupo si Bada sa sofa at hinapit niya ako palapit sa hita niya. Nakaupo na ako ngayon sa legs niya at nilagay ko naman ang kamay ko sa leeg niya.
"hi, twins. we're celebrating your gender reveal. are you ready, hmm?" sabi ni bada habang pinapakiramdaman pa kung sisipa ba sila o hindi.

seeing Bada talking to our babies makes my heart flutter. I never thought that this time will come, us, building a family.

"tulog sila, babe. huwag mo na pilitin na gumalaw" pang-iinis ko sa kaniya.
"nooo! let's go, love! pakitaan niyo ako ng backstroke diyan sa tummy ni mommy, dali." natatawang sambit ni Bada. nililibot ni Bada ang kamay niya sa tiyan ko at inilapit niya ang tenga niya sa tiyan ko.
"ayaw nila magparamdam sa'yo!"
"hindi ako titigil hangga't hindi sila gumagalaw! sige naaaaa! momma's gonna buy you a lot of toys!" ayaw niya pa rin umalis. ang kulit na niya.
"hindi nila siguro ako love, kaya ayaw nila sumipa" after niya sabihin 'yon ay naramdaman ko ang paggalaw sa tiyan ko.
"OMG, SUMIPA SILA!!" natutuwang sabi ni Bada.
"nag-iinarte ka raw kasi ayan tuloy"

"LESLIEEEE!" noze
"BUNTIIIS!!" tatter
"ASAN YANG VIELA NA 'YAN?! ILABAS NIYO!! AKO MISMO PUPUKPOK SA ULO NIYA!!" rinig kong sigaw ni lusher.
"ANG EEPAL NIYO! AYAN TULOY HINDI NA ULIT SUMIPA" nagmamaktol na sabi ni Bada. Humarang pa siya sa harap ko para pigilan sa pagyakap sila noze.

"NAMISS KA NAMIN, BAKLA KA! AKALA KO TULUYAN KA NA NAKIDNAP NG EVIL SISTER MO EH" masungit na sabi ni tatter.
"papayag ba naman si Bada na mangyari 'yon. agaw eksena nga si Bada pagpasok ng Hospital para kunin si Leslie eh" natatawang sabi ni noze.
"hello, lily baby!!" patakbo na kinuha ni tatter si lily. tumakbo naman palayo si lily sa kaniya hahahahaha. natakot.
"bakit ka tumakbo!? gusto mo ata maging siopao eh?"

"leslie, paramdam naman ng sipa ng bumbum namin" palapit na sana si aiki pero pinigilan siya ni lusher.
"baka mabinat hoy, tigilan mo nga!"
"anong mabinat?! e sa'kin nga pinaglihi 'yan?!"
"hoy, bansot! anong sinasabi mo diyan?!" sigaw ni Bada kay Aiki na ngayon ay natatawa nalang.

"girl 'yan, sinasabi ko sainyo! patulis yung tiyan ni leslie eh, 'diba nay marie?!"  tatter.
"hmm, secret hahahah" mapagpatol din 'to si nanay marie eh.
"sumisecret na rin pala mga matatanda ngayon, hano?" aiki.
kinuha naman ni nanay marie ang sandok at hinabol si aiki.
"anong matanda hmp! eto talagang bansot na 'to! lumapit ka rito!!"
"joke lang, nay! may asim ka pa nga eh!"
"may asim o maasim? nay oh! sinusubok ka talaga niyan ni aiki!" pagdagdag pa ni lusher. lagot talaga.

"slice mo na yung cake, bada! ang tagal naman? para alam na namin kung bibigyan ko ba ng bola o barbie 'yang inaanak ko!" chocol.
"sino may sabi na ninang ka?" sabi ni Bada na nakayakap na sa likuran ko.
"sino nga may sabi na ninang ako, e ninong ako?" sabi ni chocol na umakbay pa kay ate nik.
"nangangarap ka talaga nang gising eh no? ano ba pinakain mo diyan, nik?" natatawang sabi ni Bada.
"ano nga kinain ko kagabi, nik?" sabi ni chocol na nakapag patigil sa lahat. yung mukha ni ate nik, namumula na. hmmm?
"bakit ka namumula, pre? hahahahahaha" asar ni Aiki kay Ate Nik.


"boy!!!!"
"girl!!!"
sigaw nilang lahat. ni-slice na ni Bada ang cake at lahat sila nagulat sa itsura ng loob ng cake. mga mukha nila sarap picturan kasi kitang kita yung pagkalito hahahahaha.
"gago, bakit rainbow pre?" chocol.
"sabi na bading talaga anak ni Bada eh!" lusher.
"anong trip niyo mag-asawa, ha?" noze
"lakas ng amats niyo e 'no? kami na naman nabunot niyo pagtripan" tatter.
"nak, bakit ba kasi rainbow? sabihin niyo nga?" pati si nanay marie nagtataka na rin hahahaha.

"e kambal anak namin eh. babae at lalaki" lahat sila nanlaki ang mata. Si Aiki na hindi na natuloy yung pagkain ng spaghetti. Si Lusher na binatukan si Noze. Si Ate Monika na nabulunan at inabutan pa ni Chocol ng tubig. Si Tatter na napa nganga sa sinabi ni Bada.
"KAMBAL?!" sabay-sabay na sabi nila. Dinaig pa yung sabayang pagbikas eh.
"OMGGG!! BADANG AT BADONG FOR REAL?!" sigaw ni tatter.
"AKO MAMIMILI NG PANGALAN HA!!" noze.
Lahat sila ay napalapit sa amin. Si Tatter na niyakap ako, naiiyak pa 'yan sha.
"bakit ka umiiyak, tatter? mukha kang tanga" batok ni Bada kay Tatter.

"Ate, si Bada pa lang nananakit na ulo mo, paano pa kaya kung may dadagdag pa na dalawa huhu ako mahihirapan sa'yo" Lusher na nagffake pa yung iyak.
"sana hindi magmana si Badong sa pagiging babaera ni Bada" Aiki.
"gaga, si Badang sabihab mo niyan" Chocol.
Mga hayop na 'to, sila na nagdesisyon para sa kambal.
"ang bantot naman ng pangalan!!" naiinis na sabi ko. Bakit kasi badong at badang!?!?

Matapos ng pa-gender reveal ay nagvideoke na kami. Siyempre sino pa ba mangunguna, edi si Lusher. Dumating din ang iba namin bisita na ka-crew nila Bada. Sila Minah, Cheche, Kyma, at Sowoen.
"congrats po!!" bati sa akin ni Sowoen, ang cute niya. Siya yung inaasar lagi nila Bada sa dance class kasi siya ang pinaka bunso.
"Ang ganda niyo naman po buntis, paampon po!" si Minah, ang ganda rin. Ano ba naman 'to, bakit ang gaganda nila?!

"Nik, ikaw na magsabi" Siniko pa ni Bada si ate Nik. Ano ba sasabihin neto?
"Since nandito naman na ang lahat, lalo ka na, les"
"Bakit ako?" natawa silang lahat sa reaction ko.
"Kakae-mail lang kasi sa'kin at tsaka kay Bada, eh. As in now lang"
"Ano 'yon?"
"Isa sa Director ng Street Woman Fighter ang nag-email kay Bada. Ininvite siya na sumali ron. Ano, Leslie papayag ka ba?" lahat sila nakatingin sa'kin.

Bakit naman hindi ako papayag, e parang last year ay hindi tinanggap ni Bada 'yan dahil sa sunod-sunod na dance class at choreo niya sa iba't-ibang idols. I want to see Bada in her element. Watching Bada sa isang reality show and soon may ipapanood ako sa kambal.

"What's your decision, babe?" tanong ni Bada habang nakayakap sa tagiliran ko.
Hinarap ko siya at hinawakan ang pisngi niya.
"tangina, sakit naman sa mata" asar ni Lusher.
"inggit ka lang teh" noze.
"bakit ako magdedecide for you? Do it, babe. We're here to supoort you" nakangiting sabi ko kay Bada.
"e paano ka?"
"anong paano ako? e dito lang naman ako sa unit"
"wala ka makakasama kapag wala ako eh. ayon inaalala ko, babe. ayoko na mangyari yung last time na ikinapahamak mo"
"nandito naman kami para bantayan si Leslie, Bads. Get mo na, malaking opportunity 'yan, pre" Sabi ni ate Nik. Kampante naman ako kapag sila ang kasama ko.
"Makakalaban pa namin kayo, bads!" Chocol na nag mamaangas.

"Cheers to more successful projects!!" Si Aiki na pinataas ang lahat ng baso namin. Siyempre yung sa'kin fresh milk lang, bawal ang alak kahit namimiss ko na.
"Congrats, Leslie and Bada!! Twins is coming!!" Sigaw ni Tatter.
"Congrats on your careers, everyone!!" sigaw ko na nakapag patawa sa lahat.

I'm so lucky to have these people in my life. My twins, Bada, and my dearest friends.













BADA LEE AS YOUR WIFEWhere stories live. Discover now