" OMG!!! NAKAPASA AKO!!! " agad akong napayakap sa kaibigan ko matapos kong makita ang resulta sa papel na hawak-hawak ko.
" WAHHH I'M SO PROUD OF YOU BESSYYYYY!!! " tumalon talon pa kami habang magkayakap, halos malukot na ang damit naming dalawa dahil sa higpit ng pagkaka-yakap namin sa isa't-isa.
" Ahm excuse me miss " agad kaming napahinto sa ginagawa namin dahil sa nag salita, nakataas ang isang kilay ng waitress saamin habang magka kross ang mga kamay na nasa lebel ng kanyang dibdib. Agad akong napangiwi matapos makita ang halos lumabas na nitong bundok, edi sana na lang meron diba tsk.
" Oh yes? Dadaan ka ba? Malawak pa ang daan oh, bulag ka ba at dito ka pa dadaan sa pwesto namin? Hello, nag momoment here oh, hindi mo ba see? " palihim akong napatawa dahil sa sagot ng kaibigan ko, hinawakan ko ito sa braso para kunware ay sinasaway ko siya kahit na ang totoo ay chinicheer ko na siya sa utak ko.
" Hey Ave, stop it " kunware pang suway ko. Agad ako nitong tinignan sabay iray, attitude yarn?
" Anong stop it stop it ka diyan? Alam ko namang gustong gusto mo ang nakikita mo " agad akong napangiwi sa sagot nito saakin, ilaglag ba naman.
" Hello, I'm here pa oh " agad nabalik ang atensyon namin sa babae, hindi pa rin pala siya umaalis?
" Ayyy nandiyan ka pa pala? Anong ginagawa mo diyan? Gusto mo makipag friends samin? Sorry hah, pero okay na kami ng kami lang dalawa ang mag kaibigan " pagkatapos sabihin yon ni Avery ay ngumiti pa ito sa waitress na ngayon ay sobra na talagang sama ng tingin saamin.
" Look, I am here infront of you para sabihin na ihinto niyo ang pag-iingay niyo. Baka nakakalimutan niyo, nasa coffee shop kayo at wala sa palengke " mataray na sabi nito. Agad akong napangiwi ng mapansin na nasa amin na ang tingin ng lahat ng tao sa coffee shop.
" Opss sorry miss, na carried away lang hehe " pagkatapos kong sabihin yon ay ngumiti pa ako sakanya kahit na halata namang peke yon. Agad itong umirap matapos marinig ang sinabi ko, sarap tusukin ng mata tsk.
" Next time, better not bring ang squatter na ugali niyo okay? " agad kami nitong tinalikuran. Hahabulin pa sana siya ni Avery ngunit agad ko na itong hinila palabas ng coffee shop.
" Aish ano ba sab?! Wag mo sabihing palalagpasin mo lang ang sinabi ng mabahong bunganga ng babaeng yon?! Tinawag niya tayong ugaling squatter! Hindi ako papayag! " halos mabingi na ako sa lakas ng sigaw niya. Agad ko siyang binitawan ng makarating na kami sa gilid ng coffee shop sa may bandang parking lot.
" Who said na papalagpasin ko yon? Kumalma ka nga " I smirked, agad akong lumapit sa kotse ko at kinuha ang spray paint na lagi kong dala. Agad akong nagsuot ng mask bago lumapit kay Avery at inabot din ang extra mask ko. Kahit nagtataka, ay inabot niya ito at isinuot. Tumingin ako sa paligid, isa lamang ang cctv na nakita ko kaya agad akong lumapit dito at tumalon ng mataas para maipihit ko ito sa ibang direksyon.
" Hoy gaga ka, anong pakulo naman to? Hoy shvta ka! Baka mag cacarnapping tayo ah?! Bes naman, I have a lot of money pwede kita pautangin wag mo naman idaan sa- sabi ko nga tatahimik na " agad siyang tumahimik matapos ko siyang samaan ng tingin. Ang daldal na nga, ang oa pa pano ko nga ba to naging kaibigan?
Agad kong binuksan ang hawak ko at nag spray sa pader ng coffee shop. Ibinato ko kay Avery ang isa pang spray paint na agad niya namang sinalo.
" Oh my gosh, makakasuhan tayo ng vandalism here ihhhh, but let's do it. That girl is so annoying, ang sarap hilahin ng matabil niyang dila " agad akong napangiwi ng makita ang isinulat nito sa pader.
YOUR SO UGLY BOSS, YOUR HININGA IS SO MABAHO, NEXT TIME BETTER USE THE REAL TOOTHBRUSH, NOT THE ONE THAT WE USE IN THE INODORO- ALIYAH
" Sino naman si Aliyah? " takang tanong ko.
" That girl na malaki ang hinaharap, gusto ko siya matanggal sa work niya" napapairap pa nitong sabi habang kunwaring nandidiri pa, baliw talaga siya.
" Nakuha mo pa talagang tignan ang name tag niya kahit pa busy ka makipag away ano? " bilib na talaga ako sa kakayahan ng babaeng to.
" Bakit ba kase hindi mo inaway yung babae na yon?! Saating dalawa, ikaw yung pinaka mahilig sa gulo " abat siraulo to ahh
" Syempre, ayoko lang masira yung maganda kong mood dahil sa kanya ano "
" Whatever, let's go na lang sa other coffee shop, I'll tell you about sa Wisley University para kahit wala ako sa tabi mo which is imposible naman mangyare because doon din ako nag aaral, alam mo pa rin kung ano ang gagawin mo " pumayag na lamang ako sa gusto niya, para na rin may alam ako sa school na papasukan ko
" So ito na nga " habang hinihintay namin ang order namin na milktea, agad na itong nagsalita " You know naman na, wisley is one of the famous university here sa pinas. Syempre, dahil sikat ang wisley madaming nag-aaral diyan so expect the bullies okay? I'm worried lang for you kase they always bully the transferee, alam kong pagiinitan ka ng mga yon so please lumayo ka sa gulo okay? Especially those U-prince and C-Princess " agad kumunot ang noo ko sa narinig.
" U-Prince? C-Princess? ano yon? " nakakunot ang noo na tanong ko, ang corny naman non.
" Hmmm ihhh, the U-Prince are the most handsome boys sa wisley, binuboto sila ng mga student's to be the wisley prince. Binubuo sila ng apat na tao sa pangkat. Sobrang sikat nila sa wisley, at kung sino mang makakabangga nila ay makakabangga ng lahat, so please better na iwasan mo na lang sila " mula sa kinikilig niyang boses, napalitan ito ng pag-alala
" Pinapayagan ng may ari ng wisley na magkaroon ng ganon? " nagtatakang tanong ko.
" Yes, their parents kase is one of the stock holders ng wisley " agad akong tumango dahil sa sinabi niya
" How about that C-Princess thingy? " nakangiwi kong tanong, ang badoy talaga.
" Actually anak din sila ng mga stock holders ng wisley, ang kaso nga lang wala talaga dapat na C-Princess no, maarte lang talaga sila. At dahil mga anak sila ng stock holders dakilang bully din ang mga yon. Kaya goodluck na lang sayo kapag ikaw ang napagtripan nila. Halos lahat ng transferee namin ngayong taon is nag transfer lang din sa ibang school kase hindi kinaya ang mga pang bubully nga mga U-Prince at C-Princess " tumango tango naman ako sa sagot niya.
" Here's your order ma'am " sabay kaming napalingon sa waiter, inilapag nito ang binili naming milktea. Tumungo muna siya saglit bago umalis.
" Anyways alam mo ba? ang gagwapo at super hot ng mga U-Prince, meron nga akong crush sa isa sa mga u-prince eh. Tristan, tommorrow kapag may nakilala kang tristan ang name stay away from him okay? He's already mine na kase ihh, kinasal na kami sa pnaginip ko hehe, don't worry bride's maid ka " umiling na lamang ako bago sumimsim sa hawak kong milktea.
PART ONE: WISLEY UNIVERSITY ( COMPLETE ) Thank you everyone for reading, please wait for the next part.
BINABASA MO ANG
U-Prince and Me (series one)
RomancePosible nga bang mapalapit ang loob ng dalawang taong walang ginawa kundi ang mag bangayan, mag away nag mag away, at kung minsan ay umaabot pa sa sakitan? Sabi ng karamihan, wala raw pinipili ang salitang pagmamahal, dahil kapag tinamaan ka ng pana...