crush - (macolet)

266 5 0
                                    


Si Maloi na patay na patay sa poging drummer ng BINI named Nicolette Vergara.

--

Maloi was frantically searching inside her bag. Maiiyak na siya as she was slightly panicking nung hindi niya makita yung bagay na hinahanap niya.

"Staku! Nakita mo ba wallet ko? STAKU NAWAWALA WALLET KO!" Maloi screamed "Yung ticket ko sa gig mamaya nandun!"

Napalingon si Staku sa pagkakanuod niya sa lakas ng boses ni Maloi. Kitang-kita ni Staku yung panic sa mata ng Ate niya.

"Wala! Hindi ko nakita! San mo ba kasi nilagay?"

"HINDI YUN PWEDE MAWALA STAKS!" Maloi screamed as she rummaged her bag inside out.

--

"Ate Aiah! I just need a spare! Please please bigyan mo naman ako! Diba si Mikha merong mga tickets yun?! Ate please!" Maloi said na parang maiiyak na "Ate kelangan ko talaga makanuod! Andun talaga yung paborito kong banda!"

"Woah chill ka lang Maloi!" Aiah chuckled "Sige tatanungin ko si Mikha mamaya."

"Thank you so much Ate Aiah!" Napayakap pa si Maloi kay Aiah.

--

"Maloi huy I'm sorry but the tickets are already sold out na daw." Aiah apologized on the phone "I tried my best to find other spare tickets but there was no one willing to give me. Even si Mikha wala talagang mahanap."

Maloi was horrified she can't believe what was happening now. What about Colet!? What about seeing her play?! It's all ruined now. Gusto na ni Maloi humandusay sa lapag dahil sa nangyari.

"Maloi? Are you still there?" Aiah asked worriedly

"Yes Ate Aiah."

"I'm really sorry Maloiski!"

"Okay lang Ate thank you." Maloi lied before hanging up the phone.

--

"Bakit kasi ang bobo ko! Dapat sa drawer na lang nilagay yun eh! Bakit kasi kung san pa inipit! TANGA TANGA MO MARY LOI YVES!" Maloi said as she kicked the pebble in front of her. Muntik pa madapa sa sobrang inis sa sarili niya "Nakakainis! Nakakairita! ANG BOBO BOBO MALOI!"

Maloi continued walking home na may sama ng loob. Yung dapat manunuod siya ng favorite band nya pero yung nag-iisang ticket niya na pinagkahirapan niyang pilahan para mabili ay nawala!

Wala na siyang pag-asa mapanuod si Colet na ilang buwan niya na ding inaabangan sa mga school festivals nila. 

--

"The show was really cool! Oh my God! Grabe ang pogi ni Mikha at Gwen!"

"Colet is the best! Shet ang pogi pogi niya kaya! Tapos yung skills niya sa pag d-drums?! Hello!? Luluhuran papakasalan!"

"Beh single pa ba si Colet? Shet mag a-apply talaga ako as her girlfriend!"

Gusto na lang ni Maloi tanggalin yung tenga niya para hindi niya marinig yung mga kwentuhan. Pakshet kasi bakit naman lahat sa school ay yun ang topic. Napalingon pa siya once more sa mga babaeng nagpupulong and Lord gusto na niyang sabunutan yung mga nag t-thirst para kay Colet.

"Hindi kayo magaganda hindi kayo bagay kay Colet." she mumbled bitterly under her breath

--

"Nakakainis! Bwisit talaga!" Reklamo ni Maloi habang binabato yung puno sa harap niya "BWISIT!"

"Anong problema mo?" A voice asked and Maloi just wanted to kill that person who disturbed her peace.

"Anong – holy shit Colet?!" Maloi's eyes widened comically "hala gagi ikaw nga Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Maloi as she looked at Colet from head to toe. Takang-taka if totoo ba yung nasa harap niya.

"May narinig kasi akong nang-aaway netong kawawang puno eh."

"Hala sorry."

"Cute naman siya so don't worry hindi ko ipagsasabi." Colet even winked

"Ha.. ano thank you?"

"You're really cute but you should spare the poor tree of your anger okay?" Colet smiled showing off her million watt smile. Para lang namang hihimatayin si Maloi "See you around." And with that Colet walked away.

"holy fuck-- oh my god kinindatan niya ba ako?! SHET SHET SHET!" Maloi dramatically said as she clutched her heart. "SI COLET YUN AHHHHHHHHH!"

--

"I told you Ate Aiah I'm not interested with meeting people noh! May gusto na talaga ako Ate!"

"Wag kang KJ Maloi!"

"Tsaka masaya talaga ako! Nagkita kami ni Colet Ate! And you know nag usap pa! SHET alam mo ba kinindatan niya pa ako! KININDATAN NIYA AKO! Akala ko nga hihimatayin na ako tapos –"

"Sorry late na ba ako?" Maloi lost her ability to speak when the person in front of her smiled "Hi we meet again Maloi."

Maloi looked at Aiah then to Colet

"True to your words Aiah ang ganda nga ni Yves." 

Pagkasabi nun ni Colet kumindat ulit siya.

Tunay na ngang hinimatay na si Maloi sa kilig.


**


macolet di lulubog mehehe

blessed friday everyone 

mikhaiah & macolet one shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon