Unrequited Love

109 2 0
                                    

Unrequited Love (My bestfriend, My love)

*****

Walang hiningi mula sa iyo

Kundi, pabayaang ika'y mahalin ko

Ako na ang tanga! Inaamin ko

Anong magagawa e baliw ang aking puso?

Sa bawat pigil, lalong lumalalim

Sa bawat iwas, lalong namimiss

Ano ang dapat gawin?

Ng taong tulad kong umiibig?

Tuwing may problema ka, laging merong 'AKO'

Ako na dinidinig lahat ng hinaing mo

Balikat ko'y naging sandalan mo

Sa tuwing wala ang totoong iniibig mo

Hindi ko binibilang lahat ng aking nagawa

Gusto ko lang malaman mong ako ay tapat

Tapat sa pagibig, tapat sa pagmamahal

Tapat sa lahat kahit walang karapatan

Maraming tanong sa aking isipan

Kung bakit ikaw pa ang taong minahal

Gayung marami namang d'yang naghihintay

Para sila'y pagbigyan kahit konting sulyap man lang

Ngunit kahit ganoon, wala akong magawa

Pagkat alam ko ikaw lang ang nais mayakap

Walang iba, hindi sila

Tanging ikaw lang, aking kaibigan, aking sinta.

Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon