PROLOGUE

11 0 0
                                    

Napakalakas ng ulan, isabay pa ang kulog at kidlat. At mag-isang naglalakad sa madilim na daan sa ilalim ng ulan si Jamella. Ngunit kasabay ng malakas na ulan ang nakakasakit niyang nararamdaman. Masagana ang mga luhang naglalaglagan sa kaniyang mga mata.

Ang isang kamay nito'y nasa dibdib niya. Hindi alintana ang napakalakas na ulan, sobrang bigat ng kaniyang nararamdaman. Naninikip ang didbdib, at puso'y parang tinarakan ng libo-libong kutsilyo, nagdurugo.

"Nagmahal lang naman ako, pero bakit ganito? Ang sakit-sakit, ang bigat-bigat sa dibdib. Bakit ba? Bakit?" sigaw ni Jamella, na patuloy parin ang pag-luha. At kasabay pa noon ang malakas na kulog.

"A-alam ko namang mali eh, k-kaso mahal ko. Sobrang mahal k-ko, wala akong m-magawa. Wala, m-mahal ko siya. Mahal na mahal." aniya pa ng dalaga habang patuloy parin ang pagtatangis.

Hindi na rin alam ng dalaga kung ilang minuto o oras na siyang naglalakad. Hanggang sa di na niya namalayan na nasa dulong bahagi na pala siya ng kalsadang kaniyang dinaanan.

At sa unahan nun ay may matarik nang bangin. Ilang hakbang niya lang ay maaari siyang mahulog.

Kaya't napaluhod nalamang si Jamella, basang-basa na siya sa ulan. Ngunit hindi parin siya tumitigil sa pag-iyak. Nahihirapan na siya dahil sa sakit na nararamdaman. Sapagkat hindi niya matanggap ang kapalaran niyang mahuhulog at iibig siya sa taong kahit kaylan ma'y hinding-hindi siya mamahalin pabalik. Dahil hindi naman dapat nagmamahalan ng higit pa ang mag-pinsan, at yun ang ikinagagalit niya sa kaniyang sarili.

"Bakit ba kase ikaw pa? Bakit ikaw pa? Ang dami-dami namang ibang lalaki diyan, bakit ikaw pa?"

Napakasakit para sa dalaga pagkat nagmamahal lang naman siya. Ngunit sa lalaking bawal pa. Sa edad niya, bakit ganito? Bakit niya ba ito nararanasan? Dahil sa totoo lang lubos na siyang nahihirapan at nasasaktan dahil against the world lang naman ang pagmamahal niya sa taong iyon. Sa lalaking iyon, sa pinsan niyang iyon.

"Mag-mahal, yun lang naman ang gusto ko. Mag-mahal ng lalaking mahal ko, ngunit pinagkakaitan ako ng mundo." aniya pa niya, sa nanghihinang boses dahil sa hindi pagtigil sa pagtangis.

Naka-upo na si Jamella sa lupa, hindi alintana ang napakalakas na ulan. Ang malakas na kulog ang madilim na paligid. Ngunit, sa di kalayuan may tatlong estranghero na pagewang-gewang na naglalakad. Mga lasing at hindi rin pansin ang napakalakas na ulan.

Hanggang sa napansin nila ang dalaga na naka-upo at tahimik nang humihikbi. Mistulang paubos na ang luhang lalabas sa kaniyang mga mata.

"Uy mga Preh, multo ba yun?" tanong nang isang lalaking may hawak pang bote ng beer ang kanang kamay at ang kaliwa naman ay nakaturo sa dalaga na kung saan ay nakaupo.

"Hahaha, p*tsek nananaginip ata ako mga Preh. Ang gandang multo, hahahaha." aniya pa ng lalaki at pipikit-pikit pa.

Malapit na ang tatlo sa pwesto ng dalaga kaya't naalarma siya't napatingin doon. At dahil sa nararamdaman na ring lamig ay nanginginig ang buong katawan niya. Dahan-dahan siyang tumayo, at matamang tumingin sa tatlong lalaking lasing.

"Hilow mis byutipul?..." "...nawawala ka ba?" tanong naman nang isang matabang lalaki na napakalagkit nang tingin sa kaniya.

"Tara, shabay ka na shamin. Hahahaha" ani nang isa pa na nakaakbay sa matabang lalaki.

At dahil doon, nakaramdam ng takot ang dalaga. Dahan-dahan siyang umatras habang yakap-yakap ang sarili. Ang mga lasing na lalaki naman ay nakangisi at palapit sa kaniya.

Mas lalong pang lumakas ang ulan. At mas kinabahan pa si Jamella sa presensiyang binibigay ng tatlong lalaki. Hindi niya narin alintana ang matarik na bangin sa kaniyang likod. Paunti-unting lumalapit sa kaniya ang mga lalaki, at may nakakadiring ngisi ang mga ito sa kaniya. Kaya't mas lalo lamang siyang nanginig sa lamig at takot.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 29 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Reincarnation: The FellowWhere stories live. Discover now