Pagkapasok ko sa 7/11 ay agad kong nakita si Coy na syang pang morning shift bilang cashier dito habang night shift naman ako.
nagliligpit ito kaya naman ay agad ko itong tinulungan.
“sige na, ako na bahala dito” ngiti ko.
“sige, salamat Gissele!” masayang ani nito at agad na lumabas.
Ng makalapit ako sa counter ay nakatanggap ako ng text galing sa may-ari ng 7/11.
Bossing: remove all expired items right there
Gissele: yes boss
Agad akong tumayo paalis sa counter at nilagay ang phone ko sa maliit na cabinet sa gilid.
Rinig kong may pumasok pero hindi ko na ito tinignan.
I was about to go to my counter when someone grabbed my waist.
“she's my girlfriend. Don't bother to ship me with my ex again.”
Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Blaise na syang humila saakin.
Naka jersey pa ito at parang kakatapos lang ng practice nila.
“pinagsasabi mo?!” inis na bulong ko.
“act well please.” bulong nito.
Napapikit ako sa inis at nginitian ang mga kaibigan nya.
“H-Hi” nauutal kong aniya.
“sinasabi ko na nga ba may something kayo!” hirit ni rex dahilan para kunutan ko'to ng noo.
“hindi na ako nagulat”
“I knew it!”
“maraming pictures that are spreading right now in facebook. Mga picture nila yun, tas naka eye-contact pa” nakangising ani ni Bryle dahilan para samaan ko ito ng tingin.
“pero parang may mali” agad na ani ng isang kasama nila na si Cleo. Agad akong nabuhayan ng dugo sa isiping mabubuking kami.
“mali ang pagkakagustuhan niyong dalawa! Nakakainggit!” biglang dugtong ni cleo dahilan para bumagsak ang balikat ko.
Haha anong klaseng kaputàngínàhan 'to?
“mauuna na kami par, congrats sainyo at sana magtagal kayo!” masayang ani ni Rex. Lihim ko naman itong inirapan.
Ng tuluyan ng makalabas ang mga kaibigan niya ay agad ko itong dinuro dahilan para mapaatras ito sa pader.
“anong klaseng prank 'yon?!” najinis na bulyaw ko.
“is that even a prank?—OUCH!” sigaw nito ng sàpakin ko ang braso niya.
“anong is that even a prank, pambàliw yung ginawa mo!” inis na ani ko.
“As far as I remember, I'm not insane ma'am” ngiti pa nito dahilan para mas lalo akong nainis.
“Hindi nakakatuwa 'yon!” inis na ani ko.
“I'm sorry, I know it was so sudden, I just need you para hindi na nila ako guluhin—”
“so ginamit mo lang ako?!” inis na ani ko.
“no I mean, yeah? but if you want it to be real, then we can arrange that—”
Hindi ko na pinatapos magsalita at agad na sinipa ang binti nya.
“Loko!” inis na sigaw ko at muling tinampal ang braso nito at sa pagkakataong 'to ay nahawakan na ni Blaise ang palapulsuhan para patigilin ako.
“But I do really need you Gissele” biglang seryosong ani nito.
“s-sa ano naman” nauutal kong aniya at lumingon pa sa gilid.
Hindi ako sanay sa seryoso niyang mukha, parang kakainin ako ng buhay!
“Ano?” nagtatakang tanong ko ng hindi ito makasagot.
“I will pay you a really huge amount, kahit ano, just pretend that you're my girlfriend in our campus and—”
“campus lang? tapos huge amount agad? G!” agad na sagot ko.
'yan pa na hindi na ako magkakandarapa mag hanap ng pera, at isa pa pwede pa naman na tigilin yon, jowa lang naman yung gagampanan ko hindi naman pagpapakasal. Kaya G!
“yes campus”
“G nga—”
“and infront of my family.”
Agad akong natahimik sa sinabi nya at tulalang napatitig sakanya.
Tulala akong nakamasid sa labas ng bintana sa loob ng isang tanyag na restaurant kung saan may party na nagaganap.
“Gissele Hija?”
agad akong napatayo ng makita ang isang para nasa middle 40's na babae ang lumapit saakin.
“Y-Yes Po?”
“Hija! You're Gissele right?” masayang bati nito saakin. “I'm the mother of your boyfriend by the way” nakangiting aniya nito at nilahad ang kamay nito para makipag shake hands na agad ko namang tinanggap.
“Blaise Girlfriend everyone!” anunsyo ng ina ni Blaise sa mismong birthday party niya.
Agad akong natigilan ng parang may spotlight ang nakatutok saamin. Nagpalakpakan naman ang lahat at agad na lumapit saakin si Blaise.
“Thanks for coming babe”
Haha bakit nga ulit ako pumasok sa ganito?
BINABASA MO ANG
Flirting with you (#2 Teenager Series)
Teen FictionIn the bustling corridors of adolescence, Gissele Mendez, a Grade 11 HUMSS student, navigates the intricate dance of life. Balancing her studies with the responsibilities of a part-time job as a cashier at 7/11, she finds solace in the familiarity o...