Chapter 6

47 2 1
                                    

Maliwanag ang paligid na aking nabungaran, Gagalaw sana ako para mag-inat pero naramdaman ko ang mainit na hininga na dumadapo sa aking leeg.

Pagtingin ko sa ibaba ay nakapulupot ang kanyang kamay sa aking tiyan. Bumalik ang mga tingin ko sa kisame at umihip ng hangin. Ibinuga ko ito sa aking ilong, Kung sa bunganga ko ay maamoy ni Freen ang mabahu kong  hininga na ikakagising niya. Lalo na't hindi ako nakapagsipilyo kagabi.

Dahandahan ang pagtanggal ko sa kanyang kamay,ibinulong ko nalang sa aking isip na huwag sana itong magigising, hindi naman ako nabigo sa pag alis ng kama sa tabi ni freen dahil mahimbing ang kanyang tulog.

habang nakaupo ako sa sahig ipinatung ko ang aking baba sa likod ng kamay ko na nakahapag sa malambot na kudson.

Titig na titig ako sa kanyang magandang muka, ngunit karapat-dapat ba ako para sa kanya. Nasa langit ito samantalang nasa lupa ako na posibling matanggap ang isang tulad ko.

Subalit iba-iba naman ang mga taglay na kaisipan ng mga tao o damdamin kapag sila'y umibig. Kaya hindi ko masasabing isang kabaliwan ang umibig ang isang tinitingalang tao sa mababang uri ng tao.

Walang ingay akong lumabas sa kwarto at nagluto ng umagahan. Nakakahiya naman kung ito pa ang magluluto, samantalang marunung naman ako.

Marami akong alam sa iba't ibang klaseng putaheng ulam na lulutuin. Ito ang namana ko sa aking ama na siyang tanging alaala sa kanya.

Ilang minuto lang ang tinagal ay okay na ang sinaing kong bigas. Nakahapag na lahat sa mesa. Si Freen lang ang kulang para  kumain na kami, maglalakad saan na ako pa tungo sa hagtan, ngunit nakita ko naman siyang bumababa sa hagtan habang basa ang kanyang buhok at bihis na bihis na ito.

"Good morning sara. Uy, mukhang masarap rata ang umagahan natin ngayon hahh. Marunong ka palang magluto.

"Ah, oo.

"Kumain ka na ba?

"Hindi pa,,,

" Okay, sabay na tayong kumain.

Habang nasa kalagitnaan kami ng umagahan panay, subo lang si Freen at may papuri pang sinasambit. Tahimik naman akong kumakain na may ngiti sa labi.

I'm glad she liked the taste of food I cooked, I looked at her plate she had finished it. Inalok ko muli siyang ipaghain pa ng kanin at mukhang hindi naman ito nag atubilang tumanggi.

"Beck,may hilingin sana ako.

" Ano yon? Kung kaya ko ang ipapagawa mo ay hindi, ako mag-aatubaling gawin.

" Maiwan ka dito sa bahay at magluto ka ng madami, mamayang hapon uuwi na tayo. May importanteng gagawin ako bukas. Nasa kwarto yung suweldo mo sa pagsama mi sa akin.

"Naku, Freen, huwag na.

Iwinagayway ko ang dalawa kong kamay senyales na pag tanggi ko sa kanya

" Magtatampo ako kapag di mo ito tinanggap. Sige na, alis na ako. May susunduin lang ako.

Inihatid ko sa labas si Freen hanggang umalis na ito, hinintay kong lumayo ang kanyang kotse at nong hindi ko na mahagilap ang kanyang sasakyan ay pumasok muli ako upang iligpit ang aming pinag kainan, ginawa ko ang kanyang sinabi at sinimulan ko nang nagluto.

Freen POV

Namaalam ako kay Beck na may ngiti sa labi, ilang oras lang ang tinagal bago ipinark ko ang sasakyan, pumunta ako sa sinabi kong pag kikitahan namin ng mga bata ngunit iba ang aking nadatnan.

Mga taong nag kukumpulan at may nag sisigawang mga bata, at nong marinig ko ang isang pamilyar na boses ay agad akong lumapit sa mga kinukumpulan ng mga tao.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 01 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SILENCE KILLER / Freenbecky Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon