'Vrelie's POV'
Unknown University is a school ruled by insane leaders. My parents is one of them. It is located in a very far island where no one can rescue us.
Dito nila tinatapon ang mga estudyanteng matitigas ang ulo, ayaw makinig sa magulang, malalaki ang ulo at halos lahat ng may bisyo. It is the worst existing school ever.
"V, pinapatawag ka ng Daddy mo." wika sa akin ni Death. She's the SSG President. Her parents is also one of the insane leaders.
I nodded and changed my clothes. Nasa tower kami nakatira. Perks of being an SSG officer.
Pumunta ako sa opisina ng mga guro at nadatnan ko ang magulang ko na may kausap na dalawang lalaking estudyante. Tinuro nila ako kaya napalingon sa akin ang dalawang lalaki.
"She's the SSG Secretary here. Ihahatid niya kayo sa mga silid niyo." ani Daddy.
I rolled my eyes. "Hindi ako na inform na escort din pala ako dito."
"Do you have any concerns, V?" tanong ni Daddy.
Umiling ako at naglakad na palabas. Malayo ang opisina ng mga guro sa exact location ng classroom namin. Also, malayo din ito sa dorm ng mga estudyante.
"I bet both of you are spoiled brats." wika ko.
Nasa likod ko lang ang dalawang lalaki na tahimik lang. Alam ko namang sa umpisa lang yan.
"Hulaan ko, matitigas ang ulo niyo sa inyo?"
Hindi pa rin sila umiimik. I am starting to get mad kasi hindi nila ako sinasagot.
"Hmm, siguro may bisyo kayo?"
Wala pa rin.
Sa inis ko ay umikot ako at sinamaan silang dalawa ng tingin.
"Do you know who I am? I am the SSG Secretary, here! Give me some respect and answer my questions!" inis na wika ko sa kanila.
The guy with messy hair raised his eyebrows. "We're not brats or anything, Miss Secretary. We're simply an orphan and they dragged us here."
Natahimik ako sa sinabi niya. Orphans?
"Kaizer," pakilala ng lalaking magulo ang buhok. "And he's my younger brother, Taylor."
Tinitigan ko lamang silang dalawa.
"Sabi nila sa amin bibigyan nila kami ng libreng pag-aaral kapag sumama kami sa kanila. They showed us pictures of this school and a lot of documents kaya naniwala kami."
Wtf?
"And now that we're here, we want to study so we can finish and have a decent life after."
Halos matawa ako sa sinabi niya. Do they think they can leave this place? Halos patay na nga lahat ng nagtangkang umalis pagkatapos makatapos eh.
"Naniwala naman kayo?" I laughed.
Kumunot ang noo nila. "Anong ibig mong sabihin?"
Umiling ako. "Malalaman niyo rin."
Umalis kaagad ako matapos ko silang ihatid sa silid nila. Bukas ko na sila sasabihan sa patakaran at schedule nila. It's Saturday today and rest day naming lahat. Oh well, not for me.
Bumalik ako sa tower at naabutan si Death na may binabasa. "Hindi ka pa rin tapos basahin ang diary ni Kuya Dark?"
Kuya Dark is her older brother. Former SSG Vice President who got killed together with the former SSG President. Sa pagkakaalam ng lahat, pinatay sila dahil umalis sila ng Isla.
"No. Please go out, V. Gusto ko ng tahimik na paligid." aniya.
Hindi ko siya sinunod. Sa halip ay umupo ako sa kama niya. "May dalawang bagohan."
Natigil siya sa pagbabasa. "Again?"
"Yup, dalawang lalaki. Kaizer at Taylor ang pangalan." wika ko. "May nalaman pa ako."
Nilapag niya ang diary ni Kuya Dark at itinoon ang atensyon sa akin. "What is it?"
"They're orphans. The leaders are recruiting students outside. Hindi sila pinatapon dito, Death. They're not brats or anything."
Kumuyom ang kamao ni Death. "After they killed two of us, magpapapasok sila ng dalawa?"
"Replacement?"
Umiling siya. "Thank you for the information, V. Makakalabas ka na."
May kinuha siyang isang envelope at may isinulat doon. She's always been this cold since her brother died. Wala na ang dating masiyahin at masiglahing Death.
All because of her parents.
"Death's POV"
To be in this position is the worst thing happened in my life. Hindi ko hiniling na maging Presidente pero naluklok ako sa posisyon na 'to dahil sa magulang ko. I hated them.
"What's with the face, D?"
"Why don't you shut up, Keeper?"
"Kalma, D. May gusto lang akong ibalita sayo." aniya.
Dalawang tao lang ang mata ko sa buong campus. Si Keeper na Vice President at si Vrelie na Secretary. Sila lang din kasi ang nakakaakyat dito sa tower.
"Spill."
"Nakausap ko ang dalawang bagohan kanina."
Naningkit ang mata ko. "At bakit sa tingin mo magkakaroon ako ng interest sa dalawang 'yun?"
He tsked. "Patapusin mo muna kasi ako."
"Bilisan mo, Vice President. Madami akong ginagawa."
"Eto na nga, habang kausap ko silang dalawa kanina, inoobserbahan ko sila." huminto siya saglit. "They have the same characteristics with your brother and the former President."
Halos hindi ako makahinga sa sinabi ni Keeper.
"The way they talk, the way they eat, and their age is just similar to them. Pumunta ako kanina sa admin para hingin ang dokumento ng dalawa para maipasa ko sayo pero wala daw. Sila pa daw ang gagawa."
Nanginig ang kamay ko.
"Tell them both I'd like to meet them. AVR, tomorrow at lunch." wika ko. "You may now leave, Keeper. Thank you."
Pag alis ni Keeper ay nakahinga ako ng maluwag.
Please, Kuya. Please be alive.