Chapter 19

283 10 0
                                    

"Ano? Kumusta si Chelle ngayon?"

"Hindi siya okay. Pero don't worry Julie, hindi namin siya iiwan."

"Talagang huwag dahil kailangan na kailangan niya kayo diyan ngayon. Pasensya na kung wala ako diyan para matulungan kayo, hindi rin ako makakauwi ngayon. Kayo muna ang bahala kay Chelle"

"Yes, Juls"

Nakatagilid lang ako ng higa sa kama ko habang naririnig kong kausap nila ate at ng iba sa kabilang linya si Julie.

Hindi nila alam na kanina pa ako gising. Wala akong plano ngayong araw na umalis sa kama ko. Ang gusto ko itulog lahat ng mga nangyari kahapon.

Naramdaman kong may umupo sa gilid ng kama ko at may humawak din sa braso ko at alam kong si Lara 'yon. Pinikit ko na muna ang mga mata ko at hinayaan ko lang ang kamay niya sa braso ko.
                 
                  
Bandang hapon umalis ang mga kaibigan ko kaya nilibang ko ulit ang sarili ko sa paggawa ng mga petals. Nagpatugtog na lang din ako para kahit na papano ay may ibang ingay akong marinig, pero kahit ang mga music ko ay hindi rin nakikisama.

Umalis ako sa bahay ko para magpunta sa malapit na grocery story dito sa Hilla Ville.

Habang tumitingin ako sa mga naka display, napukaw ng atensyon ko ang pamilyar na babae malapit sa entrance.

Nakita ko kung paano siya hilain no'ng lalaki palabas ng store kaya dali-dali kong binitawan ang hinawakan ko at tumakbo ako papunta sa entrance. Lumabas kaagad ako at nakita kong sumakay sila sa kotse at umalis din agad.

Yung babae kilala ko, pero sino yung lalaki na 'yon?

            
               
Eight months later

"Kinain din niya ang sinabi niya. 'Di ba sabi niya sa 'tin noon never niyang papatulan 'yang si Luke, pero tignan niyo ngayon kung sino ang manliligaw niya." Sounds bitter, pero tama naman si Frank

"Hayaan mo na Frankiekeyks, masaya siya kay Luke, eh" maliit na ngiti kong sabi habang pinapanood si Ate Ali na sinasayaw ni Luke sa stage kasama ang ibang mag partners.

Birthday ni Luke, at sa totoo lang wala akong balak na pumunta rito. Inivite naman ako ni Luke pero tumanggi ako. Kaso nakiusap sa 'kin si ate na sumama na sa party ni Luke para naman daw may kasama siya. Kasama rin namin sina Frank, Lara, Nathalia, Leland at Mica, asawa ni Leland.

Mas matanda ako ng dalawang buwan kay ate, pero simula noong grade 9 kami ay nakasanayan ko na siyang tawagin na "ate". Inakala rin tuloy ng mga tao na mas matanda siya.

Kitang-kita ko kung gaano kasaya si ate kay Luke. Sana makita ko siyang ganyan kasaya palagi. Hindi ko gustong makita siyang malungkot o kahit na umiiyak dahil lang kay Luke.

Kanina ko pa nararamdaman na may nakatitig sa 'kin kaya hinanap ko kung saan 'yon. Nang dumako sa table nila Drei ang tingin ko, nakita ko si Zhan na ilang segundo akong tinititigan at siya rin mismo ang umiwas.

"Nakita ko 'yon" Bulong sa 'kin ni Frank kaya nakaramdam ako ng pagkahiya.
                         
                                  
"Mauuna na kami, happy birthday ulit" sambit ni Leland kay Luke, saka sila sumakay ng asawa niya sa kotse at nag wave rin muna ang mag-asawa sa mga kaibigan ni Leland bago pinaandar ni Leland ang kotse niya.

"Ate Ali, sasabay ka ba sa amin?" tanong ko kay ate at tinignan na muna niya si Luke bago siya umiling.

"Mauna na kayo" nakangiting sabi niya saka siya lumapit at yumakap sa 'kin. "Okay ako" bulong sa 'kin ni ate.

"Guys, sakay na, tara na!" dinig kong pagtawag sa amin ni Nathalia.

"Mauna na kami" maliit na ngiting sabi ko kay ate at sumakay na 'ko sa sasakyan ni Frank. Binuksan ko ang bintana pagkasakay ko at nag wave ako kay ate, ganon din naman ang ginawa niya pabalik.

Meet Me At The Beach (Beach Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon