Life's relentless attacks choose no targets. Its cries are akin to gigantic tentacles mindlessly smashing themselves down on roads filled with lives; bringing chaos in wherever it sets its feet on as it leaves blazing trails of flames on ravaged roads. The dreams of each unfortunate slowly slip away from their grasp as lanterns of warmth: who float to meet the heavens, to join the other forgotten. Its warmth; gradually leaving the dreamer as they are replaced with nothing but the cold breeze. Winds that bring forth doubts and blues with buckets of negativity.
—————
Kuntento na ako sa buhay ko. I have a healthy and complete family, we're not that super rich but at least they can provide our basic needs, and a long-term boyfriend who loves and adores me. Everything is perfect. I feel like I don't need anything anymore. Not until....
[ODESSA]
"Happy 6th year of love, Mesh" narito ako ngayon sa condo ng boyfriend ko. He's Neil Aero Santos. We've been together for 6 years now and today is our anniversary. We decided to celebrate it here in his condo kasi parehas kaming galing sa trabaho.
I smiled at him and hug him tightly as I could
"Ouch ouch, Mesh. Grabe naman 'yang yakap na 'yan" nahihirapang sabi n'ya marahil sa higpit ng yakap ko
"Hahahaha yakap lang eh arte Mesh ah" kumalas na ako sa yakap at tinignan siya ng maigi sa mata at gayon din ang ginawa n'ya
"Happy Anniversary, Mesh. 6 years and counting" I told him and he smiled before he kissed my lips.
"Always you, Mesh. Always you." Sabi nya as soon as our lips parted
"Dapat lang" biro ko at natawa naman kaming pareha roon. Pagtapos ay dumiretso na siya sa kusina para magluto at may ipatitiikim daw siya saakin na bagong putahe niya. He's a chef in a five-star restaurant, and I am working as an accountant in a well-known bank here in the Philippines.
While waiting for him to finish, pumunta na ako sa kwarto n'ya at nagpalit ng damit. Mayroon na kasi ako ritong mga damit dahil nga minsan ay rito na ako natutulog. Pagkatapos nga magpalit ay lumabas na agad ako sa kwarto at pumunta na sa kusina, mukha namang sakto lang ang pagdating ko dahil nag-aayos na siya sa mesa.
"Mesh, umupo ka nalang muna. Let me do this for my queen" madramang saad nya habang nakahawak pa ang kamay sa dibdib
"Hmm sure, my king. Siguraduhin mo lang na masarap 'yan ha" sabi ko, sumimangot siya kaya naman tinawanan ko siya.
"Mesh, kailan ba ako nagluto ng hindi masarap? I'm hurt." sabi n'ya at ngumuso pa bago umupo sa tabi ko
"Ito naman joke lang eh of course 'no lagi namang masarap ang luto mo, at kung hindi man masarap, kakainin ko pa rin kasi ikaw ang nagluto" napangiti naman s'ya pagkatapos marinig 'yon. Abno talaga 'tong lalaking 'to HAHAHA
Tinignan ko ang niluto n'ya at napangiti naman ako ng makita kung ano 'yon.
"Mechado, huh. At ano namang bago rito aber? Hahahaha" natatawang wika ko sakanya, napansin ko naman na bigla siyang naging seryoso kaha unti-unting nawala ang pagkakangiti ko.
"It's special today, Mesh. Trust me" ipinagkibit-balikat ko na lamang ‘yon. Nagsandok na lang ako, pero naiilang ako sa titig n’ya saakin.
Itinigil ko ang ginagawa at tinitigan din siya pabalik. “Are you breaking up with me?” I asked him, “What?! No!! Of course not!” agad naman siyang nataranta dahil sa tanong ko at hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa lamesa, napataas ako ng kilay dahil sa ginawa n'ya.
“Oh?” tanging nasabi ko, at pinagpatuloy nalang ang kinakain. Narinig ko ang malakas niyang buntong-hininga.
“Bakit ka ba nagkakaganyan?” Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na hindi siya tanungin. Iling lang ang isinagot n'ya saakin, so I let him be. Sayang, gusto ko pa naman sabihin na ang sarap ng pagkakaluto n'ya sa mechado ngayon. Napangiti ako nang maalala ang isang bagay.