Isa na namang madugong labanan ang araw na ito para kay Gab.
Kailangan nya namang humanap ng panibagong pagkakakitaan.
Kagagaling nya lang sa pang-apat na raket.At yun ang paghuhugas ng mga sandamakmak na pinggan sa isang kilalang restaurant,may kalayuan sa lugar kung saan sya nakatira.
"Tsk.Alas-dos palang ng hapon.Makakahanap pa naman siguro ako ng raket."
Mahinang bulong nito at isinuot ang kulay pulang sumbrero ng patalikod.
Ganito na ang buhay nya simula ng maglayas sya sa kanila.
She has no choice but to work and strive for her to live.
Bente-singko na sya pero wala sa plano nya ang mag-asawa.
Dagdag palamunin lang at panggulo sa buhay.
Maangas syang naglakad sa ilalim ng sikat ng araw.
Nakasuot ng maluwag na puting damit at short na maong na hanggang tuhod bitbit ang maliit na kulay itim na shoulder bag na karaniwang ginagamit ng mga tricycle driver para paglagyan ng kita na nakasabit pa sa may leeg nya.
"Tangna namang buhay,to.Bat wala akong makita?!"
Asar nitong saad ng wala syang mahanap na bagong mapagkakakitaan.
"Aish.Mabuti pang umuwi at magbenta ng mga pirated porn video tapes! Kikita pa ko dun,bweset!"
Inis nitong saad sabay para ng tricycle
"Manong,sa may SM Palapala po."
Nakakunot-noo nitong saad at padabog na sumakay sa backride
"SM Palapala tayo,iha?"
Tanong ng driver na nagpapoker-face agad sa kanya
"Ay,hindi po.Sa MOA tayo,manong.Sa MOA.SM Palapala nga,eh! Tsk."
Singhal nito sa driver habang pinapatay pa ito sa tingin
"Nagtatanong lang,eh."
Rinig nya pang bulong nito at nagdrive na nagpairap lang kay sa kanya.
'Bobo mo kasi,eh.Tsk.'
"Teka,iha! Bayad mo?!"
Rinig nyang sigaw ng driver ng makababa sya at dire-diretsong naglakad.
Hinarap nya ito habang nakapoker-face at sumigaw.
"Sa tingin mo manong,magbabayad pa ako sa ilang kilometro lang ang layo at sa hindi nyo makatwiran na serbisyo gamit yang gabok-gabok nyong tricycle na sa sobrang gabok muntikan na akong mahulog ng dalawang beses?! Pesteng tricycle yan! Itapon mo na yan sa junkshop ng magkapera ka,bweset!"
Inis nitong turan at walang hiyang kumaripas Ng takbo.
Halos abot langit Naman Ang ngise nito dahil naka-buraot na Naman sya Ng pamasahe.
"Sayang din Yung bente noh! Pambili ko na Yun Ng tinapay!"
Ngiseng aso nitong Saad sa Sarili.
BINABASA MO ANG
Curmudgeon Billionaire Series 1: A BEAST OBSESSION
RomanceHillure Neon Feinbeirge dreams of having a perfect woman from head to toe. A woman that is gentle,adorable,loving and sweet. But in this world full of shit with a bitchy cupid, He end up loving 'Gab' a RETARD. Nahulog sya sa babaeng iba ang trip sa...