Disclaimer!!
This is fictional one shot story but I indicated some scenes that based on true story. I made this for fun and don't take seriously!! Moreover, This story had bad words and if you're sensitive you can stop reading, Again don't misunderstood why I made this!! You are free to comment your thoughts.
𝄢
"Pakshet!! Bakit sya?" Bulong ko nang makita ko ang magiging kapartner ko.
-
Prom day na! Sana naman gentleman yung makakapartner ko" Bigkas ko habang papunta sa school.Eto ako nasa labas hinihintay si mama para manood mamaya ng program. Ang tagal! Init na init na ang Disney princess niyo!!
"Tara na pumasok na tayo" Aya ni mama nang makita niya akong nag hihintay sa labas.
After naming mag picture nag paalam na ako na papasok na ako sa room. "Ma! Punta na po ako room, init na init na ako e" Saad ko habang naiinitan.
"Sige! Sige!" Saad naman nito
Pagpasok ko ng room, Walang tao!? Ako pa lang ba dumadating?! Tngina ang init kahit bukas yung dalawang aircon.
Habang nag hihintay ako sa room dumating na ang pogi naming teacher, Sir Cecilio. "Sir pogi natin ngayon ah" Bati ko.
"Apaka shala mo naman nak" Sambit nito. Ako pa e anak mo ata ako sir.
Sunod sunod nang dumating ang mga kaklase ko at napaka gaganda at gwagwapo nila. Mga pormang porma.
"Grabe! Ang ganda mo ngayon Gia!" Bati ko nang makita ko si Gia na papasok sa room suot suot ang napaka ganda niyang prom dress.
"Uy elsa!" Bati ni Gia sakin. Biglang nag dilim ang paningin ko sa kanya.
"Gagawin kitang yelo!" Inis na sagot ko sa kanya at tinawanan niya lang ako. Yare to sakin mamaya!!
"To the section of 10 - Galaxy females please proceed to the chapel" Announce sa speaker na kinakaba ng buong section namin.
"Eto na!! Retouch Retouch na" Saad ni Yuki
"Sana gentleman maka partner ko!! Sana gentleman please Lord" Paulit ulit kong bigkas sa hangin na tila di mapakali.
"Sana gentleman!!" Bigkas rin ni Gia.
"Pila na sa labas!" Saad ni Sana
Pumila na kami at agad nag tungo sa chapel. Parang tanga? Bakit ako kinakabahan?
Umuusad na ang pila. Mas kinakabahan ako.
Malapit na ako sa stage ng makita ko na ang magiging kapartner ko. "Pakshet!! si Archie!?? bakit sya?" Bulong ko ng makita ko ang brutal kong kaaway. Tngina sa dami dami ng pwede kong makapartner bakit itong hinayupak pa na to?
I have no choice but to accept this fact. Fuck!
"Ava?? Kung minamalas ka nga naman ikaw pa magiging kapartner ko?" Bulong niya.
"Last prom ko na nga to ikaw pa makakapartner ko???" Dismayadong tanong ko.
"Tatanggi ka pa ba sa gwapong katulad ko?"
"Look at the camera!... Okay in three... two... one!" Saad ng photographer sabay click ng camera.
Pababa na kami ng stage ng makita kong nauna syang bumaba para itaas ang dulo ng dress ko kahit na hawak hawak nya ang isa kong kamay. Aba ang gentleman naman nito.
YOU ARE READING
One shot stories
AléatoireThis book contains different oneshot stories and Most of the part of one shot story is based on true story but do not misunderstood every words that I will indicate each story.