Vivienne Montes' POV
"Lilipat ka na ng school?!." Busy akong naglalaro sa cellphone ko nang biglang sumigaw si Tommy kay Ash.
Andito kami ngayon sa classroom at hinihintay na idistribute na saamin ang aming mga toga.
Graduation day na namin bukas.
Bye, high school life.
Napalingon ako kay Ash.
Hindi nya nabanggit sakin yun.
"Kakasabi ko lang, diba?." Iritableng tugon ni Ash atsaka lumabas ng classroom.
Bumuntong-hininga ako.
What the..
Pinaalam nya, kung kailan last day na?!.
Fuck.
Sa buong barkada, kami lang ni Ash ang naging magkaibigan mula pagkabata. Halos kapatid na nga eh. Sa kalokohan, sa pagaaral, sa laro at sa lahat ng bagay kami ang magkakampi. And yet, hindi nya nagawang sabihin sakin yung bagay na yun.
I'm not in affected, just because he's my friend.
I love him, more than his girl can do. But he doesn't know anything about that.
Nasasaktan ako kahit nagbibigay lang naman ako ng pagmamahal.
Damn.
Kaya ayoko ng love eh. Ikaw na nga yung nagmamahal, sakit pa ang babalik sayo.
I hate this shit.
'Yan ang hirap sa nagmamahal ng palihim sa mga bestfriend nila eh. Alalay sa diskarte nya sa mga babae, taga ayos ng mga gulo na ginagawa nya, umaasikaso sa kanya pag nalalasing sya. At higit sa lahat, tinuturing lang sila bilang kapatid. Kapatid lang, wala nang higit pa.
*sigh
Hanggang dun na lang siguro ako. Wala naman akong laban, may girlfriend siya. Bestfriend lang ako.
"Hindi mo pa ba sasabihin sa kanya?." Pagputol ni Belle sa iniisip ko.
"Last day na oh." Gatong ni Tommy.
Apat lang kami sa barkada. At sila lang ang nakakaalam ng lahat.
"Wag na. May girlfriend sya. Ayokong manggulo." Simpleng sabi ko.
"Hindi naman dahil nag-confess ka, nanggugulo ka na. Kailangan mo lang yun gawin, para masabi mo na mahal mo sya. Dalawang taon na yan, di ka ba napapagod?." Tanong ni Belle.
Nginitian ko sya atsaka nagsalita.
"Hindi naman sila magb-break 'pag nagconfess ako. What's the use of telling him that I love him?."
"Hay nako, Vivienne. Kung alam mo lang." Rinig kong sabi ni Tommy.
Anong 'kung alam mo lang'?.
"Vivienne Montes." Sigaw ng class president.
Agad akong tumayo at kinuha ang toga ko.
Kinuha ko ito atsaka tumalikod para bumalik na sa upuan ko.
"Ay, Vivienne!" Tawag ng class president.
"Ano yun?." Lumakad ako pabalik sa kanya.
"Pakiabot na lang kay Lopez(Ash) itong toga nya, wala kasi sya dito sa classroom eh." Pakiusap nya.
Tumango tango ako at bumalik sa upuan ko para kunin ang bag ko.
"Una na ko, ibibigay ko pa to kay Ash." Paalam ko kila Belle.

BINABASA MO ANG
Eight Years [Short Story]
ChickLit" Hanggang dun na lang siguro ako. Wala naman akong laban, may girlfriend siya. Bestfriend lang ako." -Vivienne Montes DISCLAIMER: Names, events, and the whole story, is just a product of the author's creative imagination. Similarities to any of...