𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 𝗢𝗻𝗲: 𝗕𝗮𝗱 𝗯𝗼𝘆 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗟𝗲𝗮𝘁𝗵𝗲𝗿 𝗝𝗮𝗰𝗸𝗲𝘁

1 0 0
                                    

𝗟𝗶𝗮𝗻𝗻𝗲

Monday Evening 9:40 Pm

"Lianne, pahatid kana kay Chris." Sabi ni Kerisse sa'kin medyo nagabihan na kasi kami sa party ng  batchmate namin.

"Hindi na Kerisse mauna nalang kayo okay lang ako." Nakangiti kong sabi sa kanila.

"Okay ka d'yan! umayos ka nga babae ka Lianne baka may humatak sayo sa daan." Pananakot ni Dan.

"H'wag niyo ngang takutin si Lianne baka 'di yan uuwi sa kanila." Singit naman ni Lena.

"Ano ba kayo ayos lang ako, hmm?" Kumakaway-kaway pa ako bago umalis. Tinawag pa ako nun ni Chris pero hindi na ako lumingon pa at nagpatuloy nalang sa paglalakad.

Madilim ang daan, ako lang mag-isang naglalakad sa tabi ng kalsada at kaunti lang ang mga sasakyan na dumadaan. Napahinto ako sa may waiting shed ng maramdamang napapagod na ako sa kakalakad. Buti pang mag-antay nalang ako dito ng taxi baka meron pa. Sinubukan kong tawagan sina Mama at Papa baka sakaling hinanap na nila ako kaya lang hindi ko sila ma contact.

Aagahan kaya ako dito sa kakahintay ng masasakyan? sana lang pala nagpahatid na ako kay Chris.

Karma.

"Ineng, ginabi ka 'ata." Napatayo ako sa'king inuupuan ng makita ang matandang lalaki na nakasuot ng butas butas na damit.

"Anong oras na ba? bawal magpapaabot ng gabi dito sa lugar na 'to maraming loko-loko." Si Tatay talaga kinilabutan tuloy ako.

"Nag-aantay lang po ako ng Taxi." Sagot ko habang kinagat ang pang-ibabang labi ko.

"Naku ineng wala ng Taxing dadaan dito kapag ganitong oras." Sabi ng matanda.

"Ganun po ba? hm.. mag-aantay parin po ako."

Hindi naman ako matatakutin e, saka walang maglalakas loob na manakit sa'kin lagot sila sa Papa at sa Tito Felix ko.

"Oh Ineng ako'y mauna na sayo." Paalam niya at tuluyan na ngang nawala sa paningin ko.

Hayss.. buti naman.

•••
Around 11:20 na pero wala paring Taxi o motor na dumadaan at hindi ko parin ma contact sina Mama at Papa kaya si Tito Felix nalang yung tinawagan ko. Ayoko naman kasing maglakad mag-isa nakakatakot.

"Sa oras na 'to wala kapa sa bahay niyo?" Reaksiyon ni Tito Felix, h'wag naman sana niya akong pagalitan.

"Oo Tito natatakot na nga ako dito eh."

"Ano kaba Hija, walang kinatatakutan ang mga Kilford 'yan ang tatandaan mo!" Sabi ni Tito sa'kin.

Bata palang ako ay tumatak na sa isipan ko ang katagang 'WALANG KINATATAKUTAN ANG MGA KILFORD'. Pinanganak ako sa isang matapang na pamiya pero ewan ko tatamaan talaga ako kaduwagan lalo na kapag ako lang mag-isa.

"Susunduin mo ba ako dito Tito?" Tanong ko.

"Oo naman. Send mo sa'kin ang location mo tapos aan.." Biglang naputol ang linya ni Tito Felix.

gooshh!! pa'no na 'to?

"H-Hello hello Tito, 'andiyan kapa ba?" Napangiwi ako ng mapansing ako pala yung lowbat na.

VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon