𝗟𝗶𝗮𝗻𝗻𝗲
Pagod na pagod at uhaw na uhaw, iyon ang nararamdaman ko ng mga sumusunod na mga araw para na akong lantang gulay hindi man lang nila ako pinapakain. Parati kong pinagdasal sa diyos na sana ay maawa sila sa'kin at pakawalan ako ngunit napakadaya ng tadhana sa'kin. Sumasakit na ang mga kamay ko dahil sa mahigpit na pagkakatali ng kadena lalo na sa mga paa ko.
"Here's your phone, call your Dad sabihin mo sa kaniya na pupunta s'ya rito." Ani ng isang tinig. Napaangat ako ng tingin at nasilayan ko na naman ang lalaking tinatawag na Bossing ng mga robot.
"Anong kailangan mo sa Papa ko!?"
"I just want to talk to him don't worry after that makakauwi kana sa pamilya mo." Sabi niya pero kinutuban talaga ako, pakiramdam ko may masama talaga s'yang intensyon sa Papa ko.
Tinanggal ng mga tauhan niya ang tali sa aking kamay at inabot sa'kin ang phone ko.
"Subukan mo lang na gumawa ng kilos, talagang ipuputok ko 'to sa ulo mo." Pinanlakhan ako ng mata ng makita ang baril na nakatutok sa aking ulo.
"H'wag na wag mong sabihing bihag ka namin! naintindihan mo?"
"Paano kong ayoko!?" Matapang kong sigaw.
Nagalit ang lalaki kaya hinampas niya ako ng baril na hawak niya. Nandilim ang paningin ko dahil sa sobrang sakit at tuluyan akong nawalan ng malay ng makitang dumudugo ang ulo ko.
•••
Madilim ang paligid, nasa loob parin ako ng basement, wala ng tao sa'king paligid at siguro ilang oras na akong walang malay kaya iniwan nalang muna nila ako at alam kong babalik din ang mga yun mamaya. Napaiyak ako sa sobrang pait ng sinapit ko, gusto ko lang namang makauwi bakit pa ako nakidnapped.Patuloy parin ang paghapdi ng sugat sa aking ulo, ni hindi ko man lang ito mahawakan dahil nakatali ulit ang mga kamay.
𝘮𝘢𝘬𝘢𝘬𝘢𝘵𝘢𝘬𝘢𝘴 𝘱𝘢 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘢𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘪𝘮𝘱𝘺𝘦𝘳𝘯𝘰𝘯𝘨 '𝘵𝘰?
Halos maubos na ang aking mga luha sa kaiiyak, mis ko na ang mga magulang at mga kaibigan ko , mis ko na rin ang kumain at uminom ng tubig. Siguro dalawang araw na ako ritong nakakulong sa basement, hindi ko pa alam kung ano ang tunay na pakay nila. Nakita ko ang phone ko sa may table kahit na madilim kaya lang hindi ko ito maabot sa'king mga kamay dahil nakagapos ako.
"TULONG!!!!!" Sigaw ko.
Kahit na ano pang pag-iingay ang gagawin ko walang makakatulong sa'kin. Sa mga oras na 'to alam kong hinahanap na ako ng pamilya ko lalo na ng mga kaibigan ko.
"TULONG!!!! TULUNGAN NIYO 'KO!!!!" Muli kong sigaw pero bigo parin akong may makakarinig sa'kin.
•••
"Hoyy!! gising na." Tawag ng lalaki sa'kin. Nakita ko s'yang may dalang pagkain at inilapag ito sa mesa.Yes! sa wakas makakain na talaga ako kahit na kunti lang.
"Kumain kana!" Sabi nito.
Paano ako makakakain kung nakatali ako?
"Kalagan niyo muna ako please..." Pakiusap ko.
Nagtinginan ang dalawang lalaki saka lumapit sa'kin at kinalagan ako. Pagkatapos nilang matanggal ang tali ay dali-dali akong lumapit sa mesa at kumain, syempre gutom na gutom ako.
"Pasalamat ka kay Bossing pinapakain kapa!" Sabi nito.
"Bakit ako magpapasalamat? haaahahah... baliw 'ata yun nuh, kasi bakit niya ako papakainin kung papatayin lang din niya 'ko."
"Gusto mo na sigurong mamatay nu? wag muna Ms. Ganda pakinabangan ka muna namin, hahaha diba pare?" Hinaplos ng lalaki ang binti ko kaya ako napatayo at tinutukan sila ng kutsarang hawak ko.