Kabanata 9

150 4 1
                                    

Narito kami ngayon ng buong pamilya ni Cael sa isang kwarto kasama ni Senator Fuentebella, Lolo ni Cael at yung dalawa niyang pinsan kasama ng nanay nila at si Gemma

May sumunod na pumasok sa kwarto dalawang lalaki na halos kasing edad lang nila Cael at Raziel may kasama din silang nasa middle age na isang babae at lalaki na I think mga kapatid din ni Tito Javan magkahawig sila

"That woman!!Napaka Low class nga!" Ang sama-sama ng tingin sa akin nung Gino

"You're talking bad things about kay Tita!! nasan yung manners mo?! " I don't know kung saan ko pa nahuhugot ang tapang ko ngayon

He was about to slap me nang bigla siyang itulak ni Cael. Magkakagulo na naman sana dahil pasugod na din sina Raziel at Kuya Yael alam kong kanina pa sila nagtitimpi

" MAGSITIGIL KAYONG LAHAT!!" Cael's Lolo shouted. Hinila ni Tita Gail yung tatlo

"Mga anak tama na" Tita Gail started crying. Lalong nagdilim ang mga mukha ng tatlo niyang anak.I saw Cael's wrist, he's clenching it nanginginig siya sa galit

I noticed Tito Javan kanina pa siya hindi kumikibo his face was blank walang ka emo-emosyon.Mas nakakatakot siya pagmasdan kesa sa mga anak niya


"Gino!George! Apologize to your Tita Gail! Diba sinabi ko sa inyo respetuhin nyo ang Tita ninyo??" Cael's Lolo shouted the two


"No Lolo! We will never do that!" sigaw noong George bastos talaga

"Elizabeth! pagsabihan mo yang mga anak mo! Apologize to Gail!!" namumula na din sa galit ung Lolo ni Cael

"Why Dad? sinaktan nga ng mga babaeng yang ang mga anak ko?!" Omygod! kunsintidorang Nanay! I can't believe na kapatid ni Tito Javan to. Tumabi pa nga sa kanila ang ibang mga Kapatid ni Tito Javan.Pati yung dalawang bagong dating na pinsan nila Cael. Kamping-kampi sila sa mga siraulong to

"Elizabeth! it's your sons fault at the first place!!" Cael's Lolo is a anged man pero ang lakas pa rin ng boses niya

"Pwede ba Dad? bakit mo pa kasi pinapunta yang babaeng yan dito? sinama pa talaga yang mga manugang niya na baka kung saan lang napulot ng mga anak niya gaya niya" the other man said. Mas mukha siyang bata kay Tito Javan

I can't believe na iinsultuhin pa nila hanggang dito si Tita Gail. Pansin kong gustong sumugod ulit ng tatlo pero nasa harapan nila si Tita Gail hinaharangan sila

"Excuse me Jufran!! are you insulting my daughter in front of me??!!!!" This time nagsalita ulit si Senator Fuentebella

"Bakit? are you hurt Tino? Ah, I remember, your child's mother is like Gail" Sabi ng Tito ni Cael kay Senator Fuentebella. Bumaling ako kay Sierra she's holding her baby boy and her little girl I saw pain in her eyes when she heard that

"How dare you!!" biglang sinuntok ni Senator ang Tito ni Cael


This time nagkagulo na hindi na napigil ni Tita Gail ang tatlo niyang anak. They throw some punches on their cousins ganun din ang mga pinsan nila. Tita Gail pulling off her sons hindi niya alam kung sino ang uunahin niyang hilain sa magkakapatid

The whole room was so chaotic lumapit ako kay Cael at hinila siya palayo sa pinsan niyang kanina lang ay kaaway ko

"Tama na Cael!!" the corner of his lips is already bleeding. Lalo namang dumugo ang ilong ng pinsan niya na nauna ko nang nasapak kanina

"Let me kill this bastard Jasmine!! I'll make him pay for disrespecting you and Mom!!" I hugged him from the back

Nagkakagulo pa din sa buong kwarto. Inaawat din ni Gemma ang mga Kapatid niya. Ganun din ang dalawang babaeng kapatid ni Tito Javan na hinihila ang mga pinsan ni Cael

Broken Call [COMPLETED] Where stories live. Discover now