Akala Ko :'<

39 1 0
                                    

Ewan ko kung ano

  ang nakita ng puso sa'yo

  dahil nabihag mo ito ng husto

  kahit ako'y nasaktan mo

  heto pa rin ako't nagmamahal ng todo-todo

Bakit ba kay hirap mo'ng kalimutan

  ika'y laging sumisiksik sa isipan

  sa pagtulog ika'y napapaniginipan

  para sakin ang limutin ka'y suntok sa buwan

Bakit ba ksi iniwan mo'ng nag-iisa

  ngayon tuloy lumuluha

  ang puso ko'ng kawawa

  di mo ba batid

  kabiyak ka ng aking dibdib

  at ng ako'y iyong lisanin

  katumbas nito'y kamatayn rin

Sa aking mga mata

  palaging dumadaloy ang luha

  habang pabalik-balik sa gunita

  masasaya nating ala-ala

Nang sa akin ika'y manlamig

  dinanas ko'y higit pa sa taglamig

  di ko na makayanan

  ang sakit na nararamdaman

  palagi na lang nakatingin sa kawalan

  talagang wala ako'ng ligtas sa pagiging luhaan

Higit p a sa latigo

  ang sakit na dulot mo

  sana'y naging manhid na lang ako

  nang di na nararanasan 'to

Saan ba ako nagkamali

  pagkawala mo'y napakadali

  di ko man lang namalayan ang kasawian

  na akala ko'y di ko na mararanasan ... :'(

POEMS.POEMS.POEMS♥♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon