Sa araw araw-araw na nakikita kita
Puso ko'y balot ng pangamba
HIndi maintindihan ang nadarama
Sa'twing nasusulyapaan ang iyong mga mata
Araw-araw hinahangaan kitaSubalit nadarama ngayo'y kakaiba
Tila hindi paghanga na lang ang nadarama
Pakiramdam na di ko gusto
Hindi ako pwedeng mahulog sa'yo
Sapagkat alam ko, iba ang gusto mo
Hindi ako, at kailanma'y di magiging akoHinangad ko'ng ika'y iwasan
Subalit bakit tila plano'y di maisakatuparan?
Hindi ka maalis sa puso't isipan
Sadyang masakit magbiro ang kapalaran
Hindi ko inaasahang ika'y mamahalin ko
Akala ko'y nadala na ako
Sa lahat ng kasawiang naranasan ko
Ngunit heto na naman ang baliw na puso ko
Kahit ilang ulit ng nasaktan ay di pa rin natututoPaano na ako ngayong minahal na kita?
Dadaloy na naman ba ang walang patid na luha?
Ang sakit isiping di mo ako kayang mahalin
Palagi na lng ba ako'ng masasaktan ng palihim?
Author's Note:
heyyyaaa readers.! hmmm this poem is dedicated po mga taong sawi :(
sorry po kung medyo malungkot amg mga poems ko ngayon... Sinusulat ko lang kasi ang mga nararamdaman ko.. hehe but still, I hope may nakaka relate pa rin neto.. di bale, baka next chappie ay masaya na ang ma publish ^_^
BINABASA MO ANG
POEMS.POEMS.POEMS♥♥♥
PoetryAll about love po ang concept ng mga poems na isusulat ko.. and I'm updating this bale one poem per chapter.. enjoyyyyy :) ~BrezisShayne♥