Chapter 5

15 3 0
                                    

“Alexis!” pabulong na sigaw ni Lienne sa likuran ko.

“Alexis!”

Hindi ko pa rin nilingon at hinayaan ko lang. Paano ko ba siya lilingunin kung nakatitig na sa akin ang professor? Baka mapagalitan pa ako!

“Alzhie—”

“What's going on there, Miss Lorenzo?”

Sinasabi ko na nga ba!

“A-Ah, Sir! Magtatanong lang po sana ako about sa activity. We're groupmates po, Sir.” Palusot niya na ikinapikon ko na.

What the?!

Ako? Magkagrupo pa kami?

Baka mamatay na ako sa konsumisyon sa kaniya!

“Ano? Hoy, hindi tayo magka—”

“Okay. But listen to me first. I will explain the guidelines.” Bumalik na ulit sa pagtalak ang professor at natahimik naman ang nasa likod ko.

Hindi na ako nag reklamo at ise-save for later ko na lang ang inis ko bago pa ako ang palabasin.

Hindi na rin naman nagtagal ay natapos din ang session. Si Lienne naman ay nasa likod ko pa rin nakasunod palagi.

“Alexis!” tawag niya. “Magkagrupo na tayo ha! Alam na ni Sir yun!”

Napa-face palm na naman ako sa pagiging manipulative niya.

“Oo na! Gosh, Lienne Lorenzo!”

Umabot ako sa cafeteria at nadatnan ko ang lipon ng mga estudyanteng nagsisiksikan sa gilid.

Ngunit bago pa ako makalapit ay naunahan na agad ako ng nasa likod ko.

“Tabi! Ano iyan? Ano meron?” nagsisigaw na usal ni Lienne. Ako na ang nahihiya para sa kaniya!

“Ah! S-Si Rios.” Rinig kong sagot ng babae.

Hindi ko nalang pinakinggan ang iba at umalis na rin agad. Ang daming nagsisiksikan. Artista ba iyang nandiyan?

Umalis na ako pagkatapos bumili. Habang papalabas ay nadaanan ko pa si Lienne na nakikichismis pa rin. Siya na ngayon ang nasa harap kasi halos ulo na lang at kalahating katawan ang nakikita ko sa kaniya.

Naglibot-libot ako sa mga gilid ng buildings. Ang lawak ng school na to.

Napadpad pa ako sa tahimik na side ng building. Hindi katulad sa mga nasa libro na parang may garden, ito kasi ay parang tirahan na ng mga multo.

Tahimik pero hindi naman madamo. Tanging mga dahon lang ng puno ang nagkalat sa paligid.

“A-Ah... Aish!”

Napalingon-lingon ako nang may mahagip ang tenga ko.

“Ah... Ouch!” Mga daing galing sa kung saan!

Na curious na ako kaya hinanap ko.

Napagtanto kong malapit ang tunog sa may malalaking puno.

“A-Ah... Fuck—”

Nanlaki ang mga mata ko sa naabutan ko.

“A-Anong ginagawa mo?” gulat na tanong ko.

“Ikaw?” Napangiwi pa ito.

“Anong ako?”

“Anong ginagawa mo rito?”

“Puwesto ko ito. Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan.”

Tumayo siya. Tuluyang nalaglag ang panga ko nang nakita kong may dumadaloy na pulang likido sa braso niya.

“A-Anong nangyari sa kamay mo?”

Frialde Series 2: Mask of Secret ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon