4 ~ EXCEPTION

8.2K 625 56
                                    

CHAPTER FOUR

AS expected, Nathan can't look at me in the eyes. Masama rin naman ang loob ko sa kanya dahil sa ginawa niya sa akin kahapon kaya ayaw ko rin siyang pansinin.

Nawala na rin ang pamumula ng braso ko. It's not my fault that I don't want to be in a relationship with him anymore. Dapat ay tinanggap niya agad ang desisyon ko at ni-respeto. Hindi 'yong magagalit siya at nasaktan niya pa ako. Mas lalong ayoko na sa kanya. Kahit pagkakaibigan, ayaw ko na rin.

"Hindi mo pala alam na may banda sila? Ilang taon na rin. Libangan lang nilang magkakaibigan 'yon."

Nang sabihin ko kay Yusef ang tungkol sa pagpunta ko sa bahay nila Silvano at ang pagpanood sa practice kahapon, hindi na nagulat ang kaibigan ko.

"Kaya nga ayaw ni Trevor na umuuwi sa kanila lalo kapag nandoon ang Papa niya dahil palagi silang nag-a-away. Mahigpit kasi si tito Efrain. Pati ang music band na libangan niya lang, big deal kay tito."

I got interested about Trevor's life. When I got home last night, I stalked him on social media. He's not active though. Kaya wala rin akong napala. Mas may makukuha pa akong impormasyon galing kay Yusef. Lalo na tungkol sa pamilya niya at kung bakit ba siya naglayas o nagrerebelde.

While holding my umbrella to protect my skin from the heat of the sun, I glanced at the football field. May mga player pero wala si Trevor.

Nagpasundo ako kay Delfino kagabi dahil ayaw kong ihatid ako ni Trevor kahit pa nag offer siya.

Gusto ko sana siyang iwasan dahil parang nagiging crush ko na siya, pero hindi ko naman magawa. Baka nagkakamali lang ako sa nararamdaman ko.

Katatapos lang namin mag lunch ni Yusef. Kaya sa likod ulit kami ng Gym magpapalipas ng oras bago ang susunod na klase. Mas ma-presko kasi sa lugar na 'yon dahil may malalaking puno.

"Inaaway na naman nila si Charlotta. Tignan mo." Yusef elbowed me to get my attention.

Sa isang bench sa lilim ng punong acacia, nakaupo ang babaeng may alon-alon na buhok na ang kulay ay parang may pagka-caramel; nabubuhay ng husto kapag nasisikatan ng sinag ng araw. Sa harap niya ay dalawang pangit na babae kung ikukumpara kay Charlotta. Nakapameywang pa talaga sila.

"Dito siya kumakain kasi hindi siya pinapayagan kumain sa canteen. Ah! Kawawa!" Pang-aasar nila kay Charlotta at tumawa pa ang mga Grade 9 student.

Terra Charlotta is one of the pretty faces in our school. Kaya lang, marami pa rin ang may ayaw sa kanya o hindi siya tanggap dahil sa Sitio Verde siya nakatira. Sa bundok na halos isang oras yata ang lalakbayin bago makarating sa kapatagan. Ang mga tao roon ay namumuhay sa kung paano namuhay ang mga lumang tao. They are outdated and most of them are illiterate.

"Ang sabi, mangkukulam daw ang lola niya. Totoo kaya 'yon?" Yusef whispered in a curious way.

My forehead knotted.

Matagal nang paniniwala ng mga tao sa labas ng Sitio Verde na ang ibang matatandang naninirahan doon ay may kakayahang mangulam, manumpa at mayroon din mga albularyo.

"Hindi ako naniniwala sa kulam kulam na 'yan, Yusef."

Naglakad kami papunta sa isang bench na walang tao. Hindi ko na binalikan ng tingin si Charlotta.

May pagkakataon na nakita ko na siyang inaaway ng ibang estudyante pero hindi siya gumaganti. Medyo naiinis ako dahil masyado siyang mabait. Kaya tuloy hindi tumitigil ang mga nang-a-away sa kanya. Nakakalungkot din na wala talaga siyang kaibigan. Madalas ay mag isa siya.

Natanto ko na hindi nga talaga patas ang buhay. Noong nakaraan lang ay may masaya at kumpleto akong pamilya. Pero nagising nalang ako isang araw na may sakit ang mommy ko, palaging wala ang daddy ko, at unti-unting natitibag ang pundasyon ng haligi ng aming tahanan.

La Carlota 2: Behind the RaindropsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon