Ambon

26 2 3
                                    

I'm a pluviophile. Pero ayoko sa ambon. Bitin kasi. Muntik nang maging ulan pero hindi natuloy. Parang ikaw at ako, muntik nang maging tayo, pero hindi natuloy.

I can still remember the first time we met. Tirik na tirik yung araw nun. Tapos pagbaba ko ng jeep, biglang umambon. Bigla mo kong nilapitan, at pinayungan. Kasi sabi mo masamang maambunan. Kasi kahit mahina lang yun,  magkakasakit ako.

Tinanong mo kung taga saan ako, at nakakatawa kasi taga doon ka din. Kaya nag offer ka na ihatid ako sa 18th kahit na taga 4th ka lang. Syempre hindi na ko nag inarte pa.

Kinabukasan, nandun ka nanaman sa babaan ng jeep. Kahit hindi umaambon, nilapitan mo ko. Imbes na payungan, inabutan mo ko ng Coke kasi sabi mo baka nauuhaw na ko. Sabay nanaman tayong naglakad at inihatid mo nanaman ako kahit hindi naman kailangan.

Araw-araw, ganyan ang eksena natin. Nasasanay na rin ako na may naghahatid sakin pauwi kahit dati ay natatangahan ako sa logic ng mga babae na nagpapahatid pa pauwi. Akala mo hindi nila alam yung bahay nila. Pero nakakaganda pala kasi talaga yun. Na may taong may pakialam bukod sa mga kasama mo sa bahay kung nakauwi ka ba ng ligtas.

Araw-araw ganun tayo. Hanggang sa naging buwan. Isa, dalawa, tatlo, apat. Hanggang sa hindi ko na namalayan na nahuhulog na pala ko sayo. Yung nararamdaman ko para sayo, parang ambon, hindi ko alam kung kelan nagsimula, pero alam kong may katapusan.

Pero sabi mo, hindi naman lahat ng ambon natatapos agad. Yung iba lumalakas at nagiging ulan. Sabi mo gusto mong maging malakas na ulan. Kaya tinanong mo ko kung gusto ko bang totohanin to....

Hindi ako sumagot kahit gusto kong umoo. Kasi kahit nagpapakasaya ako, hindi ko nakakalimutan isiksik sa utak ko na "Hindi to magtatagal. Matatapos din to." Kaya dapat ngayon pa lang itigil na. Pero talagang suwail ang puso. Bingi sa pangaral ng utak. YOLO daw eh kaya ipinagpatuloy kong magpakasaya sayo.

Habang tumatagal, mas nakikilala kita. Mas nagugustuhan kita. At sa tingin ko minamahal na kita. Ikaw at yung mga tawa mo pag magkasama tayo. Yung boses mong pang The Voice pero ringtone lang ng cellphone ko. Yung mga jokes mo na kahit corny pinupush mo pa din mapangiti lang ako. Minahal ko lahat ng yun pati na din yung mga kapintasan mo. Na nagtatampo ka kapag hindi ako agad nakakapag reply. Na nagseselos ka sa mga lalaking nakakaclose ko kahit lalaki din ang hanap nila. Na nagagalit ka kapag nagpupuyat ako kasi gusto mong sabay tayong matulog kapag alas nwebe y medya na ng gabi dahil hanggang doon lang ang puyat na kaya mo.

Habang mas nakikilala kita, dumadalas na din yung paghiling ko na sana wag munang matapos. Na sana computer shop lang ang kwento natin o kaya ay load at pwede pang ipa extend.

Pero hindi nakikisama yung panahon. Kasi kung kelan naman gusto kong sabihin sayo na mahal na kita, saka ka nawala.

Nagpakalayo ka kasi sabi mo gusto mong mag-isa. Pero bakit bumalik kang may kasama?

Okay naman tayo ah? Bagay nga tayo eh, pangalan pa lang meant to be na. Ako yung Rain, ikaw yung Drizzle. Pero bat ka naghanap ng iba? Nasawa ka ba kasi marami tayong pagkaka pareho? Kaya ba mas pinili mo sya? Kasi hindi sya madaldal gaya ko? Kasi hindi sya balasubas kumilos katulad ko? Kasi nakakatawa sya ng naka mute di katulad ko na walang preno humagalpak? Yun ba? Yun ba yung nagustuhan mo kay Sunshine? Sabagay opposites attract.

Sana pala dati pa nakinig na ko. Na dapat hindi ako nagpapa ambon. Kasi magkakasakit lang ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 13, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

OnesiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon