Cade’s POV:
“Hi Miss” I said and winked at her but she just looked at me with her blank expression. “Manong, pakibilisan na lang ho.” Sabi nya dun sa driver. Bakas sa mukha nya ang pagka…uhhh…taranta?
*****
Nang makarating kami sa building, well… dito din ang unit ko, kumaripas sya papuntang stairs pagkababa nya sa taxi. Sobrang pagmamadali nya cguro hindi nya na naisipan pang gamitin ang elevator.
Nagtungo naman ako sa may parking para kuhanin ang mga gamit ko sa sasakyan. Pinakiusapan ko na lang si Reid na dalhin dito ang Honey ko at swerte akong pumayag sya. Ganda siguro mood nya. LOL!!
Pagpasok ko sa unit ko, inilapag ko na ang mga gamit ko sa may desk at dumiretso na sa banyo para mag-shower. Habang pinapatuyo ko ang buhok ko sinuot ko na ang boxers at shirt ko, sinindihan ko naman ang TV. “Cool, sakto lang pala pagbukas ko eh.” Dahil kakasimula pa lang ng race.
Yeah, I’m a fan of racing, Formula 1 to be specific. Kung di lang cguro ako Architect malamang isa na akong driver sa F1.
Habang nanonood ay tinuloy ko na din ang mga plate na kailangan kong ipresent this Saturday kay Mr. Fuentes.
“Wednesday pala ngayon, I only have 3days left to finish all these plates.” Sabi ko sa sarili ko habang nakatitig sa calendar. I only need to draw them kasi I already have the idea of the design in my mind.
“Fck! Tanga naman oh! Maninira pa tlga ng race ng iba.” Bigla akong napasigaw ng marinig ang sinabi ng commentator, pinagpatuloy ko naman ang pagddrawing habang paminsan minsa’y sumisilip sa may TV.
Replay na nga lang pala ang pinapanuod ko dahil hindi ako nakapanuod noong Sunday. I was on a business trip that time.
*****
After finishing 3 plates in like 5hrs, I went to my kitchen to check for something to eat but found nothing. “Shit! Nakalimutan ko palang mag-grocery nung isang araw. Aish~” So I decided to go out and buy myself something to eat.
Naglalakad ako sa hallway ng building nang makasalubong ko ang pinsan kong si Damien kasama si… “YOU?!” I pointed my finger to her wearing a grin on my oh so handsome face (vain ba? Tss..) “Huh? Me?” tanung nya na may pagtataka..
“Hey bro!” bati naman ni Damien sa akin sabay tapik sa balikat ko bago ko pa sagutin si Miss.
“Oh! Hey Damien, what are you doing here? Since when did you come back?” I asked him with a puzzled look. Ang pagkaka-alam ko kasi 1year syang nasa Taiwan. Ewan ba anong ginawa nya doon.
“I just moved here yesterday. I was so busy that’s why I forgot to tell you.” Sabi nya habang akbay pa rin ung babaeng takas ata sa mental? o.O mukhang hindi mapakaling lingon ng lingon kahit saan eh.