-6

0 0 0
                                    

~CANTEEN~

Naririndi na ako sa dalawang kasama ko. Panu ba naman puro nalang tilian about sa anim na mga lalaking dumating kanina sa room namin.

Guess what hindi lang sila kundi halos lahat ng mga babaeng nandito sa canteen. Wala ng ibang ginawa kundi magtilian

Panu ba naman kasi ung anim na lalaki nakapwesto sa may bandang harap kaya hindi magkadamayaw ang mga babae dito. Anu bang mapapala nila sa mga lalaki na yan. Hindi naman yan mawawala eh.

"Ang gwapo talaga nila" tili ni Zekem na may pahampas hampas pa sa balikat ni layrence.

"Oo nga, sana jowain nila ako kahit taga sunod nalang sa kanila" sagot naman ni layrence.

Haynaku.

Tinamaan nga talaga tong dalawang to.

Well kung ako ang tatanungin wala akong paki sa mga yan. Lalaki lang yan. Marami pa namang iba diyan.

"Hoy girl, ang gagwapo nila nuh, sinong bet mo sa kanila?" tanong sakin ni Zekem

Kunot noo ko silang binalingan. So kailangan bang may bet sa kanila. Di ako nainform ha.

"Wala girl, tsaka di ko naman kilala mga yan eh" sagot ko saka binaling ang atensiyon sa pagkaing nasa harap ko.

Isusubo ko na sana ang sandwich na inorder ko ng biglang mas lumakas ang hiyawan ng mga babaeng nandito sa canteen.

Tinignan ko kung ano ang pinagtitilian nila.

Kaya naman pala eh.

Panu ba naman kasi may concert pala dito eh, di naman ako nainform edi nakaready sana ako. Charizz

Dalawa sa anim na lalaki ang nagpapasikat ngayun. Oo pasikat sila. Alam ko namang gusto lang nila makuha ang mga atensiyon ng mga babae dito.

Yung isa naggigitara, tas yung isa kumakanta.

Napansin kong nagsilabasan ang mga cellphone ng mga taong nandito at agad naman nilang Vinediohan ang nangyayari. Na para bang isang malaking sayang sa kanila pag hindi nila vinediohan.

Napako ang atensiyon ko sa lalaking nasa tabi nila. Yung lalaking unang pumasok kanina sa room.

Seryoso lang expression nito na para bang walang paki alam sa nagaganap.

"Gurl tara lapit daaaaalii" tarantang wika ni Zekem.

"Sige tara para mavideohan natin ng maayos" sagot naman ni layrence.

"Halika gurl sumama ka samin" anyaya sakin ni zekem.

Tatanggi palang sana ako ng hatakin niya na ako sa kaliwa kong kamay. Jusko pati ba naman ako idadamay pa nila sa kalandian nila.

Wala na akong nagawa at nagpatianod nalang sa hatak ni zekem.

Hindi ko namalayang huminto na pala kami malapit sa kanila. Wala na akong nagawa kundi panoorin nalang din ang kumakanta sa harap.

Nakatitig lang ako sa dalawang lalaking nagpeperform.

Yung lalaking kumakanta ay damang dama ang mga lyrics na binibigkas niya. Magaling siyang kumanta at talaga namang nasa tono.

BEFORE YOU GOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon