Isang malakas na pag salpok ang umalingawngaw sa kawalan ng gabing iyon
"Aaaaaah!!!!", paos na sigaw ng isang tinig
Kasunod non ang tunog ng paparating na paramedics. . . .
Sa ospital
Nagulantang si Prince sa balita sa kanya, kausap nya ngayon sa telepono ang isang paramedics
Josephine . . . Josephine . . . Josephine . . .
taranta nyang kinuha ang susi ng kanyang motor at pinaharurot sa isang ospital. Don naabutan nya isinasalin pa si Josephine sa stretcher agad sya sumabay sya sa mga ito.
"Are you a family?", tanong ng nurse.
"Opo, I'm her legal guardian", sagot nya rito.
"Ano pong nangyari?", takot nyang tanog dito.
"Bumangga siya sa truck na nasa kabilang lane at wala syang ibang kasabay sa lane na tinatahak niya at yon ang pinag tataka ng driver ng truck", sabay baling ng nurse sa driver na nasa gilid na upuan sa may emergency area.
Nangangatog ito sa takot.
"Hindi ko po alam ang nangyari, nasa tamang lane po ako,"hagulgol nito.
ito ba yong gusto mong pagusapan natin Jo? sana kinuha nlng kita kanina
"Come on, Jo . . . . breath for me", bulong na sabi nito sabay lakad-takbong sabay sa stretcher dahil sa bilis ng pagkakatulak.
"Hanggang dito nalang po kayo Sir", sabay patuloy sa pwesto na bakante sa E.R.
Napasabunot si Prince sa kanyang buhok
God please save her . . . .
Bago mangyari ang lahat-lahat ay bumalik muna tayo sa pinag mulan.
Isang gabing nag babadya ang ulan ay di mapakali ang utak ni Josephine sa pag iisip. Dahil sa isang imahe sa kanyang utak na lumilitaw na parang kilala niya na parang hindi. Gaya ngayon binabaybay nya ang daan patungo sa kanyang matalik nga kaibigan sakay sya nga kanyang bigbike. Iniling nalang nya ang kanyang ulo pra ma balik sya sa huwisyo, sabay hawak ng kanyang kwintas - bigay pa ito sa kanya ng kanyang kanunununuan- at bumuntong hininga. Napa pitlag siya ng para bang may lumapit sa kanyang mukha, ito ay mukha ng biglang lumilitaw sa kanyang utak. Parang sumisigaw ito, hanggang sa luminaw at pasigaw nitong tinawag ang kanyang pangalan. Kasabay nito ay ang isang nakabubulag na liwanag na di nya maaninag kung saan ng gagaling.
Sa waiting area ng E.R ay di mapakali sa paglalakad ng paroo't parito si Prince. Napahinto lng sya ng makitang lumabas na ang dokto ra pwesto ni Josephine.
"Kamag anak?", tanong Doctor
"Legal guardian po", sagot ni Prince
" How is she Doc?, ""Okay naman sya stabilize na ang heartbeat nya, but still unconcious, we will run some other test to make sure", sagot naman ng Doctor
" Gawin nyo ang lahat Doc", tungon nito
"We cannot promise anything to you right now, but we are doing the best we can", sabi nito
"Salamat Doc", buntong hininga nito.
PRINCE POV
Dalawang araw na ang lumipas mula ng mangyari ang aksidente, 'di parin ito nagigising dahil na comatose ito. Pinalipat na niya sa private na room si Josephine, anything for her bestfriend.
Napaupo siya sa silya sa tabi ng kama nito.
"Kumusta ka na Jo? Alam mo ba miss na miss na miss na kita . . . . sorry ha? di dapat kita pinabayaan eh . . . .", sabay singhot nito " It's all my fault, kung di sana kita hinayaan sa mga gusto mo di sana'y okay ka ngayon, wala ka rito, kumakain tayo ng paborito mo," dahan dahang tumulo ang luha kanyang luha "Pero anong magagawa ko, bestfriend kita eh, lab na lab kita kaya di kita matiis,. . . Kaya eto tayo ngayon naka higa ka dyan, tigas kasi ng ulo mo eh", sabay patawang pinunasan ang luhang tumulo sa kanya pisngi " ako andito nag hihintay na gumising kana", sabay haplos ng pisngi nito " Be wag mo akong iwan huh lalaban ka, lalaban tayo . . . diba yon yung pangako mo", sabay hawak ng kamay nito na parang naka holding hands
" Maghihintay ako Be, kahit gano katagal . . . lumaban ka lang", sabay halik ng likod ng kamay nito
Naalimpungatan siya sa kanya pag idlip sa may sofa nga private room ni Josephine, nga sumigaw ang nurse.
"CODE BLUE! CODE BLUE!" nag mamadaling sigaw nito
Code blue? napabalikwas siya sa pagkakahiga at mabilis na lumapit dito sabay hawak ng kamay
Jo wag namang ganto, please mabuhay ka. Mahal na mahal kita, di ko pa to naamin sayo. Mabuhay kalang gagawin ko lahat Jo sabay tulo ng mga luha nito.
"I need you to step away for a moment Sir, we need to do the procedure", seryosong sabi ng nurse
Agad naman niyang sinunod ang sabi nito at lumabas ng kwarto. Napasandal siyang sa dingding at dahan-dahang napausos sa sakit ng nararamdaman. Wala siyang magawa, wala siyang maitulong man lang sa kanyang tinatangi.
BINABASA MO ANG
The Other Josephine
FantasyAno ang magiging reaksyon mo kung biglang lumipat ang kaluluwa mo sa isang tao na ibang-iba sa iyong pagkatao? Tatanggapin mo ba ito? PAALALA: ANG MGA PANGALANG NABANGGIT SA KWENTO AY HAKA-HAKA LAMAN PO. ANG MGA LUGAR AT PANGYAYARI AY SKEMEDO PAPA...