Chapter 1

3 0 0
                                    

"Nang, gisinggg! Araw ng lingo ngayon! tara magsimba tayo!" Napabalikwas naman ako ng bangon dahil sa panggigising sakin ng pinsan kong ito.

"Dapat ba talagang magsimba ka ngayon o magpatingin sa Doctor?" saad ko sa kanya.

"Bakit nang? wala naman akong sakit ah." Patanong na sagot nito habang kamot kamot ang ulo.

"Wala ka ngang sakit pero nakakapanibago, ang aga mong gumising at ang aga mo ring nambwesit para mag ayang magsimba." nakangising sabi ko sa kanya.

"Eh kasi nang may ituturo akong leles sayo doon hehe" namumulang sambit nito.

"Parang tangang kamatis ka diyan. Tara na nga at makapagbihis nadin ako."

Tumayo na ako at inayos ang gusot kong kumot at unan. Simple lang ang ayos ko ngayon pero presentable. Plain white polo sleeves at jeans lang ang suot ko sasamahan ko nalang ito ng puting sapatos.

Ibinukas ko ang ilaw sa sala at humarap sa salamin. Habang sinusuot ang relong kinuha ko sa maliit na drawer kanina, tinitigan ko ang aking sarili sa salamin. Naaalala ko na naman si mama, siya ang nagbigay nito sa akin. Kailan ko kaya siya mayayakap ulit? Halos limang taon na nung huli ko siyang nayakap at nahalikan.

"Nang?"

Muntik na akong mapatalon at makasuntok ng bwesit sa umaga ko!

"Ano ba Gia?! Kailan kaba titigil sa pangbubwesit ng umaga ko?! Muntik nang humiwalay sa katawan ko yung kaluluha ko eh!" pasigaw kong sabi sabay batok sa pinsan ko.

"Arayyyy! Nang nacurious lang naman ako sayo eh! Natutulala ka na naman kasi sa sarili mo diyan sa salamin. Namimiss mo na naman ba?" sagot niya habang hinihimas ang batok niya.

"Kanina oo namimiss, ngayon mas gusto nalang kitang suntukin! Tara na nga at baka mahuli pa tayo sa pagsisimba." sagot ko at pumanhik na kami sa simbahan.

Ako nga pala si Harper Treska Aliparo , labing walong taong gulang. Pinanganak ako sa maliit na isla ng Guimaras, matatagpu-an ito sa Visayas, medyo malapit lang kami sa Iloilo (ang City Of Love ng Pilipinas). Sa Probinsya namin matatagpuan ang pinaka natural at pinakamatamis na mangga sa buong mundo, marami naring mga turista at artista ang pumapanhik sa lugar namin.

Isa akong Bisexual, nagkakagusto ako sa parehong kasarian. Kasalukuyan akong nag aaral sa Senior Highschool dito sa lugar namin at sa paaralan namin ako nangbibingwit ng magagandang babae HAHAHA, oo nagkakagusto din naman ako sa lalaki pero wala akong intensyon na makipagrelasyon sa ngayon.

"Nang doon tayo sa gitna umupo sa bandang kanan para maituro ko sayo yung leles na tinutukoy ko" saad ni Gia.

"Sige, may magandang leles din akong ituturo sayo" ngising sagot ko sa kanya. Sa katunayan niloloko ko lang itong si Gia, wala naman talaga akong ituturo doon HAHAHAHA.

"Talaga nang?' tanong nito at tumango nalang ako bilang pagsang-ayon.

Si Gia,babaing pinsan ko sa side ni papa. Bisexual din siya at mas maharot kaysa sakin HAHAHAHA mas bata siya sakin ng tatlong taon. Nang or manang tawag sakin ng mga pinsan ko, ibig sabihin samin niyan ay "ate".

Nagsimula na ang pagsisimba, nakaluhod ako at nakapikit para manalangin ng may maramdaman akong may humihila sa damit ko.

"Psst nang, siya yun oh!"dinig kong pabulong na sabi ng humihila sa damit ko kanina,na tiyak ko namang si Gia iyon.

"Gia pwede ba mamaya nayan,patapusin mo muna akong manalangin rito" mahinang sambit kong nakapikit parin.

Pagkatapos manalangin ay naupo na kami ng maayos.

"Sino ba diyan sa tatlo Gia?" tanong ko rito.

"Yung nasa kanan nang" nakangiting sagot niya.

Para sakin maganda naman yung itinuro nitong si Gia, ang tangos nga ng ilong nito.

"Eh nang? saan diyan yung tinutukoy mo? biglang tanong niya.

Oo nga pala, sinabi ko nga pala dito kay Gia na may ituturo din ako. Nataranta ako bigla. Paano kung sabihin ko na sa highmass pa naga serve yung leles na tinutukoy ko? Eh kaso pag iyon yung sinagot ko, baka di pa ito umuwi at pagsimbahin pa ako hanggang highmass.

Naglibot ako ng tingin. Tatlong leles ang andito ngayon, yung isa tinuro na ni Gia. Yung natira may maikli at mahaba ang buhok, parehong nakasuot ng mask.

"Nang? Sino diyan?" nakangising sambit nitong katabi ko.

"Ah hehe, yung ano... Yung may maikli ang buhok!" sagot kong medyo napataas ang boses.

"Shhhh"

Nilibot ko ang aking paningin at yumuko. Nakatingin silang lahat sa amin! Putch@ nakakahiya!

Inangat ko ang aking tingin sa altar ngunit itong mga malilikot kong mata dumapo sa leles na tinuro ko kanina kay Gia.

Nagkatinginan kami. Yung hooded shape niyang mga mata... yung parang villain ang dating...nakakaakit.

Tumunog na ang kampana, simbulo ng pagtatapos ng pagsisimba. Nang matapos na ang huling panalangin na ang ibig sabihin ay pwede ng lumabas sa simbahan, hinila ko kaagad si Gia para makauwi na at makatakas sa kahihiyang ginawa ko kanina.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 09 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Breaking Traditions: loves journey from altar to foreverWhere stories live. Discover now