PROLOGUE

4 0 0
                                    

I never thought this life would be like a hell. Every second, every minute, every hour, everyday, i always think that its all just a dream to me. Tumutulo ang luha sa sakit ng nararamdaman ko. Hindi ko inakala na, ngayon na pala siya mawawala sa akin. Akala ko, makakasama ko pa siya.




Nagpapahid ako ng luha habang nakatingin kay demri. Yung pusa kooooo!!!




Akala niyo kung sino nuh? Hahahaha!!!




Siya si demri. Yung pusa ko. Yung laging nasa tabi ko palagi. Yung pusang kahit umiiyak ako, siya lang yung nasa tabi ko. Wala naman kasing ibang nag cocomfort kundi yung pusa ko lang naman eh. Ako yung tipong di mahilig humanap ng kaibigan. Inshort, introvert ako.




Nandito ako ngayon sa likod ng bahay kung saan ako nakatira. Bahay siya na parangboarding house.? I dont know. Basta madami kaming nakatira dito. Di ko kilala ang ibang babae dito dahil kahit matagal na ako dito, di ko naman sila pinapansin. Pero sila? Namamansin naman pero hanggang greetings lang naman atsaka tanungan lang.




Naghukay ako para mailibing ko na si demri. Nakakalungkot lang dahil siya yung nasa tabi ko lagi kapag mag isa ako o kaya may dinadamdam ako. Syempre iniyakan ko na dahil napamahal na sa akin si demri. Yung pusang nandyan para sa akin lagi. Napamunas na naman ako ng luha. Di ko talaga akalain na mawawala na talaga siya.




Galit ako. Galit ako dahil sinasagasaan siya ng kotse na kahit alam niyang may pusa sa daan, pinaharurot niya pa. Kitang kita ko yun dahil bago mangyari ang lahat, nakayakap pa ako kay demri nun sa kwarto ko tas bigla na lang umalis at pumuntang bintana tapos bigla na lang tumalon ito. Syempre, sinundan ko siya.




Dumaan din ako sa bintana, gamit ang reflexes ko sa paa at kamay, agad akong tumalon malapit sa sanga ng puno. Ibinalansi ko yung katawan ko sa sanga para hindi ako sumabit. Dahan dahan akong bumaba sa puno at nang makita kong okey na yung taas, agad akong tumalon sa ibaba. Agad kong sinundan si demri dahil kinakabahan ako na di ko maintindihan.




"Demri!!!" Sigaw ko. Nanlaki ang mata ko sa nakita. Mabilis na tumakbo yung sasakyan kaya nasagasaan si demri. Napatulala ako sa nakita ko.




'N-no!' Sigaw ng isip ko. Agad tumulo yung luha ko sa nakita ko at tinakbo si demri.




Dun na nagsimula ang paghihinagpis ko sa pagkawala ni demri.

Ace of HeartsWhere stories live. Discover now