A Sad Farewell ...

254 3 1
                                    

Merong Isang Kwento Sa buhay Ko Na lubos kong pinagsisisihan.

 . Gusto kong mabalik ang kahapon.. Para magawa ko ang mga bagay na dapat ay nagawa ng isang katulad ko...

                   Ako nga pala si Rina. Mabait, masunurin, matalino at maganda. Simple lang ang buhay ko , pero minsan sa sobrang kahirapan, kinakailangan kong magtinda sa skul. Nag-aaral nga pala ako sa Pampublikong iskuwelahan malapit sa bahay namin. Siyempre, palagi akong kasama sa "Top 10" pupils sa aming classroom. Kahit na Halos sobra akong nahihirapan sa araw-araw na away sa loob ng aming bahay. Nagsimula kasi ang lahat ng mamatay ang isa kong kapatid. Sobra nung naapektuhan si Tatay. Dinaan niya ito sa palaging pag-iinom. Pero hindi lang iyon, natutunan  Niya lahat ng bisyo na pwedeng makasama sa kanyang katawan. Simula oon palagi niya na lang kami pinapagalitan. Palagi din siyang umuuwi ng gabi galing sa inuman. Hindi din naman ako nakaka-usap ni mama dahil "busy" siya sa pagbebenta sa palengke. Sobra itong nakaapekto sa akin lalo na noong tumungtung ako ng second year.....

                  Naghahanap Ako ng pagmamahal at pansin. Dahil doon, natuto akong bumarkada. Dahil sa kanila sumaya ako pero simula nung bumarkada ako, bumaba lahat ng marka ko. Palagi akong napapagalitan sa bahay. Kasi, pakiramdam ko sobra akong nagbago. Sinisigawan ko na sila, inaaway at hindi na sumusunod lalo na kay tatay, na nuong panahon na iyon ay natuklasang may "lung cancer". Naiyak ako doon kahit papaano, hindi ko kasi alam kung saan kami kukuha ng pambili ng gamot niya. Pero kahit ganun, Hindi parin siya nagbago bagkus mas dumalas pa siya sa mga bisyo niya.......

                    Minsan, umuwi ako galing sa school, Naabutan ko sina nanay at tatay na nag-iinum kasama ang mga kaibigan nila. Napaiyak ako ng makita ko ang aking alkansya na basag at wala ng laman. Inipon ko kasi ang laman noon para pag na-ospital si tatay may pangpagamot kami. Lumapit ako sa kanila at sinipa ang lamesa sa harap nila. Sinigawan ko sila at pinagdabugan. Hindi ko lubos na maisip na maisip kung paano ko iyon nagawa.

Simula noong araw na iyon, mas lalo akong nagbulakbol. Hindi na ko nauutusan at tumutulong sa bahay. Pero kahit ganun hindi pa rin nagbabago ang tatay ko. Kaya mas lumaki pa ang galit ko sa kanya. Kasi wala na siyang naitulong sa pagtatrabaho para sa amin tapos nagiging problema pa siya. Ni minsan sa buong buhay ko, hindi ko pa siya nasasabihan ng "Mahal Kita Tatay". Kasi halos hindi naman kami nakakapag-usap pwera lang kung pinapagalitan ko siya o sinisigawan.

                     Isang tanghali, wala kaming pasok, nagmamadali akong magbihis sapagkat gagala pa kaming magbabarkada. Nainis pa ako kay tatay sapagkat sobrang lakas ng ubo niya. Kaya padabog akong umalis ng bahay. Nagitla naman ako nung sinabi ni tatay na agahan ko daw umuwi at mag-ingat kung san man ako pumunta.Unang "Time" na Kinausap ako ni tatay na maayos at naging "concern" para sa akin. Pero kahit ganun napasarap akong gumala sa Bagong tayung "Mall sa Bayan.

   Sa Daan, napagisip-isip ko na kailangan ko ng sabihan si tatay ng "MAHAL KITA TAY, KAHIT GANYAN KA! ". Kaya nagmadali na akong umuwi sa bahay. Nagtaka Ako kung bakit napakadaming tao sa tapat ng bahay namin ? Nagtatakbo ako, Hindi ko na inalantana ang putik sa daan. Nakita ko ang mga kapatid ko at si inay, umiiyak sa pintuan.... Lumapit ako sa kanila, balisang-balisa, at napaluha ako sa mga sunod na narinig ko:

           --  "Anak, Iniwan na tayo ng tatay mo."

Hindi ko alam kug anung gagawin ko, napaupo ako sa lupa at humagul-gol. Patay na si tatay. Hindi ko man lamang nasabi sa kanya ang mga gusto kong sabihin. Hindi ko alam na iyon na pala ang huli naming pag-uusap. Hindi man lamang ako nakahingi ng patawad sa lahat ng masama kong nagawa. Lumapit ako sa katawan ni tatay. Sumigaw ako at sinabing

 ---"TAY, ALAM MO ? MAHAL NA MAHAL KO PO KAYO ?PERO PARA SAAN PA. . .INIWAN NIYO NA KAMI, HULI NA ANG LAHAT!!!!. .

Ibinigay sa akin ng kapatid ko ang panyo at papel na galing kay tatay. Sinabi niyang pinabibigay daw iyon ni itay sa kanya bago ito namatay...---sobra akong lumuha sa mga nabasa ko :

  ------"Rina, Anak, iingatan mo ang mga kapatid mo pati na si nanay mo. Magbago ka na ha. Hindi ko na hahabaan ang sulat na ito. Kahit hindi ko masabi lahat-lahat, isa lang ang matagal ko ng gustong sabihin sayo "Kahit ganito ako, mahal na mahal kita at proud ako na kahit papaano ikaw ang anak ko.Palagi kang mag-iingat ha. . Alalahanin mo na, kung mawawala man ako, palagi akong andyan sa puso mo. Muli . MAHAL NA MAHAL KITA.

                                                                                                                    -tatay

             Super lungkot ko nung oras na iyon. Kaya simula noon, nagbago na ako, pati si nanay. Ginalingan ko Ulit sa pag-aaral. Ginawa ko lahat ng makakaya ko. Kaya grumaduate ako ng "Highschool" Na may mataas na karangalan sa iskuwelahan. Dahil doon madali akong nakapag-apply ng "scholarship" nung college. Naging inspirasyon ko si tatay. Hanggang nakapagtrabaho na ako. At kapag Naalala Ko Ang nangyari sa buhay ko, naluluha pa rin ako at sinasabing

 ----"Sana maibalik ko ang kahapon, para nasabi ko kay tatay kung gaano ako kaswerte na marinig ang mga salita na nanggagaling sa kanya at higit sa lahat.. "Mahal Na Mahal Ko siya. .

------------------------------

Please like and comment .. and become a fan thanks . :))

A Sad Farewell ...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon