Dosage of Serotonin

445 2 1
                                        

By: inksteady

Ang hirap palang tumanda

Ang hirap magbayad ng bills. Ang hirap suportahan ng pamilyang akala ay isang milyon ang suweldo mo. Ang hirap ngumiti sa nanay na mataas ang tingin sayo pero hindi ka kayang ipagtanggol. Ang hirap tabihan sa hapagkainan ng tatay na pinag-uubusan mo ng pera pero hindi ka maalala. Ang hirap mag abot ng tulong sa kapatid na baon sa utang. Ang hirap intindinin ng hipag na nakakapagpa rebond pa kahit kapos na kapos na. Ang hirap pakisamahan ng bunsong halos llahad ang mga palad tuwing makikita ka. Ang hirap ngitian ng mga taong tanong nang tanong kung bakit hindi ka pa nakakapag asawa. Ang hirap humarap sa mundong isasampal sa'yo na mag-isa ka.

Tulong, bigay, utang isang iling mo lang madamot ka na. Kasama mo sila kapag may maibibigay ka, pero hindi mo sila manahanap kapag wala na. Ikaw ang kakayod, sila ang tutuka. Ikaw ang iiyak sa pagod sila ang magtatamasa.

Iyon ang summary ng buhay ko. Sobra sobra ang naririnig na paghingi, kulang na kulang ang naririnig na pasasalamat. Sobra sobra ang pagpapasensya, kulang na kulang ang natatanggap na pagpapanatag. Sobra sobra ang binabayaran, kulang na kulang sa kasiyanan.

Kaya nang dumating sa buhay ko ang nag isang lalaking hindi ako nakita bilang naglalakad na alkansya, ang nag isang lalaking nakinig sa mahabang listanan ko ng problema, ang nag isang lalaking nagbigay sa akin ng kakaibang saya. Ipinangako ko sa sarili na sa gitna ng hirap ng pagtanda, magtitiis ako basta't siya ang kasama.

Kahit pa ang kapalit noon ay pagtalikod sa minahal na pamilya. Kahit pa ang kapalit noon ay paglaban sa mundongpinatatakbo ng kapangyarihan at pera. Kahit pa ang kapalitnoon ay ang pagdurusa't pag iisa.

Siya ang ginhawa pahinga at kasiyahan ko.

~~~~~
A/n: A MUST READ STORIES! It's one of the best, one of my fave I think. I'm too busy because of a lot of school work but I really made time for this to read. I cried really hard on this story and I don't want to spoil so just read it:) Thankies<3

Best Wattpad StoriesStories to obsess over. Discover now