CHAPTER 16

18 0 0
                                    

🔞Warning!!! This story is related to SPG, parental guidance is needed, because others here are sensitive themes, language, violence, and content SPG.

__________________________

RAIN P.O.V

SABADO na naman kaya sigurado akong dadagsain na naman kami ng mga tao. Napabuntong hininga na lamang ako ng mapagtanto kong sasayaw na naman kami. Akma na sana akong lalabas para mag handa ng biglang pumasok si Sir keifer, kasama si Nay Rian, na ngayon ay masama na ang tingin sa akin. Ano na naman bang ginawa ko sa baklang 'to.

"Rain, hindi ka sasayaw ngayong araw." Mabilis na sabi ni sir keifer sa akin na ikinagulat ko para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan ng marinig ko iyon pero deep inside kinakabahan ako. B-bakit kaya ayaw akong pasayawin ni sir keifer ngayon, hindi kaya nalaman nya na yung about sa Scandal na ginawa namin noong nakaraang araw, kaya ayaw nya na ako pasayawin kasi tanggal nako sa trabaho.

"B-bakit."Ayun na lamang ang lumabas sa bibig ko atsyaka tumingin sakanya ng nagtatakang tingin."A-alam nyo napo ba? kaya tinatanggal nyo na ako sa trabaho." Naiiyak kong sabi atsyaka yumuko para hindi nya makita ang paglaglag ng luha ko. Hindi ko akalaing nang dahil sa lintik na Scandal na iyon, mawawalan ako ng trabaho. Hindi naman sa mahal ko yung trabaho ko pero kasi itong trabaho yung kelangan ko para kumita ng pera, kahit saan pa ako mag work walang papantay sa sahod ng bar na ito. Kayang kaya ng sahod na ito bumuhay ng sampong pamilya.

"Ano bang sinasabi mo." Tanong nito na mas lalo kong ikinayuko.

"Sir hindi ko po iyon sinasadya, wag nyo po ako tatanggalin sa trabaho kelangan ko po kasi talaga ng pera---lalo na at pag aaralin ko ang kapatid  ko sa isa sa kilalang school dito sa Manila, kaya kelangan ko talaga ang trabahong ito." sabi ko gamit ang pahina ng pahina kong boses.

"Rain, ano bang sinasabi mo? hindi kita tatanggalin sa trabaho."Sabi nito na ikinagulat ko atsyaka tumingin dito ng nagtataka.

"K-kung ganon b-bakit nyo p--"Agad na naputol ang sasabihin ko ng marinig ko ang isang pamilyar na boses na ilang araw kong pinag puyatan. bwiset na 'yan andito na naman sya, ano na naman bang kelangan ng mokong na 'to sa'kin. Inis ko itong liningon na ngayon ay nasa pintuan na, prente lang itong naka sandal doon atsyaka nakataas kilay na nakatingin sa'kin.

"S-sir"Agad akong napa lingon kay Sir keifer ng marinig ko ang pasimple nitong pagtawa.

"Binili ka ni Thunder ngayong gabi kaya sakanya ka lang sasama at wala ng iba." Gulat na napatingin ako kay Thunder atsyaka bumaling muli kay Sir keifer at Nay Rian.

"T-teka? tama ba ako ng pagkakarinig?" naiinis na tanong ko sa mga ito."Sir, unfair naman siguro sa iba kong, kasamahan kung hindi ako sasayaw diba?" Hindi naman sa pagiging Chossy pero kasi baka pag initan na naman ako ni Andrea dahil sa ginagawa ng lalaking ito. Tsk kapag naalala ko talaga yong nakaraang araw diko maiwasang mainis. Bwiset na 'yan nang dahil sa lalaking 'to na nag ngangalang KULOG, napag initan na naman ako ng Andrea 'yon.

"Kung iniisip mo mga kasamahan mo, babayaran ko rin sila."Mabilis akong bumaling kay Thunder atsyaka siya binigyan ng nakakamatay na tingin. Tangina ng lalaking 'to nang iinsulto ba sya. Inis na inis akong napa pikit habang inaalala kung gaano sya kabastos at walang modo.

"Babayaran mo sila really?" inis na inis kong tanong dito atsyaka ngumiti ng malapad.

"Yes, Marami akong pera kaya magkano ba."Sabi nito atsyaka tumingin kila Sir keifer na ngayon ay gulat na gulat.

"Pwes lamunin mo 'yang pera mo!"Gigil na gigil na sabi ko dito na ikinagulat nila pare parehas.

"What!"Galit na tanong ni Thunder sa akin na ngayon ay lumalakad na papalapit sa akin atsyaka ako hinawakan ng mahigpit sa braso na ikinangiwi ko, gago 'tong lalaking to ah.

"Thunder binatawan mo si Rain."Narinig kong ani ni Sir Keifer, habang nag aalalang nakatingin sa akin.

"Leave..." Matigas na sabi nito, mukang na galit ko yata ng husto si Thunder dahil sa mahigpit na pagkakahawak nito sa'kin.

"Trabahador ko sya, hindi ko hahayaan na saktan mo sya."Galit na sabi ni Sir keifer, dito habang naka hawak sa braso ni Thunder. Mabilis na umigti ang panga nito atsyaka gigil na gigil na pinipisat ang braso ko.

"Ouch" inis kong sabi atsyaka nagpupumilit na bumitaw sakanya."Bitawan mo'ko!"

"THUNDER" sabay na sigaw ni Nay Rian at Sir keifer. Mabilis na lumapit sa akin si Nay Rian at pinipilit na hatakin sa kamay ni Thunder, habang si Sir keifer naman ay nakahawak na sa kwelyo ni Thunder pero dahil malaking tao si Thunder hindi nila ako makuha kuha dito masyado syang malakas. 

"Kilala mo'ko keifer, alam mo ang kaya kong gawin sa bar na ito at sa iba mo pang negosyo." Malamig  na sabi nito, agad namang napa bitaw si Nay Rian sa akin, maging si sir keifer ay napa bitaw narin. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang silang na takot sa lalaking 'to. Nakakatakot ba talaga ang mga banta ni Thunder. Dapat narin ba akong matakot sakanya?"oras na pakialaman mo pa ako uli sa ginagawa ko sa babaeng ito ngayon. Sinisigurado kong pupulutin ka sa kalsada."Mabilis na bumaling ako kay Sir keifer na ngayon ay hinigit na si Nay Rian na inis na inis na nakatingin kay Thunder. Lumingon ito sa akin ng nag aalalang tingin kaya naman nginitian ko ito atsyaka tumango, pahiwatig na wala silang dapat ipag alala. 

Lumabas silang dalawa na parehas masama ang loob, kaya naman inis na inis akong tumingin kay Thunder na ngayon ay nanlilisik parin ang mata na nakatingin sa akin. 

"Bakit mo 'yon ginawa."Matapang na sabi ko habang nilalabanan ang titig nito sa akin.

"Inuubos mo ang pasensya ko Ulan!" Gigil na gigil nitong sabi at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko na ikinangiwi ko.

"Tangina mo ka bitawan mo'ko." Inis na sabi ko atsyaka malakas na hinigit sakanya ang braso ko agad nya din naman itong binitawan atsyaka ngumisi sa'kin ng nakakaloko.

"Ikaw lang ang babaeng nag mura at sinagot sagot ako, ang lakas ng loob mo."Sabi nito na ikinangisi ko ng malawak na ikinasalubong ng kilay nito. Ghe lang mamatay ka sa sobrang asar.

"Well ikaw lang din yung lalaking pinamuka sa akin kung gaano ako kawalang kwentang babae."Gigil na gigil kong sabi dito."Maski bayaran kami sa lugar na'to, alam parin namin ang salitang respeto, kaya kung naiinsulto ka sa mga sinasabi ko. Mas naiinsulto ako sa mga ginagawa mo." Sabi ko atsyaka siya iniwang tulala sa loob. 

Hindi ko hahayaan na apak apakan lang ng isang tulad nya ang pagkatao namin lalo na at lahat naman kami may kwento sa likod ng trabahong ito.

SEDUCING SERIES 1: Thunder SebastianWhere stories live. Discover now