I hold the universe within my grasp, for in my hands, dreams are not just possibilities but promises waiting to be fulfilled.
I was looking at my mirror for the ninth time, checking my school's uniform to see if it was crumpled. I was exquisite the entire week when Daddy told me that he had enrolled me in a real university!
Elena and I went to the city, with our bodyguards, of course. We bought everything that we saw and everything that I have been dreaming of buying here in the Philippines. I smiled wildly, unable to contain my excitement. This is my dream, and I am now living it.
I opened the door when someone knocked on it. Elena was also grinning wildly. She looks more excited than I am.
"Ipakilala kita sa mga friends ko, Ate." She hops in front of me and snakes her arm in mine.
Do you believe that me and my little sister are now close? Close enough that we slept over last night and watched movies. We shared stories and felt each other's presence. She also shared with me that she was smitten with her classmates, who are also going with her to the same university we are enrolled in.
Pagkatapos naming mag-umagahan ay sumakay na kami sa kotse ni Daddy. Kasama rin namin si Lolo, Lola, at Mommy Jennel.
May nakabuntot naman sa likod na mga bodyguards ni daddy kung saan magbabantay sa amin buong araw. Dahil kakilala na rin ni Daddy ang presidente ng aming papasukan ay gusto niya itong puntahan at ipakilala kaming dalawa ni Elena.
Habang bumabyahe ay hindi ko mapigilang mapatingin sa labas. Mga matatayog na gusali at imprastraktura ang aking nakita. Marami ring mga tao at small vendors akong nahagilap sa labas. Ang daming tao, ang dami ring mga sasakyan. Mukhang nagkatraffic nga dahil huminto kami sa gitna ng daan. Hindi naman ganito sa Canada, kapag pinapasyal ako ni Uncle Doc. Naninibago lang siguro talaga ako.
Ilang minuto pa ang aming hinintay bago umusad muli ang sasakyan. At sa wakas ay nakarating na talaga kami sa university na papasukan namin. I've researched it for two straight days. Daddy enrolled me in Business Administration with a major in financial marketing.
Napag-aralan ko naman ang mga basic sa accountancy pero hindi talaga ako matalino dito. Sinabi kasi ni Daddy na ito ang napili niya dahil gusto niyang tumulong ako sa pag manage ng business namin.
Pero kung ako ang papipiliin, gusto ko ang Biology o Chemistry. Mahilig kasi ako sa science. Dahil na rin siguro marami akong napanood na sci-fi na palabas.
Nawala ang excitement sa katawan ko at napalitan ito ng kaba. Pinagpapawisan na rin ako ng lumabas na kami sa sasakyan ni Daddy. Ang daming estudyante. May mga bata, kaedad ko, at mas matanda sa akin ang tulad kong naka uniporme rin.
"Anak, magtabi kayo ng kapatid mo," Sabi sa akin ni Mommy. Ginawa ko naman ang sinabi niya at nagulat ako ng nilabas niya ang selpon niya. "Smile!"
Click!
Hindi ko alam kung maganda ba ang ngiti ko doon. Inilabas rin ni Lola ang kaniya at kinuhaan kami ng picture. Tinawag ni Daddy ang isa niyang bodyguard at sinabing kuhanan daw kami ng picture.
Tumabi sa akin si Lola at si Lolo at sa kabila naman ay si Mommy at si Daddy. Nakangiti kaming lahat at hinintay na matapos ang picture session namin.
Sumama kami kay Daddy na nauna nang maglakad kasama si Mommy. Nakakapit naman sa kamay ko si Ele.
Nakita kong kumatok si Daddy sa isang malaking pintuan. May isang matandang babaeng nagbukas nito at pinapasok kami.
Bumungad sa amin ang lalaking kasing edad lang ni Daddy. Nakipagkamayan sila sa isa-t-isa at ipinakilala kami sa Presidente ng Unibersidad.
YOU ARE READING
Endless Memories
Short StoryIn the quiet town of Asturias, two young souls, Renella Montefalco and Zackary Jay Marquez, find solace in each other's company amidst the uncertainties of life. Renella, a passionate adventurer, and Jay, a crotchety boy with a heart condition, set...