"Wala naman akong pakialam kung may iba kang kinikita."
Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maging reaksyon ko sa sinabi nya sa akin. Ganito ba talaga siya kamanhid? Hindi man lang ba nya maramdaman na gusto ko siya? O sadyang hindi lang nya talaga pinapansin?
"Sa tingin mo ba may oras akong maghanap ng iba?"
Iritang tanong ko sa kanya. Bahagya siyang natawa.
"Sinasabi ko lang naman. Bakit inis ka kaagad?"
Tumayo ako mula sa kama at pumunta sa banyo. Binuksan ko ang shower para mahimasmasan ako sa katangahan ko.
That guy and I don't have a commitment. We have been friends with benefits for almost 3 years now. We met at work and became friends. The arrangement started kasi I was broken at that time at siya naman ilang beses na akong kinukulit kaya napapayag ako.
Akala ko hindi ako mafafall sa lalaking yan pero look at me now, keeping it all to myself. Doing everything I can to keep this 'friendship' but I think it is time for me to say everything sa kanya. I know what will the outcome pero kaya ko bang hindi na siya makita?
I just dried myself at bumalik kung saan siya nandoon. Hawak na naman nya yung phone nya. Probably messaging someone again. Sht heto na naman ako sa selosa mode ko na hindi naman dapat.
"Bakit ba ang manhid mo?"
Tanong ko. Bigla itong napatingin sa akin.
"What do you mean?"
Napairap ako sa kanya. Lagi na lang siyang pa-inosente like he doesn't know what I meant. Nakakapagod na.
"Inaantok ka na ba?"
Nagbihis ako pero hindi ako tumabi sa kama. Umupo ako sa sofa at dun humiga.
"Sinasabi ko lang na ang manhid mo."
Tumayo siya sa kama at siya naman ang pumasok sa banyo. All these years I'm hoping na kahit konti may maramdaman man lang siya sa akin. I know I'm not his type. I'm just a normal looking woman.
"Inaantok ka na nga."
Hindi ko napansin na nakalabas na pala siya. Hindi ko siya kinibo at nakatingin lang sa palabas sa TV. I'm just wating na matapos ang oras namin dito sa hotel.
"This is the last time na."
Wow. Finally nasabi ko din. Nakatingin pa din ako sa TV kahit na hindi na naiintindihan ang palabas.
"I don't know kung alam mo or hindi. But unfortunately I've got feelings for you. Hindi ako martyr para magstay sa setup natin knowing anytime you can be in a relationship and just end things with me like nothing. You won't reciprocate my feelings so hindi ko pahihirapan ang sarili ko."
Hindi siya kumikibo. Well ano bang sasabihin niya?
"Anyway, let's go."
Tumayo na ako at kinuha ang bag ko at lumabas ng hotel room. I know na nakasunod siya sa akin. Sumakay na ako sa kotse ko at siya din. Last sakay at hatid ko na din sa kanya. 10 minutes drive papunta sa kanila feels like an hour kasi walang nagsasalita sa aming dalawa.
When we finally reached kung saan ko siya ibaba, hindi pa din siya nagsasalita. But before he closed the car door, he said something to me.
"Message me kapag nakauwi ka na."
Ang byahe ko habang pauwi sa bahay ay mabilis lang. I don't know what I should expect to happen now. I don't feel anything, I thought it'll be like those in movies na umiiyak but it's not.
I was about to message him na nakauwi ako pero naisip ko, para saan pa?