Tumatakbo sya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin nya. Nagdurugo ang puso nya ngayong nalaman na niya na kaya pala hindi nagpapakita at nagpaparamdam ang kanyang matalik na kaibigan ay dahil pala'y ito ay magpapakasal na.
"..... You may now kiss the bride"
Katagang mas lalong nagpasikip sa dibdib nya. Naisip nya. "Wala na. Wala na ang taong mahal ko. Ngayon, kasal na sya." Hindi nya kinaya ang sobrang emosyon na nararamdaman. Nanginginig ang tuhod nya. Nanlalambot. Nanlalabo ang mata dahil sa mga luha na patuloy ang pagkawala. Tumalikod sya, ayaw nyang magpakita sa kaibigan nya. Ayaw nyang makita sya nito sa ganoong kalagayan. Ngunit hindi nya kayang ihakbang ang kanyang paa. Tila itoy napako sa kangyang kinatatayuan. Muli syang napalingon sa may altar kung saan masayang nakatayo ang kanyang kaibigan katabi ang lalaking makakasama nya sa panghabang buhay. Napangiti sya. Marahil mas makakabuti kung hahayaan na nya na ito at magpapaubaya. "Mahal nga kita pero mas gugustuhin ko namang maging masaya ka. Kahit na ang kapalit nito ay nalungkutan ko. Sana maging masaya ka piling nya. Sana.."Tumalikod na sya at naglakad palayo.
Hindi pa rin sya tumitigil sa pag iyak. Hindi nya kaya. Kailangan nyang ilabas lahat ng sakit na nararamdaman nya. Masakit para sa kanya ang tagpo kanina. Naisip nya tuloy ang lahat ng pinagsamahan nila ng matalik nyang kaibigan. Hindi nya napansin na dinala siya ng mga paa nya sa park kung saan sila unang nagkita ng matalik nyang kaibigan.
Nakarinig sya ng iyak ng isang babae. Hinanap nya kung saan galing yung tinig na iyon. At nakita nya ito nakaupo sa swing hawak hawak nya ang picture. Nilapitan nya ito upang kausapin.
"Ahem.. Bakit ka umiiyak?" Tanong nya.
"Kasi yung magulang ko e, nag aaway sila. Araw araw nalang." Pahikbi hikbing sabi ng dalaga.
"Ganun ba? Mahirap nga yan. Mabuti pa, kumain nalang tayo dun sa kanto. May bagong ihawan dun. Sama ka sa akin bilis" tumayo sya at hinawakan ang kamay ng dalaga. Masasalamin sa mata ng dalaga na itoy may pag aalinlangan ngunit sumama pa rin ito.
Kumain sila at nagkwentuhan. Nagtatawanan ng para bang matagal na silang magkakilala. Natapos ang araw ng inihatid niya ang dalaga sa tapat ng bahay nito. Dun nya lang nalaman na ang dalaga ay nakatira pala sa tabi lang ng kanilang bahay. At ikinasaya nya ito.
Tuwing umaga, pinupuntahan niya ito at sabay silang pumapasok sa eskwela at hinahatid nya din ito sa bahay pagkatapos ng klase. Mas lalong lumalim ang pagkakaibigan nila nung panahong nagkaroon ng malaking problema ang dalaga.
Biglang nagring ang phone niya, tumatawag ang dalaga sa kanya.
"Hello? Kamusta?" Masiglang bati nya.
"Kei, *sobs*" hindi na nasundan ang sinabi nya. Puro hagulgol nalang ang narinig nya mula sa dalaga. Mukhang may malaking problema ito.
"Trix, bakit ka naiyak? Ano bang nangyari sayo?" May bakas ng pagaalala sa boses ni kei.
"Kei, kasi.. *sobs* yung magulang ko ee.."
"Ano bang nangyari? Nag aaway ba sila? Naku naman trix hindi ka pa nasanay sa kanila."
"Kei, naghiwalay na sila. Iniwan na kami ni papa.*sobs* paano na ako. Paano na kame ni mama?*sobs*"
"Trix, inindihin mo nalang yung desisyon ng magulang mo. Alam nilang pare-parehas lang kayong mahihirapan kung magsasama pang ang mama mo at papa mo sa iisang bubong. Tsaka trix, nandito naman ako e. Aalagaan kita, poprotektahan pangako." Gusto ng ipagtapat ni kei ang nararamdaman nya, ngunit alam nyang hindi ito ang tamang panahon.
Nalagpasan din naman ni trix ang problema. At naging maayos na ulit ang lahat. Nasanay na syang wala ang kanyang papa. Mas lalo namang inalagaan ni kei ang dalaga katulad nalang ng pangako nya.
Nadaan ang panahon at parehas na silang nagkaroon ng sari-sariling buhay. Nagkahiwalay na sila ngayon ng eskwelahan, college na sila. Ngunit kahit na ganoon, hindi pa rin sila tuluyang nagbabago. Parati pa rin silang nakain sa turo-turo at nagkwekwentuhan ng mga nangyari sa buhay nila. Hanggang sa isang araw habang naglalakad sila,
"Kei, alam mo may nanliligaw sa akin. Sa totoo lang, ayos naman siya. Mabait, matalino, at mahal ako. Sa tingin ko nga gusto ko na din sya e." Nakangiting sabe ng dalaga.
Hindi maipinta ang itsura ng binata ng marinig nya ang sinabi ni trix. Marahil, nagseselos o nasasaktan sya. Dahil hindi naman lingid sa kaalaman natin na may gusto sya sa dalaga.
"Kei, bat ganyan ang itsura mo? Gutom ka na ba? Malapit na naman tayo e." May halong pag aalala ang boses ni trix
"Aa trix, masama kasi ang pakiramdam ko. Gusto ko na sanang umuwi. Tara na, hatid na kita sa bahay niyo. Malamang nag aalala na ang mama mo." Palusot ng binata. Sabagay, masama naman talaga ang pakiramdam niya. May masakit sa kanya. Ang puso nya.
Simula noon, nawala na ng oras ang dalaga kay kei, dahil ngayo'y may pumalit na sa dating pwesto ni kei. At ito ay ang boyfriend ni trix. Paminsan minsan nakain pa rin sila sa turo turo pero may konting pagbabago, kasama na ni trix yung boyfriend nya. Hanggang sa isang araw nagulat nalang siya ng makitang wala ng tao sa bahay nila trix. Nalaman nya na lumipat na pala sila ng bahay. Sobra ang pagsisisi ng binata. Ni hindi man lang nya nasabi kung gaano nya kamahal si trix. Simula noon, nawalan na nga sigla ang buhay nya.
Habang nag lalakad siya papuntang bahay nila, nadaanan nya ang lumang bahay nila trix. Naalala na naman nya ang mga panahon hinahatid at sinusundo nya ang dalaga. Ng walang anu ano'y may taong nagbukas ng ilaw sa loob ng bahay, napatigil sya sa paglalakad. Nagbabakasakaling makita niya si trix. Pero laking gulat nya ng makitang ibang dalaga ang naroon. Nagpatuloy sya sa paglalakad. Nanlulumo. Pagdating nya sa bahay nila nagmukmok lang siya sa kwarto.
Lumipas ang 6 na buwan, wala pa ring beatrix ang nagpaparamdam sa kanya. Nang biglang nagring ang phone niya.
"Pare, si trix. Ngayon ang kasal niya kay kurt. Sa simbahan malapit sa bahay namin."
Ng marinig niya ito, biglang may mabigat na kung ano sa dibdib niya. Biglang nanlabo ang mga mata nya at nanlalambot. Tumakbo sya papuntang simbahan. Gusto nyang pigilan ang kasal. Gusto nyang sabihin na mahal nya si trix. Baka magbago pa ang isip ni trix. Pero huli na ang lahat.
"Ahem.. Bakit ka umiiyak?" Tanong sa kanya ng isang boses. Hindi nya tinignan kung kaninong boses iyon. Nakatungo lang siya.
"Kasi yung mahal ko e, nag pakasal na siya. " Pahikbi hikbing sabi niya
"Ganun ba? Mahirap nga yan. Mabuti pa, kumain nalang tayo dun sa kanto. May bagong ihawan dun. Sama ka sa akin bilis" nagulat siya ng maghumawak sa kamay niya. Napangiti siya. Gantong ganto yung usapan nila ni trix nung una silang nagkita.
"At tsaka kei, hindi naman ako yung kinasal kanina e." Nagulat sya sa narinig nya. Kung ganoon, ang taong kausap nya ngayon ay si .. Napatingin sya sa nakahawak sa kamay nya ngayon.
"Trix?" Gulat na gulat na sabi nya.
"Kei, hindi ko kayang magpakasal sa iba. Ikaw lang. Ikaw lang ang gusto kong makasama ng matagal. Ikaw lang. Mahal na mahal kita kei." At niyakap ni trix si kei.
"Trix.." Yaan lang ang lumabas sa bibig ni kei. Hindi nya alam kung anong gagawin niya ngayon. "Mahal na mahal din kita beatrix." At lalo pa nilang hinigpitan ang pagkakayakap nila.
---------------------------------------------------------
Ekk.. Ang fail noh? Sorry guys! First one shot story ko to e. LoL.
Paki criticize naman para maimprove ko ang way of writing ko.