Panghihinayang

41 1 2
                                    

"Kung ikaw kaya, nangyare sayo 'to.. Matutuwa ka ba?!" Sabi ni Anne sa kaibigan

Nagkaroon ka na ba ng first crush. first boy bestfriend, first love, first suitor, first boyfriend, first heartbreak, first hate? Ako, oo. At lahat ng 'yan ay iisang lalake lamang.

[Today]

"Anne!" Sigaw ni Rhaina.

"Oh bagit?"

"Wala. Para kasing wala ka sa sarili mo."

"Ah, ganun?"

"Baka naalala nanaman niya 'yung boyfrie--"

"EX!"

"Edi EX. Ex mo." Sabi ni Fei

"Ex ko na mahal mo." Natahimik siya sa sinabi ko.

Si Fei kasi mahal si Nick. 'Yung so-called-EX ko nga. Eh naging kami ni nick kaya parang lumabo 'yung friendship namin. Di ko nga alam kung nakikipagplastikan lang siya sakin eh.

"Uy, sabi sabi daw. May gusto daw si Nick kay Klara." Sabi nung babae.

"Ata, pero diba may boyfriend 'yun. Si Kendell."

"Oo nga. Sabi sabi rin na may gusto si Klara kay Nick eh."

"Grabe mga tao ngayon. Halos lahat nanloloko na. Hindi mo na masasabi ung salitang puro lalake lang ang nanloloko."

Nagulat ako sa balitang 'yun. Ang alam ko kasi ayaw niya 'yun. Na aaw ni Nick dun. Nagk-kwento nga kasi si Nick sakin nung kami pa na. umaamin daw sakanya si Klara. Pero pagka tinatanong ko si Klara sabi niya ginogoodtime niya lang si Nick. Pero halata naman na may gusto talaga siya kay nick eh. Ewan ko ba kung ba't pa niya pinatulan si Kendell kahit na si Nick ang gusto niya. Nakakaawa tuloy si kendell. Parang ginawa lang siyang panakip butas.

"Babaita! Pasok na tayo sa room," -Rhaina

"Ona. Teka lang."

"Ang bagal mo eh!"

"Sorry naman. nahalo ata sa dugo ko ung dugo ng pagong eh."

"Tumahimik ka na nga lang. Dalian mo nalang dyan."

"Opo boss!" Tapos inayos ko na ung bag ko. "Tara na-- ARAY!" Sabay napaupo ako.

"Sorry miss-- ay, ikaw pala 'yan Anne."

"Okay lang, del." Si Kendell

"Tulungan na kita." Ipapasok niya na sana 'yung mga libro ko sa bago ko.

"Wag! May ahas dyan sa bag 'ko!" Napatigil siya. "Joke lang, nyahaha."

"Lagi mo nalang akong binubully, Anne." Tumayo siya tapos inabot niya sakin 'yung kamay niya.

"Ano meron sa kamay mo?" Pagtataka ko.

"Itatayo kita."

"Ay, noob." Tapos tumayo na ako.

"Ano 'toh? Change partners?" Napatingin kami ni Del sa direksyon kung saan nanggaling 'yung boses.

"Hi Klara." Tapos naghalikan sila ni Klara. Grabe ah. Sa harap ko pa. Nahiya naman 'yung artistang naghahalikan sa palabas. Laswa lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PanghihinayangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon