01 : Hyanaiah Kaelin

74 3 2
                                    


Chapter 1 : Hyanaiah Kaelin

“Architecture? Bakit 'yon ang kinuha mong course imbis na Business Add!?” galit na galit na tanong sa'kin ni Daddy habang nasa harap kami ng hapag-kainan.

I'm first year college.

He is mad at me dahil hindi ko sinunod ang gusto niya. Architecture ang kinuha kong kurso imbis na Business Add dahil 'yon ang gusto ko.

At dahil taliwas 'yon sa gusto ng magulang ko, galit sila sa'kin ngayon.

Business Add ang gusto nilang kuhanin kong kurso dahil nga may pinapatakbong kumpanya ang Daddy ko.

Hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan ko pang mag-aral non samantalang si Kuya ang maghahandle ng Company.

“Sabihin mo sa'kin kung bakit!” sigaw ulit sa'kin ni Daddy nang hindi ako sumagot.

Napayuko ako hindi dahil wala ako maisagot, kundi wala akong lakas ng loob para sumagot.

They always refused to listen. So why would I tell them my reasons?

Malakas na kalampag sa mesa ang narinig ko.

“Hyanaiah Kaelin Salvez Cortez!” galit na sambit nito sa buong pangalan ko kaya naman nataranta ako.

At this point nakaramdam ako ng takot at hindi ako maka-tingin kay Daddy, ramdam ko ring may namumuong luha mula sa mga mata ko.

“Kinakausap ka ng Daddy mo kaya sumagot ka!” sambit ni Mommy sa'kin at niyugyog ang balikat ko.

Tuluyang kumawala ang mga namumuong luha mula sa mga mata ko.

“Mommy masakit!” inda ko nang hindi siya tumigil kakayugyog sa'kin.

Walang ano-ano'y nakaramdam ako ng malakas na pwersang lumapat sa kaliwang pisngi ko. Agad akong napa-upo sa panghihina at napahawak sa kaliwang pisngi ko.

“Talagang masasaktan ka kapag hindi ka nag-salita! Ang bastos mong bata ka, tinatanong ka bakit hindi ka sumasagot?”

Galit nitong saad habang nakatingin sa anak niyang napa-upo sa lakas ng pwersang binitawan niya.

She slapped me.

Pinilit kong tumayo kahit nanghihina ang tuhod ko sa takot, at kahit masakit ang kaliwang bahagi ng mukha ko, pinalis ko ang mga luha ng walang tigil na tumutulo.

“Ano hindi ka pa sasagot—”

“D-dahil 'yon po ang gusto ko!” malakas kong saad nang akma ulit akong sasampalin ng Mommy ko.

Hindi ko intensyon na sagutin ang mga magulang ko sa ganong paraan pero hindi ko na napigilan ang damdamin ko.

“Sumagot ka ng maayos kung ayaw mong masaktan ulit!” galit na saad ni Mommy sa'kin kaya muli akong napayuko.

“Bakit hindi mo ako sinunod? Wala kang utang na loob! Wala kang galang sa magulang mo!” sambit ni Daddy sa'kin at binigyan ako ng malakas na sampal sa kanang bahagi ng mukha ko.

My Favorite LessonWhere stories live. Discover now