@ynarchives 🔒
gage, akala ko kung anong gc 'yon HAHAHA! natanggap pala ako sa school pub
courier's hangout
Noah De Leon added you and 4 others
EIC De Leon:
Welcome couriers! This group chat is for casual talks. Feel free to talk with others.
Hello po. Tanggap na po ba kapag nakapasok dito sa gc o may kailangan pang gawin?
EIC De Leon:
Tanggap na po kayo.
Aya:
@Akito, i-welcome mo 'yong mga bago
Akito:
???
Bakit ako?
EIC De Leon:
Naisip ka lang namin.
Oo nga pala, karamihan sa mga members ay grade 12 na. Next school year, kayong mga grade 11 naman ang magle-lead dito sa Courier Of Truth.
Dalawa lang naman kayong grade 11, eh. @Georgina at @Akito
Akito:
Ako na naman?
Aya:
Pasensiya ka na, @Georgina, masungit talaga 'yan.
Yna na lang po.
Akito:
Yna na lang po.
↳Wow, hindi ka bayolente ngayon.
Huh? Pinagsasabi mo?
Aya:
Magkakilala naman pala kayo.
Hindi po kami close.
EIC De Leon:
Oo nga pala. Sa mga bago, okay lang bang pumunta ka bukas sa office?
Kailangan lang namin kayong picturan for your ID. @Akito is in charge.
Akito:
Kailangan ko po ng isang photo-journ na back-up
EIC De Leon:
Ano na namang arte 'yan?
Akito:
Ayaw magpa-picture ni Yna sa akin.
@ynarchives 🔒
Talagang sinusubukan ng Hapon na 'to ang pasensiya ko, ah.
BINABASA MO ANG
✓young love duology#1: capturing affections
Teen FictionIn every event, Georgina Bautista gets her face posted on their school publication page. Discovering that all her photos are taken by one guy, she decided to talk to him- Akito Ishida.