Love Even After Death

17 3 0
                                    

I'm here in faculty room, nag-eexplain sa subject teacher namin na kung ano ang dahilan bakit hindi ko maipasa agad ang kaniyang pinapagawa.

"Sir, I'm literally doing everything that I can to finish all the projects that you gave us po kasi po I'm just dealing with family problems--"

"Marami rin sa classmates niyo ang namo-mroblema, actually, hindi lang ikaw ang may problema sa mundo. Sabihin mo, YOU ARE IRRESPONSIBLE!"
Pasigaw niyang sinabi ang dulo ng salita niya, nanghihina na ako pero kailangan kong labanan, how can i convince him, why he can't understand.

"Yung iba naman po binigyan niyo naman ng exte—"
I didn't finish what I was going to say, when he cut / he spoke immediately.

"Sila yon at hindi ikaw!. Hindi ka espesyal, itatak mo yan sa utak mo! Ipasa mo ang projects mo bukas or I will fail YOU!!"
After he said this, he left me here alone in the faculty room.

Napahinga nalang ako ng malalim dahil sa dismaya, I thought he would understand if I talked to him.

Umuwi nalang ako ng bahay dahil wala rin naman lang akong napala sa pakikipag usap sa teacher namin.

"Si Bunso?"
Stress na tanong ko sa kapatid kong pangalawa, tatlo lang kaming magkakapatid at wala dito ang magulang namin, nag ta-trabaho sila pero hindi sapat ang kinikita.

"Nasa kwarto, umiiyak. Kanina pa siya hindi kumakain. Kuya, gagaling pa si bunso diba? Mawawala pa cancer niya diba. Baka—"
He said while crying.

"Sige na, mag luto kana at pagkatapos mo mag luto, kumain kana, pupunta ako ng hospital."
I said na nagmamadali

"Pero kuya--"
Angal pa niya

"Sige na."
Pilit ko sakaniya, sinunod naman na niya ito. Napahilamos nalang ako ng mukha ko ng walang tubig.

*In the hospital*

"May nahap na ba na donor doc?"
Bungad ko na tanong

"Wala parin po, but we are doing everything to find a donor."
The doctor said kaya tumango nalang ako.

~~
I was on my way home when suddenly someone called me on my cellphone

"Yes?"

"Magkita tayo sa ****" sagot ng nasa telepono at pinatay na niya ito agad.

~~
"Ngayon ka pa talaga makikipag break, Sab? May mga projects pa akong gagawin oh? Pwede bang bukas nalang?" Natataranta kong sagot.

"Can we just pretend na okay tayo kahit ngayong week or 2 days lang? Kasi hindi ko na alam gagawin ko parang sasabog na utak ko, ehh--" dagdag ko pang sagot, I don't know what to do now, hindi ko na alam kung ano ang mga iisipin ko.

"Hindi ko na kayang makasama ka!"
"Lagi ka nalang busy sa studies mo eh!" She said irritated.

"Pinabago mo yung salitang may iba kana eh,
Sino? Yung classmate mo? Yung lagi nating pinagtatalunan?
Okay, kung 'yan ang gusto mo."
Sabi ko, akala niya siguro hindi ko alam, nagtitiis lang ako dahil I can't handle the situation.

"Ganon... Lang?"
She said, what does she mean?

" What do you want me to say? Like, Sab, please, wag mo akong iwan, hindi ko kaya please, stay with me. Ganon ba?
Alam mo kung ano yung mga pinagdadaanan ko, kung gusto mo umalis, leave! Sana next week ka nalang nakipag-break, para naman sana, magawa ko ng maayos mga projects ko ngayon, pero okay, kaya ko naman mag focus, ayaw ko bumagsak ngayon, mas mahalaga pag-aaral ko at pamilya ko kaysa iyakan ka!" Mahaba kong sabi, umalis na ako agad, hindi ko na pinakinggan ang dapat na sasabihin niya.

OneShot stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon