"The Faceless Girl"

3 0 0
                                    

"Tara bro laro tayo!"

"Pass bro, inaantok na ako"

"Lagi ka nalang tulog pero inaantok ka pa din? Grabi na yan bro" inis niyang saad

"Ah basta inaantok ako, bye na, good night!" Nagmamadaling saad ko

"oh, anak kain kana" biglang saad ni mama pagkapasok ko ng bahay

" Busog pa ako ma, mamaya nalang ako kakain, inaantok ako eh" saad ko at nagtuloytuloy pagpasok ng kwarto

" Ha!? Maaga pa, kain ka muna" pagpupumilit niya

"Ma, busog pa ako, sige na, matutulog na ako, bye, night" saad ko bago pumasok ng tuloyan sa kwarto

"Sa wakas makakatulog narin" saad ko at nag-inat ng katawan bago humiga...

~~~

"Ano ba!" Sigaw ko sa taong nanggugulo sa pag tulog ko

"Sige, isa pa!" Sigaw ko pero tawa lang narinig ko kaya nag mulat ako ng mata

"Nasa panaginip na ako?" Tanong ko at nagkusot ng mata para malaman kung nasa panaginip na ba talaga ako

"Opo, nasa panaginip kana po" nakangiting saad ng babae sa harap ko, kaya ngumiti ako ng matamis sakaniya

"Ang aga mo ngayon, wala ka bang pasok?" Takang tanong niya sakin

" Meron pero excited akong makita ka" saad ko at pumunta sa pwesto niya na naka upo ngayon

"Kasi inaagaw mo oras ko, i mean inaagaw mo oras ko sa totoong mundo, 'di ko tuloy magawa mga gawin ko doon" saad ko ulit

"Hala, may sinabi ba akong matulog ka ng maaga para 'di mo magawa mga gawain mo sa real world" saad niya bago sumubo ng pagkain kasi parang picnic area ang lugar na 'to at puno ng bulaklak

"Sa bagay" saad ko at nagkibit balikat, nag enjoy kaming magkasama

~~~
"Anak gising na!" Biglang sigaw ni mama

"Mama naman e! Kitang natutulog yung tao!" Reklamo ko

"Aba, may klase ka pa! Mag aalasais na oh!" Panenermon niya sakin, kaya napatingin ako sa orasan, mag aalasais na nga kaya nagmamadali akong magbihis

~~~

"Ma, ang ganda ng panaginip ko tuwing gabi" pagkukwento ko kay mama

"Ano naman yun? Yan ba ang dahilan ba't lagi kang natutulog ng maaga? " Tanong niya

"Opo, alam niyo ba ma, nagtataka ako tuwing nasa panaginip ako,nakikita ko mukha niya pero pag gising ko ang maaalala ko nalang yung wala niyang mukha pero sabi niya sakin malapit na niya ipakita mukha niya sakin at maaalala ko na yun paggising ko" mahabang saad ko at nakita kong napatigil siya sa ginagawa niya

"Anak, kapag nagpakita siya sayo gumising ka agad ha" alalang saad niya

" Bakit po ma? " Nagtataka kong sagot

"Kasi ganiyan nangyari sa tita mo, nag kwento din siya sakin kagaya ng kwento mo, kapag pinakita na niya ang mukha niya, at napaibig ka niya aayain ka niyang sumama sakaniya a-at hindi ka na magigising" mahabang lintaya niya habang may namumuong luha sa mga maya niya

"iyan mo ba dahilan pagkawala ni tita?"Tanong ko, dahan dahan naman siyang tumango

~~~
"Bulaga! 'bat ngayon ka lang, tagal kaya kitang hinintay" biglang saad ng babae

"Lumayo ka sakin! Gusto ko pang mabuhay" biglang saad ko at lumayo ng kunti sakaniya

"Ha? Anong pinagsasabi mo?" Takang tanong niya

"Ipapakita mo sakin mukha mo at papaibigin mo ako, kukunin mo loob ko at aayain mo akong sumama sayo at 'di na ako magigising sa real world" kinakabahang saad ko pero malambing na tawa niya lang ang narinig ko

" Hindi ko 'yon gagawin sayo, pangako" saad niya at itinaas ang kaniyang kamay na tila nangangako

"We?" Hindi naniniwalang saad ko

"Opo! Hahanapin kita sa real world, magkikita tayo dun" saad niya kaya ngumiti nalang ako sakaniya

~~~

"Pre, may bagong transfer, maganda at matalino daw" saad ng kaibigan ko habang naglalaro ng mobile game

" Oh tapos?" Walang pakeng saad ko

"HAHAHA, Ligawan mo kaya par, magugustohan ka nun kasi pogi ka at matalino din" saad naman ng isang tropa ko

" Kalokohan, tara na nga baka andun na prof natin" saad ko

.....

" Good Morning Everyone, we have new student here,kakabalik niya lang sa school dahil na coma siya ng tatlong taon kaya magpakabait kayo sakaniya, come in iha and introduce yourself" saad ng prof kalbo namin at pumasok ang magandang babae na medjo katangkaran ko at maputi

"Good Morning, I'm Ashleigh Gonzalez, Nice to meet you all and i hope, we can be a friends" saad niya

"Take your sit, sa tabi ni Mr. Tuazon" saad niya kaya unti unti siyang lumapit sakin

"Hello, remember me?" Biglang saad niya ng makaupo siya sa tabi ko na ikina taka ko

"Ha? I don't know you miss, I'm sorry ngayon lang tayo nagkita" nakakunot nuong saad ko, tumawa lang siya ng mahinhin

"Diba nangako ako sayong hahanapin kita dito sa real world at magkikita tayo" saad niya at nagbalik sa alaala ko yung sinabi ng faceless girl na nasa panaginip ko

"Yes, ako yun, nice to finally meet you in real world, my Mr. Tuazon" she said kaya labis ang saya na nararamdaman ko at niyakap ko siya ng walang pasabi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 01 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

OneShot stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon