Black Envelope

3 0 0
                                    

It was a typical Saturday weekend.
Damang-dama ang init sa buong ka-Maynilaan.

Ganoon padin ang Edsa. Traffic, Mausok .
Parang impyerno sa init.

Isang busina ang narinig ni Elie sa labas ng kanyang tinitirhang apartment.

"Delivery po kay Ms. Elyeka Lacsamana." Napakunot si Elie sa narinig, wala naman kasi siyang order sa shoppee or lazada na parcel.
Isa pa Elieka ang natatandaan niyang pangalan niya.

Nilabas niya ang rider.

"Kuya , Elieka po.. wala naman po kong order today. Kanino raw ho galing?" Tanong nito habang tinitignan ang hawak na box ng rider.

Maliit lang ito na box .

"Wala pong name na nakalagay e, nakaindicate lang po yung address at name ng recipient ." Diretsang sagot nito sa kanya. "Bayad naman na po ito kaya okay na po ma'am . Alis na po ako."

The rider left pagka-abot sa kanya ng box.

Matagal-tagal niya din itong tinitigan, saka siya pumasok sa loob.

Mukha namang safe, kasi parang hindi naman kakasya ang kung anong bomba sa loob. Pero for safety purposes naisipan niyang gumamit ng gloves sa pagbukas nito.

It was a Black envelope, with a Golden wax seal na may "H" ang bumungad sa kanya, nakapatong ito sa maraming shredded paper.

At the back of it nakasulat ang first name niya in a cursive writing.

"Elieka"

She was too hesitant i-open ang letter at first. Kasi it's black, at sa pagkakaalam niya Black is a very unique color na madalas ginagamit lang pag formal at serious events lang.

When she opened it, may Isang letter na bumungad kalakip ang isang door key card.

She took her phone, madali niyang binuksan ang kanyang messenger at binuksan ang groupchat nilang mag kakaibigan.

It's been a while nang huli niyang buksan ito. Lahat halos na members nang chat ay may kanya-kanya nang buhay.

*Drawing Squad*

Typing....

Elie: Naka-received din ba kayong Invite?
Rigo: Invite saan? Wala naman akong natanggap sa email ko.
Jeryll: Oo .
Rigo: Teka anong invite ba to?
Jeryll: Envelope na Black may Gold seal. Dineliver kanina sa shop.
Rigo: Wala pang dinedeliver. Baka di ako invited :(
Elie: Ikalma mo Rigs, Baka natraffic.
Loren: Reunion daw pero parang tayong sampu lang yung invited.
Rigo: Correction , 9 Kayo palang nakakatanggap.
Loren: K. Pero kasi diba pag reunion dapat pati ibang block mates natin kasama, e ba't tayo lang?
Miko: Di ako sure kung G ako. Conflict sa Schedule ko yung date.
Loren: As always Miko, Walang bago.
Jeryll: Me too, Baka pag isipan ko pa.
Jasmin: Hooy! Punta tayong lahat , It's our first gathering after how long.. Last time na nagkita-kita tayo kasal namin ni AK.
Bart: Rigs, Punta ba you?
Rigo: Wala pa nga kong Invite e...
Elie: Si Arah ba ? Paging Marah Boris.
Jeryll: Tulog pa ata, graveyard shift yun e.
Kim: G. Arat. Nakita ko yung Location. MAGANDA.
Rigo: Sama na din ako , dumating na yung invite. Nasiraan lang daw si Rider, kaya late. Sagot ko na alak.

(E N D O F C O N V O)

Naexcite si Elie ,  knowing na sasama din ang ibang tropa. Tama nga naman si Jas , Last time magkita-kita sila ay kasal pa niya kay A.K.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 12 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Few Years LaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon