"Three, two, one, action!"
_ _ _
"I'm glad that you've finally became a better person, Russell." Sabi ni Mia habang nakangiti, nakaupo katabi si Russell sa isang bench sa park malapit sa office.
Russell smiled and let out a big sigh, looking down at the ground, and then at the sky. "It's all thanks to you, y'know. I'm really grateful we can still be friends after what happened."
"That's all in the past, Russell. Basta 'wag mo lang ulit gawin yun sa babaeng susunod mong mamahalin." Then suddenly, both of them were shocked when a guy suddenly pulled Mia's wrist causing her to stand up...
"L-Liam?.." Nagtatakang sabi ni Mia.
"Bat ka nandito?"
Russell stood up, ready to defend Mia and her boundaries, "Kilala mo ba siya, Mia? Bat hindi ka manlang niya malapitan at kausapin ng maayos.?"
"Mia. Bakit wala ka sa office? Hindi ka manlang nagpaalam? At bat mo kasama toh? Hindi ba dapat lumalayo ka sa mga taong ganto?" Sunod sunod na tanong ni Liam, and yes, he knows who Russell is. Mia might have shared the story with Liam, although it wasn't Liam's business, he still tried to listen habang kinuwento dati ni Mia.
"U-uhm, Sir. I'm sorry that I didn't ask for permission, pero akala ko since hindi naman po busy yung schedule niyo ay pwede naman po ako lumabas saglit.. And uhm, nagkatagpo lang po kami ni Russell." Mia explained, and Liam was convinced and let go of her.
Nagtataka si Russell at nairita at the same time, Why does he look so manipulative? Porket boss lang? "I'm sorry? You might be Mia's boss, may I ask how you know my name?." He said, offering his hand. Liam doesn't seem interested and flatly said "Liam, and yes, I'm her boss. You must be her ex, she told me a lot about you." while holding a sharp look to make Russell feel uneasy.
"Ehem.. Hm, like I said.. It's all in the past. Now, can we please go our separate ways?" Mia said, trying to get out of the awkward situation.
"Oh, well perfect timing," Russell said while looking at his watch.
"Shift ko narin kaya kailangan ko na bumalik. Bye Mia!" He stated and waved while walking away.
Liam just scoffs and took Mia's wrist to drag her to the office.
. . .
"And... Cut! Nice one guys, by the way, magpalit muna kayo at balita ko ay bibili pa kayo ng pang-grocery natin for the week."
"Sige po Direk." They all said. Yung producer ay lumapit kay Direk at may binigay lang na papeles.
"Huy Lena, tara na! Dun tayo sa kotse ko." Sabi ni Bella.
_ _ _
Habang nagda-drive si Bella ay biglang nagtanong si Lena, "So uhm.. Bella, about dati nung sinabi mo na "cold-hearted sociopath" si Andres.. Ano pang mga ibang rumors niya? And bat nila nasabi na masamang tao si Andres?"
Bella nodded, making it visible that she understood the question. "Ah.. So ito, marami nang controversy and rumors where andami niya daw na-reject na mga models and actresses. And marami na nagsabi na "mapili" siya or "mayabang" and stuff like that, porket galing daw siya sa mayaman na pamilya tapos hindi niya naman daw pinaghirapan lahat ng meron siya ngayon. Eh pagka-alam ko kasi is he has a bad relationship with his father and yung mom lang niya yung nag-alaga sa kaniya since he was young, pero hindi yun hinahayaan ng media na maging dahilan para makalusot daw si Andres sa lahat ng times where sinungitan niya din daw yung fans and ayaw pa magpa-picture." Kwento ni Bella.
"Ha? May pinagdadaanan naman pala yung tao eh, and besides- anong hindi hahayaan makalusot? Eh wala naman siyang ginawang masama. Ayaw lang magpa-picture, gagawin pa nilang big deal? An artist needs to have boundaries too, they can't always give out and show every single part of of their life to their fans."
"Yun nanga- kaya ma-issue nga talaga yung buhay ni Andres hanggang ngayon, pero alam mo ba, nung birthday mo? Nagulat lang talaga ako, dahil may pa-ngiti ngiti na ng kaunti yon and nakisali pa siya sa biruan nung naghanda. Maybe nagkakaroon na siya ng dahilan para ngumiti noh? Ano kaya sa tingin mo?"
Ngumiti nalang si Lena, feeling good for Andres, "Ahh... Siguro he's at his point of his life where things feel a little bit better." "Hm.. siguro nga."
<<<TIMESKIP>>>
Nasa hypermarket na sila at tumitingin na ng kung ano pwede i-stock sa pantry ng main house sa residence/meeting place ng buong cast and crew.
Biglang lumapit si Andres kay Lena at nagtanong. "Uhm.. A-anong pwedeng bilhin na snacks..?"
Shoot- bat ako nauutal?..
"Ah, ano- mahilig ka ba sa spicy foods?" Tanong agad ni Lena. Tumango si Andres, "Ok, may aisle dun banda na mostly puro korean spicy snacks and ramen." Sabi ni Lena habang tinuturo kung saan. At nung umalis na si Andres, Lena was left dumbfounded. Ano yon? Bakit parang ang inosente ng expression niya? Nauutal pa si sunget-
Hindi natanto ni Lena na nakatingin pala si Bella sa kaniya while nakataas ang isang kilay and one hand on her waist, "Hoy teh, ano yon? Hindi mo naman sakin sinabi na close kayo-"
"Hindi nga kami close!" Tumawa nalang si Bella sa nakakahalatang reaksyon nito.
Ano nga naman 'yon?
. . .
"Hey Lena! Come here!" Tawag sakaniya ni Andres.
Nagmadaling tumakbo si Lena papunta kay Andres, nagtataka kung bakit. "Ano yun?"
"Ah, itatanong ko lang sana kung na-try mo na yung spicy Tteokbokki, gusto ko sanang bilhin kung masarap." Sabi niya habang hawak hawak yung pack.
"Ah- uhm, oo, m-masarap 'yan." Sagot ni Lena ng nauutal. "Ah, sige sige salamat." Sabi ni Andres ng nakangiti,
Ang cute niyang ngumiti, sumisingkit tuloy mata niya. Sabi ni Lena sa kaniyang isipan.
Inilagay na ni Andres ang Tteokbokki pack sa shopping cart at hinarap ulit si Lena, "May kasama ka bang bumili? Tara, samahan na kita, tutal tayo yung magkasama sa room and kailangan ko rin alamin kung anong gusto mo para sa food stock natin."
"Uhm, wala naman, Sige." Sagot ni Lena, tila siya'y gulat nang tinatanong niya ang kaniyang sarili bakit parang sinapian ng anghel ang kaharap niya..
Pumunta sila sa aisle ng mga snacks ang chips para tumingin ng kung anong mahanap nilang nakaka-akit ng mata.
"Psst, Elijah! Tingnan mo yung dalawa oh, nagbe-bebe time." Patawang bulong ni Emma,
biglang lumingon si Elijah at tumawa, "Oo nga noh- Alam mo Em, minsan nagtataka talaga ako bat bumabait si Andres eh- siguro may motivation na nga." Tumawa na lang sila parehas at nagpatuloy na sa pamimili.
* * *
"Mukhang tama na toh Andres, Haha." Natatawang sabi ni Lena habang tinitingnan ang cart nila na punong puno na ng kung ano ano. "Haha, Sige. Magbayad na tayo dun sa available na cashier." Habang papunta sila ay biglang nagsalita si Lena, "Andres,"
"Hm.?" Paglingon niya kay Lena, nagmumukha talagang sila na dahil naka balot ang kamay ni Lena sa braso ni Andres at nakapagtataka na walang imik si Andres. "'Wag ka sanang ma-ooffeng ha, bigla ka kasing bumait sakin eh."
"O-oh, Haha, wala yun. Siguro m-medjo hindi lang ako comfortable sayo noon."
Pinapagpawisang sabi ni Andres habang nakangiti. Natapos nang bayaran lahat ng pinamili nila at idinadala nalang ni Andres ang mga ito sa tulong ni Lena. "Nag-abala ka pa, kaya ko naman eh." Nakangiting saad ni Andres, "Nako, saakin naman din ang iba dito, Ok lang yan."
"So uhm, gusto mo sumabay ka nalang saakin pag uwi? Para deretso na tayo dun sa bahay." Tanong ni Andres, "Sige, para hindi ko narin ma-istorbo 'yong mataray kong manager." Nagbibirong sabi ni Lena. Tumawa nalang silang dalawa, binuksan ni Andres ang passenger seat para kay Lena, "Wow, taray naman- gentleman!" Panunukso ni Lena, "Of course, ako pa." He said with a proud smile.
Gabi na nun at inaantok na ng kaunti si Lena, Andres seemed to realize it and placed Lena's head on his shoulder. Looks like she forgot to put her seatbelt on, too. Hindi na nagreklamo si Andres at nilagyan nalang rin siya ng seatbelt.
She looks so pretty, especially when the city lights hit her skin..
. . .
Nakabalik na sila sa residence at nag-iisip si Andres kung bubuhatin niya na lang ba si Lena o gigisingin.
Eh.. mukhang ang himbing na ng tulog eh.
Kaya binuhat niya na lang papunta sa taas kung saan ang kama, tsaka niya binalikan ang mga grocery bags na nasa likod ng kotse. Pagkatapos nun ay nagpahinga na rin si Andres. Nagbuntong hininga ang binata at biglaang humiga habang nakalawak ang dalawa niyang kamay. Naalala ang sinabi ni Lena.. "bigla ka kasing bumait sakin eh."
Oo nga.. Bakit nga akong biglang bumait sayo?.. Why do I suddenly get the urge to be a gentleman around you..?
Andres instantly stood up from bed and looked at Lena in the other side of the room.. He walked towards her, fixed her position, and put a blanket on her... then kissed her forehead.
Andres seemed to regret his action about 5 seconds later, "G-Good night, Lena.."
![](https://img.wattpad.com/cover/364359045-288-k239406.jpg)
YOU ARE READING
Behind the Cameras
RomanceLights... Camera... Action! Do they leave the romance behind the lens?.. Or do they bring it with them? ||taglish||