Amelei
"Sino ba kasi ang lalaking iyon? Bakit mo binigay sa kaniya ang payong mo? Paano kung umulan bigla tapos kailangan mo pala iyong payong? Aminin mo, naguwapuhan ka sa kaniya 'no?"
Sinamaan ko nang tingin si Maddison. Iyon na ang first warning ko sa kaniya. Pero mukhang walang planong tumigil ito sa kasasalita. Pinandilatan pa niya ako ng mga mata.
"Ano? Bakit 'di ka makasagot? Bakit, guwapo nga ba? Tapos na ba ang man-hating era ni Amelei Saavedra Ramones?"
Mas lalo akong sumimangot at inirapan na siya sa pagkakataong ito.
"Anong pinagsasabi mo riyan?"
"Aminin mo, first time iyon."
"Ang alin na naman?"
"Ang tumulong sa isang lalaki!" aniya saka hinampas pa ang lamesa ng kaniyang upuan dahilan para mapalingon ang ilan naming kaklase na um-attend sa general education subject na history. Ang totoo niyan, dapat noong unang taon pa namin itong kinuha ni Maddie, ang kaso, iniwasan namin ito dahil masyado kaming naka-focus sa mga major subjects. Umabot na kami ng third year at buong akala namin ay malalampasan na namin ito nang hindi kinukuha. Hanggang sa nakatanggap kami ng tawag mula sa Dean's office at pareho nitong sinabi sa amin na kailangan na naming kunin iyon sa ikatlong taon dahil isa iyon sa mga requisite subjects.
Wala na kaming nagawa kundi kunin ito kahit na bored na bored palagi si Maddison sa klase. Ako naman, pinipilit ko ang sarili ko na palaging mag-participate sa mga recitation dahil kailangan iyon. Kailangang matandaan ako ng professor. Kailangan kong magpabibo at taasan ang exam ko hangga't maaari dahil nakakahiya naman kung mataas ang major subjects ko, tapos lumagapak naman ako sa minor.
"Alam mo, Maddie, tumigil ka na. Kung anu-anong pinagsasabi mo riyan. Kapag ikaw, hindi ka tumigil, hindi kita tutulungan sa shift mo sa coffee shop mamaya."
Bahagyang nanlaki ang kaniyang mga mata. Dali-dali rin niyang itinikom ang kaniyang bibig at umaaktong izini-zipper ang kaniyang bibig pasara.
Nginisihan ko naman siya at saka inirapan muli. Bumaling ako sa aking wristwatch at napansing malapit nang mag-start ang klase ngunit wala pa rin ang propesor naming si Mr. Diaz. Inabala ko na lamang ang aking sarili sa pagbabasa ng libro para sa susunod naming klase nang maramdaman kong kinakalbit na naman ako ni Maddie sa aking tagiliran.
"Maddie, isa!" sambit ko nang hindi tumitingin sa kaniya.
"Bakla ka, tumingin ka sa pinto. Nakikita ko iyong payong mo."
Kumunot ang aking noo. Anong pinagsasabi nitong babaeng ito. Wala na iyong payong ko. I gave her away to a certain guy that I saw earlier.
"Amelei, nakikita ko yung payong mo. Hawak ng isang poging nilalang."
Normally, hindi ako intresado sa mga ganitong tsismis ni Maddie. Pero payong ko ang pinag-uusapan dito, kaya naman nag-angat ako ng tingin at isinantabi pansamantala ang pagbabasa.
Nang mag-angat ako nang tingin, sa hindi sinasadyang pagkakataon, agad na nagtama ang paningin namin ng lalaki na nasa pintuan. Nawala ang tingin niya sa akin at ibinaling ang kaniyang atensiyon sa ibang tao sa loob ng silid.
Napansin kong tila nakahinga siya nang maluwag nang makitang wala pang guro na nagtuturo sa harapan. Sa kaniyang kaliwang kamay, hawak niya ang aking pinakamamahal na payong.
Alam kong ibinigay ko na ito sa kaniya, ngunit hindi ko mapigilan ang aking sarili na makaramdam ng pagka-miss sa payong na pag-aari ko. Lumaki akong maingat sa mga gamit. Lahat ng bagay na mayroon ako, iniingatan ko.
YOU ARE READING
Something Majestic
Historical FictionTwo people from the present are about to discover the tragedy happened in the past which results of wanting to change their awful family history.