Maybe this time

5 2 0
                                    

Maybe this time

Isang mainit na sikat ng araw ang sa aking gumising. Agad akong bumangon at ginawa ang aking morning ritual. Pagkatapos non bumaba na ako upang maghanda ng agahan para kay Khalid ang nag-iisa kong anak.

Agad akong naghanda ng agahan, inayos ko na ito sa lamesa, nagtimpla ng gatas. Pagkatapos ay umakyat na ako sa taas upang gisingin si Klalid, nakakailang hakbang palamang ako ng marinig kong may nag doorbell. Kaya imbis na umakyat ay bumaba muli ako at agad kong tinungo ang daan patungo sa may pinto.

Halos malaglag ang panga ko  pagkatapos ko buksan ang pinto. Hindi ako makapaniwala na nandito sya sa harapan ko nakangiti na inako mo'y napakaganda ng ngipin.

Napagmasdan ko muli ang muka nito malaki na ang pinagbago nito mula nung huli kami nagkita. Maayos na ang buhok nito, ahit na ahit ang bigote at mukang lalong kuminis ang balat nito. Hindi na ako nagdalawang isip pa at mabilis pa sa alas-kwatro sinampal ko sya.

"Aray!"

Sabay hawak nito sa pisngi nya na sinampal ko. Tinaasan ko lang sya ng kilay.

"Wala man lang hi, hello, sampal agad."

Napatawa naman ako sa reaksyon nito.

"Tsk. What do you want me to say? You left, remember? Iniwan mo lang naman kami ng anak mo."

Sabay akma kung sasarhan ang pinto ng harangin nya ito.

"Pwede ba lumayas ka sa pamamahay ko."

Sabay tulak ko sa kanya.

"Pero gusto ko makita ang anak ko."

Sabay hakbang naman nito papasok ng bahay pero agad ko ito hinarangan.

"Wala ka ng anak na babalikan. Kaya naman makaalis ka na."

Tinulak ko uli sya. Pagkatulak ko rito parang nag flashback ang lahat. Tinulak ko sya, pero agad syang umatras pabalik. Tinulak ko sya uli pero agad syang bumabalik.

May 19, 2015 una kami nagkakilala. Nagmamadali ako non kasi mali-late na ako sa trabaho ko. Agad akong pumara ng tricycle pagkalabas ko ng bahay. Mabilis naman itong lumapit sa kinaroroonan ko pero sa  kinamalas-malasan nga naman ay may isang lalaki ang mabilis na pumasok sa loob ng tricycle. Dahil maganda ako hindi ako pumayag dahil iisa na lang ang pwede sumakay kasi puno na.

"Hoy! lalaki ang kapal naman ng muka mo." Sabay hatak ko sa damit nito palabas ng tricycle.

"Bitawan mo nga ako." sabay pilit nitong inaalis ang kamay ko na nakakapit sa kamay niya. Pero hindi ako nagpatinag dahil unang una ako ang pumara sa tricycle at pangalawa matatagkal na ako sa trabaho pag na late muli ako.

"Humanap ka ng ibang masasakyan mo. Ako!" Sabay turo ko sa sarili ko. " Ako ang nauna na rito at ako rin ang pumara dito." Sabay turo ko naman sa tricycle.

"Tsk." Sabay ngisi nito. "Bakit ikaw ba ang may ari nito?" Sabay turo nya sa tricycle. Umiling ako syempre kahit mahirap kami hindi naman kami marunong mang angkin ng hindi sa amin. Pero teka? Hindi naman tricycle ang sinasabi ko ah.

"Hoy lalaki." Sabay pamaywang ko sinabayan ko pa ng pagtaas ng kilay.
"Ang pinupunto ko rito ay ako ang nauna sa tricycle kaya naman ako ang dapat na sumakay rito. Gets mo?" Tumango naman sya, yun naman pala eh nagkakaintindihan naman pala. Akma na akong papasok ng humakbang ito papasok ng tricycle kaya naman tinulak ko sya paatras sa tricycle pero agad din syang humakbang pabalik at talagang hindi sya nagpatinag. Tulak ko, abante nya, tulak ko, abante nya. Hanggang sa naiyamot ata saamin ang driver at ayon mabilis na lumarga.

Maybe this timeWhere stories live. Discover now