chapter 10.5

125 0 0
                                    

Nagising ako sa sikat nang araw na tumatama sa mukha ko

Napakasakit ng kawatan ko

Namamaga din yung mukha ko na tumama sa mattress kahapon

Tumayo ako at iika ikang nag lakad para maligo

Napaka dami kong pasa sa katawan

Nakatayo ako sa harap ng salamin habang pinag mamasdan yung kabuuhan ng katawan ko, napa hikbi nanaman ako nang maalala ko yung nanyari kahapon

Dali dali akong naligo at nag bihis

Kahit iika ika pa din ay pinilit kong maglakad papunta sa kusina para humanap nang makakain

Pag bukas ko sa ref may nakita pakong madaming pagkain dito, eto pa yung mga stocks nung una kameng pumunta dito

Nakita ko yung ice cream at kinuha ito naka kita din ako nang manga kaya kinuha ko din at binalatan

Sinawsaw ko sa ice cream yung mangang hilaw saka sinubo iyon

Napapikit ako sa asim at sarap dahil nag halo sa bibig ko yung tamis at asim

Matapos kong maka tatlong manga ay pumunta ko sa kwarto para mag toothbrush sana

Pag bukas ko ng drawer natulala ako sa nakita ko

Napkin

Ngayon ko lang na realize na dapat nga pala nagkaroon nako last week pa

Kaya dali dali kong kinuha ang pitaka ko at lumabas

Nag tanong tanong ako sa mga life guard sa labas kung san may malapit na pharmacy

At nung nabili ko na nga yung kelangan ko eh agad akong umuwi sa bahay at pumasok sa banyo

Umupo muna ko sa bowl at huminga ng malamin bago ko nilabas yung binili ko

Clear blue 99.9% pregnancy test

Nanginginig na binuksan ko ito at ginamit

Pag katapos ay tumayo muna ako at nilagay sa sink yung pt na ginamit ko at tumalikod dito

Grabe yung kaba na nararamdaman ko, parang sinusuntok yung dibdib ko sa sobrang nerbyos

Makaraan ang ilang minuto ay humarap ako dito at nanginginig na kinuha ito

Pregnant

Napaupo nalang ako dahil sa nakita ko, unti unting bumagsak mga luha ko at kasunod na neto yung malalakas na hagulgol ko

Napahawak ako sa tyan ko

"Ano to? Bakit bakit?"

Umiyak lang ako ng umiyak at lumabas sa banyo

Humiga ako sa kama at dinamdam pa din ang sikmura ko

"Nandyan kaba?"

Salita ko ng mahina

"Sorry, sana hindi ka nasaktan kahapon, sorry hindi alam ng mommy, patawarin moko anak"

Umiyak pa din ako ng umiyak hanggat sa nakatulog ulet ako

Kinabukasan ay nag ayos ako ng gamit ko at nag handa nang umuwi ng maynila

Hindi nako nag paalam kay david dahil nag mamadali ako

Kelangan ko mag pa check up para malaman kalagayan ng pag bubuntis ko

Dumiretso agad ako sa OB at nag pa transV agad agad

"Hello baby"

Sabi ni doc habang nakatingin sa monitor

Naiyak ako sa saya kase ayun sya at ang liit liit

"Ok naman lahat may heart beat si baby and mukhang hindi ka naman maselan, basta double care lang lagi lalo na ngayon at nasa first trimester ka palang, prone ang ganyan sa miscarriage kaya doble ingat tayo always mami"

Paalala pa ni doc habang binabalutan ako ng mga vitamins na kelangan inumin

"3 times a day ang unmum 2 times a day ang folic acid, mommy importate ito para sa development ni baby. Eat more vegetables and fruits iwas sa junkfoods and sweets lalo na sa stress ok?"

Nakangiting nag tango tango naman ako sakanya

Nang makalabas ay agad agad akong pumunta sa books store para bumili ng mga pregnancy book

Matapos ay umuwi nako sa bahay na pansamantala ko munang tinutuluyan

Kumuha ako pansamantala ng apartment na malapit sa hospital

Di na ako nag sabi kay mama tutal ang alam nya naman ay ilang bwan ako don sa palawan

Excited ako na binasa yung mga pinamili ko at nakangiting uminom nang gatas na sinabi sakin ni doc na inumin ko

"I'll be the best mom for you my child"

Hot Summer With CousinWhere stories live. Discover now