Chapter 14

609 19 0
                                    

Kabado ako ng magising kinabukasan. Mabuti nalang hindi naman nagtaka si lola dahil gabi na ako nakauwi. Dahil siguro sa pagod ay nakatulog ako kaagad kagabi.

Naligo ako sa balon sa aming likod bahay at nagbihis na. Sinuot ko ang aming uniform at hinanda na ang sarili para kumain.

Pagkalabas ko ng aming kwarto ay nakita ko si lola na inuubo.

"La!" agad ko siyang nilapitan. "Ininom niyo po ba ang gamot niyo na binili ko?"

Hindi siya umimik kaya hinalughog ko ang bag ng mga gamot na nakasabit sa dingding at nakitang wala pang bawas ang mga iyon. Kumalabog ang dibdib ko.

"La, h-hindi niyo iniinom ang gamot niyo? La, ilang araw na po ang ubo niyo. Tsaka ito lang ang gamot para gumaling kayo. Ito po ang nireseta sa atin ng doctor."

Tumayo siya sa upuan para ipagtimpla ako ng milo.

"Meseeyah, apo. Alam mo naman na hindi ako talaga sanay sa ganyan. Nasanay ako na halaman ang ginagamot sa katawan ko. Ni hindi ako makalunok ng tableta."

Nangunot ang aking noo ng mapuna ang paglalim ng mga mata ni lola at pagputla nito.

Napapikit ako ng mariin. "La, pakiusap na po. K-Kahit iyong vitamins man lang po pilitin niyo."

Tumango tango si lola. "Oo apo, pipilitin ko. Maliit na tableta lang naman iyon. Ang sa ubo hindi ko talaga kayang lunukin. Pasensiya kana ha kung nagsinungaling ako sayo."

Kahit na anong galit ko kay lola ay hindi iyon nagtatagal. Huminga ako ng malalim para makagayak na. Nilalakad ko papuntang sakayan ng bangka patawid sa aming eskwelahan kaya maaga akong gumigising para lakaran iyon.

Habang naglalakad ay nadaanan ako ng iilang kaklase ko. Si Mayumi ang nakasakay sa bike na may side-car. Nakaupo siya doon habang ang lolo niya ang nagpapadyak.

"Meseeyah! Sakay kana dito. Malayo pa naman ang daungan."

Nagulat ako sa pagyaya ni Mayumi. Ngumiti siya sakin. "Sige na! Huwag kanang mahiya."

"T-Talaga? Puwede akong sumakay?"

"Oo naman. Tara!"

Sumakay ako at tumabi sa gilid niya. Ang lolo niya naman ay kwento ng kwento ng mga napagdaanan nila noon ng yumaong asawa tuwing pupunta ang eskwelahan.

Sadya raw mahirap ang buhay at kahit kanin na may asin lang baon nila ay pumapasok parin sila.

"Lolo naman! Iba napo ang panahon ngayon no. Tsaka nagsisipag naman ako mag aral. Ikaw ba Meseeyah...naranasan na ba iyon ng lola mo?"

Kimi akong ngumiti. "Nararanasan rin naman namin kahit ngayon. Pero si lola kasi mahilig magtanim ng mga gulay kaya doon kami kumukuha ng kinakain araw araw."

"Ang galing naman. Malayo kasi kayo sa siyudad nitong Isla. Nasa liblib kayo. Wala pa kayong ilaw pero nasusurvive niyo parin ang buhay!" ngiting ngiti siya sakin.

"Hindi naman lahat ng bagay ay pera ang kailangan. Kami kasi ni lola ay nagtutulungan at hindi namin iniisip ang pera."

"Grabe naman. Kayo nalang ata ang may mindset na ganyan. Kaya naman pala makinis ka dahil sa mga kinakain mong masustansiya."

"Ang lola mo kasi ineng kay sadya nang masipag simula pa noon. Kung hindi lang namatay ang iyong lolo ay sana ay may katuwang parin kayo kahit papaano."

Titig na titig sakin si Mayumi habang umiwas ako ng marinig ang sinabi ng lolo niya.

"Hindi ako nakapunta sa birthday mo kasi masakit ang puson ko. Sayang naman. Sabi ni Giselle andoon raw ang crush namin at maraming handa."

Kinagat ko ang labi dahil kilala ko ang crush nila Giselle, si Moses.

"S-Sino ba crush mo doon?" tanong ko.

"Shhh! Mamaya na! Baka marinig ni lolo!" humagikhik pa siya.

Nang marating namin ang daungan ay marami nang nandoon. Agad na lumayo si Mayumi kaya kay lolo na ako nagpasalamat.

Halos lahat nakatingin na naman sakin at nagbubulong bulongan pa kahit naman na naririnig ko. Sanay na ako sa ganito araw araw.

"Grabe no? Ganoon raw kasi talaga mga aswang. Kunwari...Sobrang ganda! Para raw maakit nila ang mga binibiktima nilang lalaki."

"Oo nga! Kita mo iyong bahay nila? Sila lang yata nakatira doon. Wala pang ilaw! Ang bahay nila parang banyo lang namin sa liit!"

Kinagat ko lalo ang labi ko at yumuko nalang habang naghihintay.

"Gago pre! Kahit putol katawan niyan sa gabi papatusin ko iyan!" sabayan iyon ng tawanan nila.

Walang sumasaway kahit isa at nakikitawa rin.

Bumundol ang pait sa aking dibdib. Minsan... ang pagkausap nila Moses at Roman sakin ay sobrang naaapreciate ko.

Dito sa amin ang mga tao ay mababa ang tingin sa amin. Hindi kami pinapansin at ano-ano ang sinasabi sa amin. Hindi ko rin alam kung saan nanggaling ang mga kwento kwento nila tungkol sa amin.

Kahit na anong kabutihan ang ipakita ko ay masama parin ang kanilang turing sa akin. Kaya minsan mas mabuti pang manahimik nalang at hindi na ipaglaban ang aming karapatan.

Nakasakay na kami sa eskwelahan at marami nang studyante doon. Dito sa lugar kung saan ang aming eswkelahan ay siyudad na ng Isla. Nandito na raw yung malalaking building ngunit hindi pa ako doon kailanman nakapunta dahil takot akong mawala at wala naman akong rason na gumala dito. Pagkatapos ng klase ay diretso na ako agad sa sakayan ng bangka para umuwi sa Isla..

Sa aming klase ay hindi mawaglit sa isipan ko ang mga nagagawa namin ni Moses. Ibang sensyasyon ang dulot sa akin at halos siya nalang ang naiisip ko.

Pinilig ko ang aking ulo ng matapos ang aming klase. Bumaba ako ng bangka at nakita si Tiffany. Kitang kita ko na nasa yate ang iilan niyang mga kasama at agad siyang kumaway sakin.

"Hala...May usapan pala kami ngayon." sabi ko sa sarili. Alas tres na nang hapon at nakalimutan ko ang usapan namin.

"Hi Meseeyah! Hinantay kita!"

Sumabay sa malakas na hangin ang aking buhok ng hawakan ako ni Tiffany.

Doon ko narin nakita si Moses at naalala rin ang usapan namin! Umiwas siya ng tingin. Katabi niya rin pala si Roman!

"T-Teka Tiffany. W-Wala akong damit at hindi pako nahanda e. Nakalimutan ko kasi ang usapan natin."

"Okay lang! May mga damit na dito at kasama ko narin ang photographer. Come on! You can clean yourself on the comfort room sa yate. Sa Yate ka pipicturan at babayaran naman kita." aniya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 20 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Isla RomansàWhere stories live. Discover now